"HINDI pwede ang sinasabi mo Conrad, paano naman itong bata sa sinapupunan ko?" iyon ang umiiyak na tanong ni Monica sa kanyang nobyo. Gabi iyon ng Linggo at dinalaw siya ng binata dahil wala itong schedule ng shooting.
"Pwede ba Monica! Huwag mo guluhin ang utak ko tungkol sa problema mo! Kasalanan mo iyan! Bakit hindi ka gumamit ng proteksyon? Sana nag-pills ka!" ang galit na galit nitong sagot.
Matapos ang matagal na panahon naring pagpapalipad hangin sa kanya ni Conrad ay tuluyan na ring nahulog ang loob niya sa lalaki at sa kalaunan ay naging nobyo na nga niya ito. Mabait kasi ang binata sa kanya at ganoon narin ang buong pamilya nito lalo na ang ina ng lalaki.
"P-Pero, alam mo naman na hindi ko alam ang tungkol dito!" sagot niya.
Noon madilim ang mukha siyang tinitigan ng binata. Alam niyang galit na galit ito sa kanya ngayon at kung bakit, iyon ang hindi niya maunawaan dahil kung tutuusin, katulad ng sinabi niya, hindi naman talaga niya alam ang tungkol doon.
"Imposibleng hindi mo alam. Siguro nga lasing ka nung gabi na iyon pero alam mo iyon, hindi ba? Kaya huwag mong idahilan sa akin na hindi mo alam!" mariin nitong sagot sa kanya.
Noon na nga tuluyang bumalong ang mga luhang kanina pa pinipigilan ng dalaga. "P-Pero, Conrad, paano ang bata? Kailangan mo akong panagutan," hindi niya alam kung bakit takot na takot siyang sambitin ang hulong pangungusap na nanulas sa kanya mga labi pero totoong takot na takot siya.
"Baliw ka na ba? Anong gusto mo? Pakasalan kita? Hindi pwede! At isa pa, hindi ko pa lang nasasabi sa iyo pero plano na talaga kitang i-break kasi may iba na akong mahal," ang parang walang anumang sinambit ng lalaki.
Tigalgal na napatitig si Monica sa mukha ng kaharap. Ilang sandali rin siyang nanatili sa ganoong ayos habang sinusukat niya sa itsura ng binata kung seryoso ba ito sa sinabi o nagbibiro lang.
"A-Anong sinabi mo?" tanong niya rito.
Sa lakas ng kabog ng dibdib niya dahil sa kaba nang mga sandaling iyon ay hindi na niya halos marinig ang sarili niyang boses. Pati narin ang mga hikbi na impit na kumakawala sa bibig niya.
Noon nakita niyang lumarawan sa mga mata ni Conrad ang tagumpay at pagmamalaki. Pagkatapos ng ilang sandali ay sinalubong nito ang mga titig niya. Nakipagsukatan ito ng paningin sa kanya at sa huli ay ito rin naman ang naunang nagbaba ng tingin.
"Tama ang narinig mo. Matagal na kami ni Joana, alam ko kilala mo siya, hindi ba? Kaya kung ako sa iyo tumigil ka na dahil kahit anong gawin mo hindi ko sisirain ang career ko sa pag-aartista nang dahil lang sa isang katulad mo na taga-benta ng leche flan at taga-kuskus ng banyo at inudoro sa ospital. Kung gusto mo ipaglaglag mo ang batang iyan, o kaya ipaampon mo, wala aking pakialam!" sagot nitong tumayo na pagkatapos.
At tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Monica sa kanyang narinig.
Kilala niya si Joana, katulad ni Conrad ay artista rin ito at natural, given na ang pagiging maganda ng babae at sexy. Sa katunayan ay kasamahan ito ng kanyang nobyo sa soap opera na ang babae ang bida at supporting naman ang binata.
"K-Kailan pa ito? Bakit hindi mo ako agad na hiniwalayan kung may iba ka na palang mahal? Bakit kinuha mo pa sa akin ang p********e ko?" masamang-masama ang loob na tanong ni Monica habang umiiyak.
