“REALLY?” parang hindi kumbinsidong sabi pa ni Jake. “Oo naman. Alam mo ba kung nandito ka lang noon at narinig mo kung ano ang pinagsasabi sa akin ng lalaking iyon baka masakal mo siya,” kwento pa niya. “Nagagalit ka na naman. Ang mabuti pa huwag na natin siyang pag-usapan. Baka ma-stress pa ang baby sa tiyan mo,” ani Jake na amuse siyang tinawanan. “Alam mo Jake, hindi ko alam kung sa akin ka ba kampi o sa lalaking iyon,” ang naiinis niyang sabi saka tumayo na at binalikan ang ginagawa. Narinig niya ang mahinang tawa na pinakawalan ni Jake. “Syempre ikaw, pero ayoko namang sulsulan ka para magalit ka ng husto sa kanya. Alam mo iyon? Kaibigan mo ako at hindi ko gustong dagdagan ang stress na nararamdaman mo.” Parang hinaplos ng pakpak ng ibon ang puso ni Monica dahil sa sinabing iyon