“GOOD evening,” iyon ang nakangiting pagbati ni Jake kay Monica matapos buksan ng huli ang gate. Dahil yata sa kagwapuhan na nakabalandra sa harapan niya ay hindi na kailangan pang pilitin ni Monica ang pagngiti. Dahil automatic smile na ang nangyayari sa kanya at kasunod niyon ang kakaibang kiliti at kilig na nanunuot sa puso niya. “Hello, magandang gabi, dok,” aniyang nilakihan ang bukas ng gate. Jake gave her a head tilt bilang tugon sa pagbati niya at pagkatapos, mula sa likuran nito ay nakita niyang lumitaw si Mang Kanor. “Pasensya ka na kung nagpumilit ako kahit gabi,” paumahin pa ng binata. Kung kanina ay hindi nagkaroon ng chance si Monica para mapagmasdan ang mga mata ng lalaki, hindi na ngayon. Shocks! Ang ganda naman ng mga mata niya! As in, parang blue diamond sa ganda!