"Tatlong buwan! O ano masaya ka na? Nasagot ko na ba lahat ng tanong mo?" ang may kayabangan nitong tanong sa kanya saka ngumisi.
Sa isinagot na iyon sa kanya ni Conrad ay mabilis na natilihan ang dalaga. "Tatlong buwan!" aniya.
"Oo! Hindi ba tatlong buwan narin mula nung unang beses na may mangyari sa atin? Tapos hindi ka na pumayag na maulit iyon? Alam mo kasalanan mo rin ito eh! Kung pumapayag ka lang sana na mag-s*x tayo di sana hindi ako napilitan na tikma si Joana. Kunsabagay, masarap naman talaga siya, at magaling sa kama! Hindi katulad mo!"
Sa huling sinabi na iyon ni Conrad ay parang may sariling isip ang kamay niyang kusang kumilos at malakas na sumampal sa mukha ng kung tutuusin ay gwapo at artista niyang nobyo.
"Walang hiya ka! Kung wala kang planong panagutan ako huwag mo na akong insultuhin! Oo mahirap lang ako pero hindi ako katulad mo na walang paninindigan! Lumayas ka! Animal ka! Ikaw ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa buhay ko! Pero hindi ko gagawin ang ginawa mo! Bubuhayin ko ang batang ito at kahit magdildil ako ng asin hindi ko siya ipamimigay! Hindi ko siya tatalikuran at paninindigan ko siya! Hindi katulad ng ginawa mo! Magaling ka lang mambuntis! Malibog ka lang pero wala kang bayag!" ang galit na galit niyang sigaw saka pinagtulakan palabas ng pinto ang lalaki.
"Huwag mo akong itulak!" ang galit na bulyaw sa kanya ni Conrad saka siya inambahan sa sasampalin pero mabilis niyang nadampot ang isang kahoy na pigurin saka iyon iniamba sa lalaki.
"Sige! Subukan mo! Hayop ka! Lumayas ka dito tarantado kang walang bayag!" aniya.
Noon naiiling na muling nagsalita si Conrad. "Wala nang tatanggap sa iyo kasi masahol ka pa sa basahan! Iyan ang tandaan mo. Sino ba naman ang matinong lalaki na dadampot sa isang katulad mo na pinagsawaan, binuntis at isinuka ko na? Kung nagmakaawa ka nalang sana sa akin. Baka nakakalimutan mo, artista ako, gwapo ako at mayaman, maraming nagkakandarapang babae sa akin. Kaya nga hindi kita ipinakilala eh, kaya kita itinago, kasi ikinahihiya kita, janitress ka lang pero pumatol ako sayo, malaking biyaya na iyon para sa iyo kung tutuusin at---,"
"Umalis ka na! Putang ina mo! Umalis ka o papatayin kita!?" sa puntong iyon ay hindi na nga kinaya ni Monica ang magpigil.
Humulagpos na ang emosyon na kanina pa niya pilit na kinokontrol saka pinagtulakan palabas ng pinto si Conrad kaya ito nahulog sa hagdan. Pagkatapos ay galit na galit niyang dinampot ang mga naluto na niyang leche flan saka iyon pinagbabato sa lalaki na nasapul pa niya sa mukha.
Sa puntong iyon ay nakaramdam ng kasiyahan sa puso niya si Monica lalo nang makita niyang balot ng leche flan ang pinagmamayabang nitong kagwapuhan, dahilan kaya kahit umiiyak siya ay hindi parin niya napigilan ang matawa.
"Hayan ang dapat sayo! Para magka-itlog ka, maligo ka ng leche flan!" pahabol pa niya kay Conrad na nagtatakbo palabas ng gate saka sumakay sa magara nitong kotse.
Wala na ang sasakyan nito nang pagod na pagod siyang bumalik sa loob ng kabahayan saka nanlulumong napahagulhol ng iyak.
"Ano na ngayon ang gagawin ko? Paano na ako?" tanong niya saka isinubsob sa sarili niyang mga palad ang luhaan niyang mukha.