THE PAST… “MONICA, sa tingin mo ba gwapo ako?” iyon ang minsang naisipang itanong ni Conrad kay Monica habang naglalakad sila pauwi. Narinig ni Conrad ang mahinang tawa na pinakawalan ni Monica dahil sa tanong niyang iyon. Pagkatapos ay nilingon siya nito habang nagpatuloy lamang sa paglalakad. “Ano ba namang klaseng tanong iyan? Eh hindi ba nga alam mo naman ang sagot diyan? Lahat nalang yata ng babae sa school natin may gusto sa’yo,” anitong nagbawi ng tingin. Lihim na kinilig si Conrad sa sinabing iyon ni Monica. Totoo naman ang sinabi nito. Alam niya ang totoo at alam rin niya kung ano ang sagot sa sarili niyang tanong. Pero dahil nga sa lihim niyang pagtingin para rito, alam niyang mas matutuwa siya kung sa dalaga mismo manggagaling ang lahat. “Ang ibig kong sabihin, kung gwapo