Kabanata 3

751 Words
"HINDI niyo siya pwedeng kuhanin sa akin!" Isang sigaw ang pumukaw ng atensyon ko. Kagigising ko lamang at iniisip ang nangyari kanina lamang. Ang pagkakasakal sa akin ng hangin? I can't tell who's doing that. Parang may malakas na pwersa ng hangin na pumulupot sa leeg ko. "Hindi ako makapapayag! Umalis na kayo! Alis!" Muling dinig kong sigaw ni papa. Tila may kaaway siya kaya dali dali akong bumaba. Mula sa hagdan ay isang boses ng babae ang naririnig kong kausap niya. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang kabuoan ng kaniyang mukha. Katabi nito ang lalaking hawak hawal ang sombrero at nagsusumigaw ng otoridad. Habang si papa naman ay kababakasan ng galit ang mukha. Malabo ang mga salita dahil hindi ganoong kalakasan ang boses ng babae. Sapat lang para malaman mong nagsasalita siya. "Papa...?" Pukaw ko sa atensyon nila. Umangat ang tingin ni papa sa akin pero ang babae ay hindi man lamang lumingon. Itim na itim ang buhok nito na kumikintab. Akala mo ay isang modelo sa commercial ng cream silk. "Umakyat ka muna sa taas, Tadhana. May pinaguusapan kami ng bisita ko." May pag u-utos sa boses ni papa. Pag u-utos na kailangan kong sundin. Hindi na ako kumibo pero nanatili akong alerto. Dahan dahan ang ginawa kong pag-akyat ng hagdan. Dinadama ang kakaibang tensyon na bumabalot ngayon sa sala namin. Sa kahuli hulihang baitang ay sinikap kong patunugin ang paa ko. Tanda na narating ko na ang taas. Ngunit nanatili ako doong nakatago at balak pakinggan ang anumang usapan nila. "Walang kasalanan ang anak ko! Hindi niyo siya makukuha sa akin!" May pinalidad at sapat na lakas ng boses si papa. "We'll have her, soon." Malamig ang boses ng babae. Nanatili itong kampante. Bigla na lamang tumahimik sa baba. Walang maririnig na kahit anong salita. Napagpasyahan kong dumiretso muli sa kwarto. Nanlalambot pa rin akong napahiga sa kama. I don't why but I'm so tired. It seems like napakalaki ng nakadagan sa akin. Ipinikit ko na lamang muli ang mata ko. Hanggang sa di ko namalayang mabilis muli akong nahulog sa bitag ng antok. Someone's POV "WHERE'S my brother?" I asked. Nakatungo lamang siya habang nilalandi muli ang isang kasambahay dito. Nag-angat s'ya ng tingin sa akin. Lumitaw ang kakaibang ngisi sa kaniyang labi. Animo'y nang u-uyam. "Where do you think?" Mapaglarong sagot nito. Umikot ang mata ko sa sinabi niya. Hindi na ako nagtatakang nababaliw na ang kapatid ko. Dahil iyon sa kasama niya lagi ang demonyong 'to. "I'll talk to him." Deklara ko at agad siyang tinalikuran ng hindi hinihintay ang sagot niya. Diretso lamang ang lakad ko hanggang sa marating ang pinakadulong pinto kung saan ay kwarto n'ya. Nakarinig ako ng hiyaw mula sa loob. Umirap akong muli. Maya maya pa ay tumahimik 'yon. Tumikhim ako bago kumatok. Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto at sumalubong sa akin ang kapatid kong umiinom. Napapilantik ako bago siya itinulak at diretsong pumasok sa kwarto. Bumalandra sa akin ang malinis at madilim niyang kwarto. Animo'y ilang taong hindi nalalagyan ng ilaw. Binalingan ko ang kama niya at doon ay nakita ang walang buhay na babae. Ibinalik ko ang tingin ko sa kapatid kong ngayon ay prenteng nakaupo sa couch. Umiinom na akala mo ay nasa expensive bar. "Aren't you tired of doing this, brother?" Tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya nagsalita akong muli. "You're crazy! Hindi mo ba kayang tigilan ang ginagawa mo? We are not monster, brother! If you're thirsty, then look for animals. Hindi iyong tao ang inuubusan mo ng dugo. Specially, babae." Mahabang litanya ko sa kaniya. Umangat ang tingin niya sa akin. Walang emosyong ngumise bago nagsalita. "Should I stop pestering their lives? They're the reason why Camilla is dead. f**k those humans." Malamig niyang tugon. Nakaramdam ako ng awa sa babaeng ngayon ay nakahiga sa kama habang wala itong buhay. Wala silang kaalam alam na sa pagsama nila sa magaling kong kapatid, buhay na nila ang kapalit. "Can't you understand? You need to fix yourself. Your wedding might happen soon." Deklara ko. Hindi man lamang siya natinag doon. "You won't like it if I get married to that b***h. I'll just use her body, drain her and drink her blood until she's dead." Determinadong sagot niya. Ngayon pa lamang ay nakaramdam na ako ng awa sa babaeng nakatakda. Alam kong wala siyang kasalanan. Wala siyang kamalayan sa ginawa ng kaniyang ama. Somehow, she really need to get ready. Kailangan na handa siya sa anumang panganib na dulot ng aking kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD