Kabanata 1

616 Words
MABAGAL ang aking bawat paghinga. Halos umiekis na rin ang aking paa. Hirap na hirap akong humigop ng hangin na susuporta sa akin. Nararamdaman ko na naman ang hilo na tulad noon ay nagpapahirap sa akin. Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa uhaw. I already drink water yet hindi nakatulong iyon. Nauuhaw pa rin ako pero hindi sa tubig. Hindi ko alam kung saan. Naririto ako sa garden dahil mas malakas ang hangin. Makatutulong sa akin sa mabilis na pagbalik ng normal kong paghinga. Pero hindi lang iyon ang ipinunta ko rito. Makatutulog ako at siguradong kapag nagising ako ay ayos na. "NAHANAP mo na ba ang babae?" Tanong ng isang tinig na kababakasan ng otoridad. "I already found her, father. The only thing we should do is to tell my brother to get ready." Sagot ng isang matapang na tinig ng isang babae. Hindi man lang ngumiti ang lalaki sa naging tugon. Tila may iba itong iniisip. "Find where your brother is. Tell him to stop wasting his time to nonsense. Kailangan maisagawa ang kasal sa lalong madaling panahon." Mahinahong sambit pa rin nito. Tango lamang ang isinagot ng babae. ISANG tapik ng malamig na kamay ang gumising sa akin. "Tadhana, why are you sleeping here?" Malamig ngunit may lamig ang boses nito. Mabilis akong tumayo at tinitigan siya. I don't know her! "Sino ka?" Tanong ko hababg nangungunot ang noo. Ngumiti siya sa akin bago sumagot. "I'm Aaliyah. One of your classmates. I thought you know me." Nakangiti pa ring sambit niya. Umiling ako at nagtataka pa rin. Kilala ko ang mga kaklase ko. Hindi man sa pangalan ngunit sa mukha ay kilala ko sila. Kahit kailan ang mukha ng babaeng ito ay hindi ko nakita. "I don't know you." Malamig kong tugon. Ngumiti pa rin siya. "You'll know me. Someday." Tinalukuran niya ako at iniwan doon na nagtataka. If she's my classmate, then why I do I feel something strange about her? Iiling iling akong umalis doon. Diretso ang lakad ko hanggang marating ang room namin. Maingay ang iba. Ang iba naman ay ginagawa ang usual na gawain nila. I was trying to sit when I feel that strange feeling again. Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng classroom. Someone is watching me, I know. Parang may kung anong kaba na naman ang dumamba sa aking dibdib. "Guys, Mrs. Agdipa can't attend our class. Kaya sabi n'ya, gumuhit daw tayo ng ghotic things." Biglang sambit ng pumasok kong kaklase. "Like wolves?" Tanong ng katabi ko. Nalimutan ko muli ang pangalan niya. "Yes. Werewolves, vampires, witches and etc. Anything na may kinalaman sa ghotic things." She answered. Mabilis na umikot ang isip ko. What should I draw? Inilibas ko agad ang sketchpad ko. Maririnig pa rin ang ingay at bulong ng iba ko pang kaklase. No wonder, wala si Mrs. Agdipa kaya sobrang saya nila. Mabilis akong gumihit. I don't know or even care about what my hand doing. All I know is I'm drawing something like ghotic. This is how I draw things. Kung ano ang nasa isip ko at iguguhit ng kamay ko. Walong minuto ang nakalipas at parang bigla na lamang tumahimik ang paligid. Hindi ko na lamang pinansin iyon. Noong una. After a minute nagiiba ang pakiramdam ko. Parang may sumasakal sa akin at kinakapos ako ng hininga. Mabilis kong tinago ang sketchpad ko. Ang kaliwang kamay ko ay nakahawak sa leeg ko. Kinakapos ako ng hininga. Nahulog pa ang lapis na gamit ko pero hindi ko na iyon pinansin. Mabilis akong tumayo ngunit mabilis din akong bumagsak. Dahilan ng pagsakit ng ulo ko. Nararamdaman ko na lamang ang mga kamay na humahawak at umaalog sa akin. But still no, everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD