KABANATA 70 “DINNER AND DANCE 1”

1111 Words

“TULOG na ba?” tanong ni Jake sa kanya nang silipin siya ng binata sa loob ng kwarto niya. Tumango siya saka nakangiting ibinaba sa loob ng crib nito si Althea saka na ito iniwan. “Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita bago ko simulan ang paglilinis doon sa tindahan. Bukas na ako mag-aayos ng mga paninda kasi feeling ko hindi ko na kaya. Ramdam ko na ang pagod,” aniyang nagpatiuna na sa paglabas ng kusina. Matapos kumain ng hapunan ay umalis na rin si Myla para sa duty nito. Malaking bagay talaga na hindi iyakin ang anak niya dahil pwede niya itong iwan sa crib sa loob ng kwarto nila. “Masyado ka kasing masipag,” ani Jake na dumulog sa mesa. “Ganito lang talaga ako. Kapag hindi ako kumilos walang mangyayari lalo at hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral,” aniyang sinimulang ipagtimpl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD