KABANATA 58 “FLOWERS FOR YOU 1”

1208 Words

“MAY pabulaklak ang Doctor Gorgeous mo,” pabulong pero nanunuksong sambit ni Myla habang kinukuha nito mula sa kanya si Althea. Pinanlakihan niya ng mga mata ang kaibigan niya. Pero alam naman niyang hindi makukuha sa ganoong warning look si Myla. Kaya hindi na siya nagtaka sa nanunuksong hagikhik na pinakawalan pa nito. “Dok, good evening po,” bati pa nito kay Jake. “Good evening,” sagot ni Jake saka pa matamis na nginitan si Myla pagkatapos. “Maiwan ko muna kayo, dok. Para maihiga ko na rin itong si Thea,” dugtong pa ni Myla pagkatapos ay nilingon muna siya saka makahulugan na nginitian bago pumasok sa kwarto nila ni Althea. Sinundan niya ng tingin si Myla kahit kung tutuusin ay wala na ito sa paningin niya. Napailing pa siya nang makitang isinara ng kaibigan niya ang pinto ng kwart

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD