KABANATA 3 "OPEN FOR BOARDING"

1228 Words
INASAHAN na niyang pakikiusapan siya ni Tina dahil sa nangyari sa pagitan nila ng anak nito. Lalo pa nang malaman nito ang tungkol sa pagbubuntis niya pero minabuti ni Monica na tanggihan nalang ang lahat ng iyon. "Nasabi ko na po sa anak ninyo na paninindigan ko itong anak ko, okay na po iyon," kinabukasan ng umaga nang makarating sa ginang ang naging pagtatatalo nila ni Conrad na nauwi sa hiwalayan. Nasabi narin sa kanya ng ni Tina na nalaman nito mula sa mga kapitbahay ang nangyari sa kanila ni Conrad. Hindi na nagtaka tungkol doon si Monica. Maliit lang ang baranggay nila kaya hindi na surprising kung bakit ganoon kabilis ang pagkalat ng balita. "Pero paano ang bata? Apo ko iyan, hindi ko pwedeng pabayaan," anito sa kanya. Umiling ang dalaga. "Huwag po kayong mag-alala, may ipon naman ako at nasabi ko narin sa ospital ang tungkol sa kundisyon ko, okay lang sa kanila at naunawaan nila kaya hindi ako mawawalan ng trabaho." "Pero hija,---," "Nakapagdesisyon na po ako, Kagawad. Okay lang po, maraming salamat po sa pagpapakita ninyo ng malasakit sa akin at sa magiging anak ko. Hayaan ninyo kung sakaling magipit ako o kailanganin ko ng tulong tatawagan ko kaagad kayo," aniya. Sinabi niya iyon para kahit paano ay ibalik sa ginang ang kabutihan nito. Ayaw niyang magmalaki dahil hindi rin naman niya nahuhulaan kung ano ang pwedeng mangyari sa future. Pero sa puso niya, alam ni Monica na gagawin niya ang lahat huwag lang mangyari sa kanya ang humingi ng tulong mula sa mga ito. ***** "MABUTI naman at naisipan mong buksan ang bahay mo para gawin boarding house. Sa laki nu'n at mag-isa ka lang iyon ang pinaka magandang pwede mong gawin," si Myla iyon, ang kaibigan niyang janitress din na kasabay niyang kumakain ng lunch. Katulad niya ay dalaga rin si Myla. Nasa probinsya ang mga magulang nito na ayon sa dalaga ay pagsasaka ang ikinabubuhay. Mayroon itong isang kapatid na babae na pinag-aaral nito ng high school. Mula kasi ng sabihin niya sa ospital ang tungkol sa kundisyon niya ay hindi na siya binigyan ng mga ito ng pang-gabing shift. Hindi kasi maganda sa buntis na katulad niya ang magpuyat kaya ganoon. "Baka may kilala kang naghahanap ng mare-rentahang kwarto, ituro mo nalang sa bahay," aniya sa kaibigan. "Oo naman, makakaasa ka. Oo nga pala, paano iyon pagtitinda mo ng leche flan at iba pang kakanin, tuloy parin ba iyon?" tanong ni Myla. Tumango siya. "Oo, tutal kaya ko naman. At isa pa, kailangan kong ma-ipong ng pera para sa panganganak ko. Iniisip ko nga, kung sakaling gumanda ang plano kong pagpapaupa dun sa dalawang bakanteng kwarto sa bahay baka buksan ko nalang din ulit ang tindahan ni Tita Sita pagkapanganak ko. Tapos itutuloy ko parin ang paggawa ng leche flan pero maramihan na. Sa palagay ko naman may makukuha akong pwedeng mag-alaga sa baby ko tuwing aalis ako," aniyang parang wala sa loob na hinaplos ang flat parin niyang puson. Noon nakangiting inabot ni Myla ang kamay niya saka iyon marahan na pinisil. "Kung sakali ba pwede bang ako nalang ang umupa nung isa mong kwarto? Tutal naibenta narin ng may-ari iyong building kung saan nandoon ang boarding house na inuupahan ko? Para may makatuwang ka, kailangan mo ng makakasama kapag nanganak ka na." Nasa tono ng pananalita ni Myla ang malasakit para sa kanya at humaplos iyon ng husto sa puso ni Monica. "Kung iyon ang gusto mo, kailan mo ba planong lumipat?" ang nasisiyahan niyang tanong. Nagkibit ng balikat nito si Myla. "Ang totoo hanggang tatlong buwan ang iniwan na palugit sa amin nung nakabili. Libre