KABANATA 26 “FAVOR”

1075 Words

“MUKHANG naging malapit na ng husto ang loob mo kay Monica, hijo,” komento pa ni Mang Kanor nang magkaroon ito ng pagkakataong magsalita dahil sandali siyang nanahimik. Tumango si Jake. “Kaibigan ko siya, at naaawa ako sa kanya at sa sitwasyon niya,” aniya. Well, half true naman talaga iyon. Mayroon siyang nararamdaman na awa para kay Monica. Pero hindi ganoon kalaki iyon. Dahil mas malaki doon ang paghanga na mayroon siya para rito. Kung papaanong wala itong galit na kahit ano para sa ina nito gayon iniwan ito nito ng ganoon na lamang? Sa parting iyon talaga siya saludo kay Monica. Minsan nga habang naglilinis ito ng clinic niya sa ospital ay nasabi sa kanya ng dalaga na nag-iipon ito ng pera para kung sakaling bumalik ang nanay nito ay magkaroon ito ng magandang buhay sa piling nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD