Kabanata 2

721 Words
TAHIMIK akong humihikbi sa isang sulok ng kwartong pinagtataguan ko kapag nagagalit sa akin si Mama. Hindi ko sinasadyang masira ang bracelet na bigay daw ni papa. Natatakot akong magpakita at talagang wala akong balak. Alam ko kasing hahampasin na naman ako ni mama ng sinturon ni papa. Muling kumawala ang hikbi sa akin. Bakit kasi hindi pa umuuwi si papa? Sabi niya ay sandali lang siya. Kahit garalgal ang boses ko ay sinumulan kong kumanta. Isang kanta na paborito namin ni papa. "Jimmy, please say you'll wait for me. I'll grow up someday you'll see. Saving all my kisses just for you. Signed with love, forever true" Nag-uunahang tumulong muli ang luha ko. Miss na miss ko na si Papa. Sisinghot singhot kong pinunasan ang aking luha. Maya maya pa'y nakarinig ako ng hiyaw mula sa labas. Hiyaw ng isang bata. Takot man ay sinilip ko ang labas mula sa siwang ng pinto. Napahiyaw ako ng bumulaga sa akin ang batang kumakalampag na ngayon sa pinto. Natatakot man ay binuksan ko ang pinto. Pinapasok ko agad ang batang lalaki at dali daling isinara ang pinto. Umiiyak siya at puro sugat ang kamay at mukha. Sugat na parang nasunog. "B-bakit ka may sugat?" Inosenteng tanong ko. Mabilis siyang umiling ako saka yumuko. Umupo ako at pinantayan pa lalo siya. Hindi sinasadyang nasugat ang braso ko sa isa sa mga yero na nakatambak dito. Iiyak sana uli ako ng ma-realize na mas grabe pa ang sugat sa akin ng bata. Muli ay kinuwit ko siya at hindi ininda ang hapdi ng sugat ko. "Saan galing ang sugat mo bata?" Muli'y sambit ko sa tanong. Hindi pa rin siya sumagot. Lalo ko siyang kinuwit at kinulit. Hanggang sa mabilis niya akong dinamba. Doon ko nakita ang mata niyang nanlilisik at pangil nyang matulis. Sinbukan ko siyang itulak ngunit mas mabilis siya at nakagat niya ako. Hiyaw ako ng hiyaw sa di malamang dahilan. "TADHANA, anak! Gumising ka! Tadhana!" Mabilis akong tumayo at itinulak si Papa. Lumuluha ako at nanginginig. "Anak? Nananaginip ka lang. Nandito na si Papa." Pang-aamo niya. Gayunpaman, hindi ako natigil sa paghikbi. Akala ko ay totoo ang panaginip ko. Akala ko ay totoo na. Muli akong pumikit at inalala iyon. Ngunit tulad ng dati, sa kasamaang palad, hindi ko na naman naaalala kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam kung ano ang naging panaginip ko. Mas lalo akong naluha sa inis. Naramdaman ko ang kamay ni papa na humahagod sa likod at pinapatahan ako. Naiinis ako sa sarili ko. Sa tuwing magtatanong si papa ng tungkol sa panaginip ko, hindi ko siya mabigyan ng sagot. Dahil maski ako, hindi ko alam ang panaginip ko. "GOOD DAY, class. Bring up your drawings." Panimula ni Mrs. Agdipa. Hindi ako nag-atubiling kuhanin ang akin. Alam kong limang minuto pa siyang magdaldaldal bago tuluyang check-an ang gawa namin. Nakapangalumbaba akong tumitig sa bintana kung saan tanaw ang garden ng School. Muli, para na namang nang a-akit 'yon. I don't know why but I'm fond of plants or something that is a total living things. Simula ng gumising ako sa Hospital na iyon, kinapos na ako ng hininga. May kakaiba at mainit akong pakiramdam na tanging bulaklak o halaman lamang ang may kayang alisin iyon. When I woke up in the Hospital bed, nakaramdam ako na malakas agad ako. Mabilis akong nakatayo at hindi nakaramdam ng panlalambot o pagkauhaw man lamang. Maraming doctor ang nagtaka kung paano ako naka-survive. Yet, papa just answered them with a smile. Simula noon ay hindi na ako na-admit pa sa Hospital. Hindi ako tinatamaan ng matinding sakit maliban sa pagsikip ng aking paghinga. When I consulted this problem, sabi ng doctor na wala daw mali sa akin. No heart disease or anything. Sabi ni Papa, hayaan ko na raw. Normal lang daw iyon. Ilang doctor man ang puntahan ko, wala ring nangyayari. I accepted the fact na baka ganoon na lang talaga. Nabalik ako sa tamang pagi-isip ng maramdaman ang tapik ng katabi ko. "Ms. Riveira? Are you with us?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ma'am. Nakaramdam ako ng inis at hindi pagkapahiya. Tumaas ang kilay ko pero agad ding bumaba. "Ms. Riveira, if you aren't okay you can go now." Malamig na sabi nito. Umiling lang ako at ibinalik ang tuon sa shoulder bag. This is effin boring. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD