“MABUTI naman at naalala mong umuwi ngayon? Ang akala ko eh nakalimutan mo na rin ako?” Pagpasok ni Conrad ay inabutan niya sa sala na nagbabasa ng libro ang kanyang ina at iyon ang naging bungad na pagbati nito sa kanya. “Ma, pwede ba?” aniyang nahinto sa gagawin sanang paghalik sa pisngi ng kanyang ina. Noon ibinaba ni Tina ang hawak nitong libro sa ibabaw ng center table saka itinuon ang pansin sa kanya bagaman nanatili itong nakaupo. “Nakita ko si Monica kanina sa supermarket. Kasama niya iyong doktor at ipinakilala niya ito sa akin ng personal. Sinabi niyang magkaibigan lang sila,” simula ng kanyang ina. Sa pagkakarinig sa pangalan ni Monica ay agad na naramdaman ni Conrad ang magkahalong galit at sakit na gumuhit sa kanyang dibdib. “Ma, huwag mo na ngang mabanggit-banggit an