Third Person POV
"Doc? Kamusta na ang anak ko?" Nangangambang tanong ng isang lalaking kababakasan ng pag-aalala ang mukha.
"I'm sorry to say this but... The cancer cells is eating every healthy cell she have. We can't expect for how long she will live."
Diretsong sagot ng doctor na s'yang in charge sa kaniyang anak.
Nanlulumong sinabunutan ng lalaki ang kaniyang buhok. Halos hindi malaman ang kaniyang gagawin sa sinapit ng anak.
"Gusto mong malaman kung paano mabubuhay ang anak mo?" Pagkuway tanong ng isang tinig. Mabilis na nag angat ng tingin ang lalaki. Ang kaninang doctor na kausap ngayon ay wala na.
Sa halip ay isang babaeng maganda at may pulang buhok ang tumambad sa harapan n'ya.
Nangingiming sumagot ang lalaki sa tanong nito.
"P-paano?"
"Hanapin mo ang lugar na ito. Dito mo matatagpuan ang dugo ng isang bampirang magbibigay ng panibagong buhay sa iyong anak. But I'm reminding you, don't get caught."
"PASS your paper class. I'll check that later." Mabilis kong ipinasa sa katabi ko ang papel ko. Iniligpit ko ang mga gamit at kinuha ang sketchpad ko.
"For now, we're going to tackle our next lesson." Malamyos ang boses na sambit ni Mrs. Milagrosa.
"What will be our topic now, Ma'am?" Tanong ni Jaje. Isa kong kaklase na may pagka-maldita.
Umiling na lamang ako at sinimulang iguhit ang larawang nakakintil sa isip ko.
"We're going to talk about ghotic things."
"Ma'am? Boring 'yon!" Gatol ng isa ko pang kaklase.
Asking what course I am in? Of course, Art. Hilig ko ang pagpinta o pag-guhit noon pa lang. Kaya ito ang aking kinuha.
"No! Listen. We're going to talk about Vampires. Are you familiar with that?" Pagpapatuloy nito. Doon biglang nakuha ang atensyon.
Vampires. Napapanuod ko lamang iyon sa mga palabas. Hindi ako naniniwala doon, kahit pa palagi akong nananaginip ng mga bagay bagay na tungkol doon. Hindi ko maikakailang mahilig manuod si papa ng ganoon.
"Ma'am, vampires have fangs. Aren't they?" Sa ngayon, ang babaeng katabi ko ang nagtanong noon.
Ipinagpatuloy ko ang pag guhit ngunit nanataling alerto ang aking pandinig. Somewhat, I'm curious about our topic. Hindi tulad noon na puro hayop lamang ang ipinipinta namin. Ngayon, something strange, mysterious and historical ang topic.
"You're right, Amira. Very good." Saad ni Ma'am. Napailing ako.
Hindi dahil sa naging puri ni Ma'am kundi dahil nabanggit na namang muli ang pangalan ng katabi ko na kailanman, hindi ko matandaan.
"Okay class. How about we do some recitation? You'll going to define vampires the way you imagine them or the way you know them. Base on what you've watched on movies." Biglaang turan nito.
Minsang nag-ingitan ang mga lalaki. Wala kasi silang hilig sa ganoon. Ang mga babae naman ay interesadong interesado. No wonder, dahil iyon sa mga napapanood nila na vampire movies at gwapo ang mga naroroon.
"Ma'am, ako po ang una." Sabi ng isa kong kaklase sa likod ko. Napapitik ako ng kamay sa pagkakaalam na ako na ang susunod. On Mrs. Milagrosa's rules, ang susunod na sasagot ay ang kasunod o katabi noon.
"Ma'am they sucked blood." Sagot nito.
"Very good, Camsha. Next, Riveira?" Tanong ni Ma'am.
Dahan dahan ang ginawa kong pagtayo. Nagiisip kung anong magandang salita ang masasabi.
Gayunpaman, wala akong maisip na tamang salita para mai-define sila.
"Ms. Riveira?" Muli'y tanong n'ya. Napapikit ako at inisip ang pinakamadaling words na nasa isip ko.
"They aren't real... Ma'am?" Patanong kong sagot. Sandali itong natigilan at pagkuway ngumiti.
"Hmmmm... Amira?" Mabilis na pagbaling n'ya sa katabi ko. Hindi man lamang s'ya nagbigay ng komento sa isinagot ko.
"Ma'am they're years older than us. Their skin is pale but not as snow. And lastly Ma'am, they are good looking." Mabilis na sagot nito.
Pumalakpak si Ma'am sa naging sagot niya. Napairap ako ng palihim. May ibang sasagot pa, nilahat na niya. What a good concept.
Biglang lumigpas ang linya ng drawing ko ng biglang tumunog ang bell tanda na break na. Mabilis ang naging pagkilos ng mga kaklase ko. Habang ako, halos walang ganang inililigpit ang gamit ko.
"Ms. Riveira?" Tawag sa akin ni Ma'am. Agad naman akong humarap at sinagot iyon.
"What will you do if vampires do exist?" Walang kagatol gatol n'yang sambit. Bigla akong kinabahan ng makita ang ngise sa kan'yang labi.
"Ma'am?" Tanging nasambit ko dahil hindi ako makahanap ng tamang salita para masagot 'yon.
Muli, ngise ang naging sagot sa akin ni Ma'am. Wala ng iba maliban sa ngise na tila may nais iparating...
...at isang nagliliyab na pulang mata na 'di ko alam kung totoo, o namamalik-mata lamang ako.