na iyon sa upa kasi mabait yung bagong may-ari, para daw yung dapat na ibabayad namin eh pang-advance at pang-deposit na namin sa bago naming lilipatan. Kaya kung okay lang sa iyo, ibibigay ko na bukas iyong pera tapos sa Sunday kasi pareho nating day-off ako maglilipat. Ayos lang ba iyon? Ano sa tingin mo?" "Oo naman, ayos na ayos," sagot niya. "Teka, pinaskilan mo ba iyong gate mo? Mas maganda kung lalagyan mo iyon ng paskil, mas madali kang makakahanap ng renter," si Myla ulit. "Oo, nilagyan ko kanina. Inilagay ko narin ang cell phone number ko para pwede nila akong tawagan kung sakali. ***** "NAKU Mang Kanor ang dami po palang kailangang ipaayos dito sa bahay ano ho?" ani Jake sa matandang katiwala ng bahay na iniwan sa kanya ng Daddy at Mommy niya. Noon nagkamot ng ulo nito ang matanda. "Tama ka diyan hijo, hindi kasi regular na naipapaayos ang bahay kasi bihira kung makipag-usap sa akin sina Mr. and Mrs. Rellama. May mga nagkaroon na nga ng interes na bilhin ito, nasabi ko narin sa mga magulang mo ang tungkol doon pero hindi sila pumayag. Ang palagi nilang sinasabi ay ikaw raw ang bahala sa bahay na ito." Buntong hininga lang ang isinagot ni Jake sa sinabing iyon ng matanda. Kung siya lang naman ang tatanungin dahil hindi naman siya dito lumaki at nasa America ang buhay niya ay mas makabubuti kung ipagbibili nalang at bahay at lupa. Pero alam niya na kapag ginawa niya iyon ay hindi ikatutuwa ng mga magulang niya at iyon ang tanging pumipigil sa kanya na gawin iyon. Mahigit isang linggo narin mula nang makabalik siya ng Pilipinas. At iyon ay dahil sa kahilingan ng ina niyang si Vivian. Death wish iyon kung tutuusin. Pero hindi iyon ang totoong dahilan kung bakit siya umuwi ng Pilipinas para gawin ang kahilingan ni Vivian. Umuwi siya dito dahil mahal niya ang Mommy niya at parang wala siyang kakayahang sirain at hindi gawin ang bagay na alam niyang inaasahan na nitong gagawin niya. "Ano bang plano mo hijo? Oo nga pala, dito ka ba matutulog?" ang magkasunod na tanong sa kanya ni Mang Kanor. Para sa ikalawa nitong tanong ay umiling siya. "Naka-check in po ako sa isang hotel. At ang tungkol naman dito sa bahay, sa tingin ko pag-iisipan ko po muna. Pero hindi ko po ito pwedeng ipagbili. Mahalagang pundar at alaala ito ng mga magulang ko, hindi po ba?" tanong niyang tiningnan ang mata bago ibinalik ang tingin sa lumang bahay na masasabi niyang kailangan na nga ng matinding renovation. "Oo naman. Nandito ako nang itayo ang bahay na ito mahigit tatlumpung taon na ang nakalilipas. Kaya nga hindi ko rin ito maiwan, napamahal na sa akin ang bahay na ito," si Mang Kanor sa kanya. Alam niya na matandang binata si Mang Kanor. Iyon ang nasabi sa kanya noon ng Daddy niyang si Arturo. At ang bahay nila sa loob ng mahabang panahon na nasa America sila ang nagsilbi narin nitong tahanan. Sa puntong iyon ay lalong nagtumindi ang desisyon ni Jake na hindi talaga niya dapat ipagbili ang bahay. Kailangan ni Mang Kanor ng matutuluyan. At kung sakaling magpamilya siya, at least may bahay dito sa Pilipinas na pwede nilang uwian kapag nagkataon. Pero ang tungkol doon ay malayo pa sa plano niya sa ngayon. Iba ang totoong dahilan kung bakit siya umuwi ng Pilipinas. Dahil katulad na nga ng sinabi niya kanina, death wish iyon ni Vivian. Ipinangako niya rito na hahanapin niya ang tunay niyang ina. At iyon ang gagawin niya. Hahanapin niya ang nanay niya, pero hindi para sa kung ano pa mang kadahilanan. Hahanapin niya ito, para sumbatan, at hindi na niya mahintay ang araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD