“A-AKALA ko ba may pasyente ka?” tanong niya sa binata habang pilit na iniignora ang kakatwang dadaming nililikha ng ginagawa nito sa katawan niya. Tumango ang binata pero hindi ito huminto sa ginagawang paghalik sa kamay niya na ngayon ay nagsimula nang maglandas sa kanyang braso. “Tapos na, nakaalis na kanina pa kasi maaga ang appointment niya,” anito sa kanya saka siya biglang kinabig sa baywang palapit rito. Muling napasinghap si Monica gawa ng kapangahasang iyon ng binata. Pero hindi rin naman niya kayang i-deny ang katotohanang natutukso siya ng unto-unti dahil sa ginagawa ni Jake. At alam niyang sa anumang sandali ay muli na naman siyang bibigay dito. “P-Pero Jake, hindi naman tama na ganito ang gawin natin dito sa clinic mo,” aniyang inilagay ang dalawa niyang kamay sa dibdib