PABALIK balik ang lakad ko sa kwarto kung saan ako nagising kanina. Thinking about what the woman said earlier. "You need to marry our king..." Sambit niya. Halos mawalan ako ng kulay at hininga sa sinabi niya. "What?!" Halos sumigaw na ako doon. Iniisip kong mali lamang ako ng dinig subalit kinumpirma niya iyon. "You need to marry our king, my brother. You are the woman in the prophecy. Marry him and you'll live." Ngayon ay hindi na bakas sa boses niya ang babaeng mabait kaninang kausap ko. "I wont! Marriage is a sacred thing. Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko naman kilala, at isang bampira!" Pagtutol ko doon. Wala na akong mabakas na emosyon sa kaniyang mukha at mata. Kabaligtaran ko na halos umiyak na. "You'll marry him as soon as possible. That's what the price you n