KABANATA 14 “RENOVATION 3”

1107 Words

NASA biyahe na si Jake pabaling ng hotel ay hindi parin mawala sa isipan niya ang magandang mukha ni Monica. At hindi niya tiyak kung nahalata b ani Mang Kanor na na-smitten siya sa kagandahan nito, dahil totoong nagulat siya sa isinatinig ng matanda. “Magandang bata si Monica, hindi ba hijo?” tanong sa kanya ni Mang Kanor. Napangiti siya doon saka sandaling nilingon ang matanda bago niya ibinalik ang kaniyang paningin sa kalsada. “Opo, napakaganda,” sang-ayon niya dahil iyon naman talaga ang totoo. Totoong napakaganda ni Monica. Mestisahin ito, matangos ang ilong, itiman ang buhok nitong lampas-balikat. Maliit ang mukha na parang sa manika, soft-jaw, small round eyes at may balingkinitan na pangangatawan. Tama lang ang taas nito na sa tingin niya ay nasa five feet and four inches. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD