AGAD na pinanuyuan ng lalamunan si Monica sa tanong na iyon ni Jake. Hindi lang sa iba ang naging dating niyon sa kanya. Kasama na rin ang epekto ng malagkit nitong pagtitig at tila ba nakaka-magnet nitong mga mata. “A-Ang ibig kong sabihin eh number one sa listahan ng mga kukunin kong ninong at ninang,” pagpapaliwanag niya. Nakangiting dinampot ni Jake ang tasa ng kape nito saka humigop. “Ah, okay. Pero seryoso ako ah. Gusto kong tumulong sa expenses. Alam mo naman siguro kung bakit, hindi ba?” Sa tanong na iyon ni Jake ay napatitig lang si Monica sa binata. Double meaning kasi ang naging dating niyon sa kanya. “Pero Jake hindi mo naman obligasyon iyon eh,” aniya pa sa binata. “Maybe, pero gusto ko. Alam mo naman na hindi na iba ang tingin ko kay Althea. Sa maniwala ka man o hindi,