KABANATA 6 “GORGEOUS EYES 1”

1187 Words
PERO hindi naging madali ang lahat katulad ng inakala ni Nida. Dahil labis na ikinagalit ng mga magulang niya ang tungkol sa pagbubuntis niya. Ipinagtapat parin kasi niya sa kaniyang mga magulang ang lahat ng totoo. “Malandi ka! Sa tingin mo ba matatakpan ng pag-ako nitong si Renato ang kasalanang ginawa mo sa amin ng tatay mo? Hikahos na nga tayo sa buhay nakuha mo pang magpabuntis! At bakit hindi mo man lang ipinakilala sa amin ang lalaking iyon?” iyon ang galit na galit na tanong sa kanya ng nanay niya matapos siya nitong sampalin. Mabilis siyang niyakap ni Renato dahil doon, habang siya naman ay hindi na nagawang magpigil ng kanyang emosyon kaya siya napaiyak. “P-Patawad po,” iyon ang tanging nasambit niya. “Makinig ka, kahit kailan ay hindi ko makakalimutan at mapapatawad ang klase ng kahihiyan na dinala mo sa pamilyang ito! Mahirap lang tayo pero kahit kailan hindi kita tinuruang magpaka-puta para lang magkapera!” ang galit na galit paring sigaw sa kanya ng nanay niya na sa huli ay umiiyak na napaupo sa sala set nilang yar isa kahoy. “Mahal ko po si Nida at nakahanda kong panagutan at akuin ang batang nasa sinapupunan niya.” Si Renato iyon habang mahigpit ang pagkakayakap sa kanya. “Hindi madali ang gusto mong mangyari Renato! Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang mo? Sa tingin mo ba hindi lalabas ang totoo sa kalaunan?” ang tatay naman niya iyon na nakita niyang nilapitan ang kanyang ina saka sinimulang haplusin ang dibdib nito. Hindi mabuti sa nanay niya ang ganitong klase ng komprontasyon. May sakit ito sa puso at iyon ang dahilan kung bakit mas pinili niyang itago rito ang totoo. Inisip lang talaga niya at inasahan na kapag sinabi nilang dalawa ni Renato ang tungkol sa gagawin nila ay matatanggap na ng mga ito ang lahat. Pero nagkamali siya. Nang gabi ring iyon ay itinakbo ng kaniyang ama sa ospital ang kanyang ina. Kasabay narin iyon ng pagpapalayas sa kanya ng tatay niya. Iyon ang dahilan kaya napilitan siyang puntahan si Renato kahit gabi na. Hindi naman siya binigo ng kanyang nobyo. Dahil katulad ng ipinangako nito, hindi siya nito iniwan. Nang gabing iyon rin kasi ay nagtanan na silang dalawa. At iyon ay totoong labag sa kanyang kalooban. ***** SA isang bayan sa Nueva Ecija siya dinala ni Renato. Ang nobyo niya ang nagdesisyon niyon dahil ayon narin dito sa lugar na iyon kasi ay walang nakakakilala sa kanila kaya naman makapagsisimula sila ng binata. Dito rin siya pinakasalan ni Renato sa huwes. Masasabi niyang naging mabuting asawa sa kanya si Renato. Walang nagbago sa pagmamahal at pag-aalaga na ipinakita nito sa kanya. Masasabi niyang naging masaya ang pagsisimula nilang iyon. Maganda at nakabuti ang ideya ni Renato na lumayo sila at sa ibang lugar magbagong buhay. Naging masaya na siya at kontento. Ang ipon ng lalaki ang ginamit nilang puhunan sa pagtatayo ng maliit na karinderya na pinagkuhanan nila ng perang pantustos sa araw-araw nilang pamumuhay. Lalo pang naging masigasig ang asawa niya sa paghahanap buhay nang malaman nilang lalaki ang ipinagbubuntis niya. “Mahal, kung okay lang sa iyo, pwede bang Jake ang ipangalan natin sa anak natin paglabas niya? Alam mo bang gustong-gusto ko ang pangalan na iyon?” Kabuwanan na ni Nida noon isang gabing magkatabi sila sa higaan at matutulog na. Natawa ng mahina si Nida sa kung tutuusin ay simpleng kahilingan na iyon ng kanyang mister. “Oo naman, walang problema,” sagot niyang nakangiti pinagmasdan ang gwapong mukha ni Renato. “Oh, bakit?” tanong ni Renato nang marahil mapuna nito ang kakaiba sa paraan ng pagtitig niya rito. Umiling siya saka nakangiting nagbawi ng tingin mula sa kabiyak. Kumilos siya saka sa pagkakataong ito ay iniunan ang sarili niyang ulo sa nakaunat na braso ni Renato. “Sayang hindi ko nagawang kambal iyan,” bakas ang kaaliwan sa tono ng pananalita nito. Natawa doon si Nida. Bilang asawa ni Renato ay obligasyon niyang ibigay ang pangangailangan nito. Pero sa totoo lang, sa gabi mismo ng kanilang kasal ay hindi siya pinilit ng kanyang asawa na makipagtalik rito. Kahit kung tutuusin ay pwede naman nitong gawin iyon. Sa halip ay nagawa pang maghintay ng kanyang asawa ng mahigit isang buwan bago nito tinawid ang tila ba maliit na distansyang nasa pagitan nilang dalawa. Dahil maging ang kanilang first kiss ay hindi rin naman kinuha ng lalaki nang araw na pakasalan siya nito. ***** ONE MONTH AFTER THE WEDDING… “Mahal?” Mula sa kusina ay iyon ay narinig ni Nida. “Nandito ako,” aniya. Doon nga nagtuloy ang asawa niya. Dumalaw ang asawa niya sa mga magulang nito. Humingi rin ito ng tulong para sa plano nilang pagbili ng lupang sakahan na iniaalok sa kanila ng isa nilang kapitbahay. Hindi na sana niya gustong gawin iyon ni Renato. Nahihiya rin naman kasi siya rito at sa pamilya nito. Pero mapilit ang asawa niya at sinabi nitong wala naman itong problema at ang mga magulang nito kaya minabuti niyang igalang nalang ang pasya nito. “Aba, at mukhang mapapakain ako nito ng husto,” anito habang nakatingin sa nakahaing pagkain sa mesa. Dalawang putahe ng ulam ang niluto niya at may panghimagas pang leche flan. Iyon kasi ang kanilang first month anniversary mula nang maikasal sila kaya naisipan niyang maghanda ng simpleng hapunan para sa kanilang dalawa. “Nakalimutan mo ba?” tanong niya kay Renato. Tumawa ng mahina ang asawa niya at pagkatapos, mula sa likuran nito ay inilabas ang isang tangkay ng kulay pulang rosas. “Hindi yata mangyayari iyon,” anito sabay abot sa kanya ng bulaklak. “Happy first month anniversary,” anito sa kanya. Noon nakangiting tinanggap iyon ni Nida saka pagkatapos ay humakbang palapit sa kanyang asawa at mahigpit na yumakap dito. “Kumain na tayo?” nang bumitiw siya mula sa pagkakayakap kay Renato ay iyon ang sinabi niya. Pagkatapos kumain ay nagpaalam ang asawa niyang maliligo na. Tinanguan lang niya ito habang siya naman ay nagsimula nang magligpit ng pinagkainan nila. Kalalabas lang ng banyo ni Renato nang magpaalam ito sa kanya na bibili ng dalawang bote ng beer. At dahil nga may okasyon naman at ngayon lang gagawin iyon ng asawa niya mula nang ikasal sila ay pumayag siya. Pagkatapos maghugas ng plato ay naligo narin si Nida. Nasa sala na noon si Renato at nanonood ng TV. At dahil nga gusto niyang samahan pa ang asawa niya sa espesyal na gabing iyon, pagkalabas ng banyo ay sa kabahayan siya nagtuloy. “Ang bango naman ng mahal ko,” iyon ang komento ni Renato nang maupo siya sa single sofa na katapat ng okupado nito. Ngumiti lang siya. “Gusto mo pa ba ng isa pang bote? Ibibili kita,” iyon ang isinagot niya dito sa halip. Umiling si Renato saka pagkatapos ay tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa kung saan ito nakaupo. Napalunok si Nida sa ginawing iyon ng kanyang asawa. Sa totoo lang, ngayon lang niya nakitang nakainom si Renato. At masasabi niyang mas lalo itong naging gwapo sa paningin niya.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD