Sinusuklay ko lamang ang mamula mula kong buhok. Natural ang pagkakapula nito na humahalo sa itim. Hindi pantay ang bawat dulo nito. Ang haba ay umabot na aking baywang ngunit hindi ko binalak na ipaputol iyon.
Nasanay na lamang siguro ako na ganoon iyon kahaba. Tahimik at walang ingay na maririnig sa kwarto. Siguradong si papa ay nasa trabaho na sa mga oras na ito.
Pinagmasdan kong mabuti ang aking sarili sa salamin. Maputi ako pero hindi sing puti ng mga nasa commercial. Maputi ako na parang maputla. Ang labi ko lamang ang akala mong may buhay sa akin. Ang mata ko ay parang patay at malamig.
Kailanman ay hindi ko nakitaan ng emosyon. Subukan ko man ay hindi ko pa rin magawa. Nananatiling ganito. Kung kaya hindi na ako nagtataka na may takot sa akin ang ilang kaklase ko. Para daw akong isang mangkukulam sa haba ng buhok, patay dahil sa tahimik lamang ako at bampira dahil sa maputla daw ako.
Somehow, hindi ko na lamang pinansin. They are right. Iyon nga lang ay hindi ako patay, mangkukulam o bampira. Sadyang naayon lamang sa definition nila sa akin ang mga iyon.
Nang magsawa sa kasusuklay ay pinasya kong ipuyod na ang aking buhok. Walang pasok ngayong miyerkules. That means na maghapon akong buro sa bahay. Wala akong kaibigan na magagalaan at mas gusto kong humilata na nga lamang maghapon.
Iniisip ko na hindi na siguro magbabago pa ang takbo ng buhay ko. If I'm like this right now, maybe hanggang dulo ganito na ako. Kuntento na akong buhay at kasama si papa.
Sandali akong natigilan sa pagpuyod. Pinakiramdaman ko muli ang paligid. Alam kong hindi ako nag i-isa. There's someone who's watching me right now. But I don't know who is it.
I already told papa about this. Sabi niya sa akin ay baka guni guni ko lamang daw iyon. Isa rin iyan sa dahilan kung bakit hindi ako lumalabas kapag hindi kailangan. It's because I'm scared that someone might hurt me.
Para kasing lagi na lamang may nakaambang panganib sa akin. Natatakot na rin ako para sa aking ama, ngunit sabi niya ay wala raw siyang kaaway. That's why he's safe.
Agad kong naalala ang babae at lalaki kahapon. Who are they? Sino ang kinukuha nila kay papa? Wala na akong kapatid and somewhat, maaring ako iyon. But I don't know them. Kailanma'y wala akong nakilalang babae o lalaki na alam kong maaaring magkaroon ng koneksyon kay papa.
Nakarinig ako ng sigaw mula sa labas. Napupunto kong si papa iyon. Mabilis kong binitawan ang suklay at agad na bumaba. Nakasalubong ko siyang humahangos patungo sa akin.
"Anak, halika na. Aalis na tayo rito. Hangga't malayo pa sila." Kinakapos ang hininga ngunit sinikap na sambitin iyon.
"Papa, sino bang sila? At bakit tayo aalis? Bahay natin 'to." Pagmamatigas ko. Para siyang natatarantang isinara at ni-lock ang pinto at bintana. Bago ako inakay patungo sa taas.
"Papa, sagutin niyo 'ko. Sino sila at bakit nila tayo ginigulo?" Muli'y pagtatanong ko.
Ngunit narating na namin ang kwarto ko ay hindi pa rin niya ako sinasagot. Hinaltak niya ang bag ko na wala ng laman ngayon dahil nilabhan ko kahapon. Tinungo niya ang closet at agad na naglagay ng damit ay shorts ko doon. Habang ako ay nagtataka pa rin.
"Papa? Ano?"
Natigilan siya sandali at namamag-asang tumingin sa akin.
"Sila 'yong kahapon, hindi ba? 'yong babae at lalaki?" Tanong ko.
Tumango siya sa akin. Kitang kita ko na malaki ang problema niyang dinadala. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Anak, ipapaliwanag ko lahat sa'yo. Sa ngayon ay kailangan mo munang sumunod sa akin. Aalis tayo, ngayon din!" May pinalidad niyang sambit.
Bumalik siya sa paglalagay ng gamit ko. Nang makitang sapat na 'yon ay sinara na niya. Isinukbit iyon at agad akong hinila palabas.
"Papa, ikaw, hindi ka kukuha...?" Tanong ko. Umiling siya sa akin at diretso pa rin sa paglakad.
Nakasunod lamang ako sa kaniya. Sa likod kami dumaan sa di ko malamang dahilan. Palinga linga si papa bago tumakbo sa kakahuyan habang hatak ako.
Wala man akong ka-alam alam ay sumunod na lang ako.
Maya maya pa ay nakarinig ako ng kalabog mula sa bahay. Nilingon ko iyon ngunit lalong bumilis ang takbo ni papa. Mabuti na lamang at umaga kaya kita ko pa rin ang daan. Kahit pa halos hindi na dampian ng araw ang kakahuyan na ito dahil sa yayabong ng puno.
"Magmadali ka, anak. Madali." Halos pabulong na sambit niya. Sumunod ako at mas lalong nagmatulin. Nakakarinig ako ng ingay ng takbo mula sa likod ngunit hindi ko na nilingon pa.
Unti unti na rin akong binabalot ng takot at kaba. Ilang sandali pa ay nabitaw sa akin si papa. Isang taong mahaba ang buhok ang dumamba sa kaniya mula sa likuran.
"Papa!" Hiyaw ko rito. Kinuha ko ang kaputol na kahoy doon at inihampas sa likod nito. Mabilis siyang nawala sa harapan ko kaya nilapitan ko kaagad si papa.
Nagulat na lamang ako ng ako naman ang dakmain nito sa likod. Agad na itinabingi ang leeg ko at doon nagsumiksik. Mabilis na tumayo si papa habang ako ay nagpupumiglas. Ang kaninang gamit kong kahoy ay siya ring ginamit niya. Hindi natinag ang lalaki. Siniko niya lamang si papa at lalong idiniin ang labi sa akin.
Buong lakas ko siyang sinikmuraan at agad na kumawala sa kan'ya. Doon ko nakita ang maputla nitong mukha, mapupulang mata at matutulis na pangil.
Binalot ako ng kakaibang takot. Agad akong tumakbo sa direksyon ni papa. Hawak hawak ko na muli ang tubo upang ipanlaban kung sakaling susugod itong muli.
"Tadhana, umalis ka na. Iligtas mo ang sarili mo. Dali!" Utos niya sa akin. Iiling iling ako at nagmatigas. Inatake ko ng muli ang lalaki ngunit mabilis siya. Nasa likod ko siya at agad na iginasgas sa akin ang pangil niya.
Naramdaman ko ang hapdi noon na humiwa sa aking balikat. Agad na kinubabawan ni papa ang lalaki.
"Takbo, Tadhana. Takbo!" Sigaw niya sa akin. Sa pagkataranta'y madali akong tumakbo. Nilingon kong muli si papa at nakitang ngayon ay nakasuksok ang mukha ng lalaki sa leeg niya.
Rinig na rinig ko ang hiyaw nito na nagsusumigaw ng sakit. Nag u-unahang umagos ang luha sa aking mata. Iniisip na ang posibilidad na wala na si papa. Unti unti na ring bumabagal ang kaninang takbo ko.
Bukod sa hinihingal ay nawawalan na ng pag-asa. Maya maya pa ay may kakaibang pwersa ang nagpawala ng aking malay. Bumagsak na lamang ako sa isang katawan ng tao. Bago pa ako mawalan tuluyan ng ulirat ay ramdam ko pa ang mabilis na takbo ng taong may hawak sa akin ngayon.