“BAKIT ka ba nagpunta dito?” hindi napigilan ni Monica na ipahalata kay Conrad ang inis niya nang lapitan niya ito sa may gate para patuluyin. Sa kabila ng kung tutuusin ay hindi magandang asal na ipinakita niya sa binata ay kabaligtaran parin ang naging pagtugon doon ni Conrad na labis naman niyang ikinainis. “Dinadalaw ko lang ang nanay ng magiging anak ko,” sagot niyang ngumiti pa saka iniabot sa kanya ang mga dala nitong bulaklak. “Nakakasuka,” ang galit na bulong ni Monica saka nagpatiuna sa pagpasok habang hindi rin naman niya tinanggap ang iniaabot na pumpon ng mga rosas ni Conrad. “At sino naman ang isang ito?” nang makita ni Conrad si Jake na nakatayo sa may pintuan ay iyon ang biglaang pagbabago ng tono nito. Mula sa pagiging sweet at mabait kanina ay biglang naging arogant