KABANATA 56 “SOMETHING PRIVATE 4”

1464 Words

NAGING mahirap na para kay Monica ang huminga nang mga sumunod pang sandali.  Hindi na naging mahinahon si Jake sa paraan ng pag-angkin nito sa kanyang mga labi kahit kung tutuusin ay wala namang ginagawang ibang pamamaraan ang mga kamay nito.  Oo, hindi naging pangahas ang mga kamay ni Jake.  Nanatili lang itong nakayakap ng mahigpit sa kanya at ganoon rin siya dito.  Nasa leeg ni Jake ang dalawang kamay niya na nakapulupot doon. “Sa tingin mo ba, gusto mo ang mga halik ko?” tanong ni Jake nang sandali nitong pinakawalan ang mga labi niya saka maingat na hinaplos ang kanyang kaliwang pisngi. Nahihiyang napangiti si Monica saka tinitigan sandali ang magagandang mga mata ni Jake.  “Hindi mo ba ako sasagutin?” tanong ni Jake saka muling dinampian ng simpleng halik ang bibig niya. Nap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD