KABANATA 7 “GORGEOUS EYES 2”

1109 Words
“OKAY ka lang ba?” iyon ang narinig niyang tanong sa kanya ni Renato nang tabihan niya ang kanyang asawa sa kinauupuan nito. Nagbuntong hininga muna si Nida sa tanong na iyon bago siya nagbuka ng bibig para magsalita. “K-Kumusta pala ang naging lakad mo?” iyon ang naisip niyang isagot rito sa halip. Nagkibit ng balikat nito si Renato saka siya inakbayan. “Okay naman, sa susunod na araw ko makukuha ang pera na hinihiram ko kay tatay,” sagot nitong tuluyan na ngang sinaid ang bote ng beer nito pagkatapos. “M-May balita ka ba tungkol sa mga magulang ko?” tanong ulit niya. Noon siya malungkot na tinitigan ng kanyang asawa.  Sa totoo lang ay hindi nila pinagusapan kanina ni Renato ang tungkol sa bagay na iyon. Alam kasi niyang pagod ito at gutom kaya minabuti niyang ipagpaliban na lamang ang pagtatanong. Ilang sandaling nakiraan ang katahimikan sa pagitan nila pagkatapos. Hindi siya tumanggi nang akbayan siya ni Renato at sa halip ay pinili pa niyang ihilig ang ulo niya sa balikat nito. “May gusto sana akong sabihin sa iyo,” pagbasag niya sa katahimikan. “Ano iyon?” Umayos si Nida sa pagkakaupo saka tumitig sa gwapong mukha ng asawa niya. “Gusto ko lang na pasalamatan ka sa lahat ng ginawa mo para sa akin at sa baby ko,” mula iyon sa puso niya. “Baby natin,” pagtutuwid ni Renato sa sinabi niya. Ngumiti lang si Nida. “ Mahal kita Renato,” ang walang gatol niyang sambit. Nakita niya ang paglatay ng pagkabigla sa mukha ni Renato dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi na siya nagtaka. Nauunawaan niya kung bakit ganoon ang naging reaksyon nito dahil sa simula pa lamang ay aware na ito sa totoong damdamin niya para rito. Pero paano ba niya ipaliliwanag ang katotohanang hindi naging mahirap para sa kanya ang mapamahal sa lalaki dahil sa mabuting pakikitungo nito sa kanya? Dahil dito ay napatunayan niyang hindi nangangailangan ng mahabang panahon ang pagmamahal. At iyon ang nangyari sa kanya pagdating kay Renato. “Tama ba ang narinig ko?” halatang hindi makapaniwala at hindi iyon itinago ng kanyang asawa sa tono ng pananalita nito. Noon siya nakangiting magkakasunod na tumango. “Paano mo nagawang paibigin ako sa ganoong kaikling panahon? Napakabilis at parang hindi ko man lang nakitang parating kaya hindi ko naramdaman?” tanong niya habang hindi niya nagawang kontrolin ang kilig na mabilis nanuot sa kanyang puso. Sa halip na sumagot ay mabilis siyang kinabig ni Renato at mahigpit na niyakap. “Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Nida,” anito sa kanya. Ilang sandaling hinayaan ni Nida na yakapin siya ni Renato. At nang pakawalan siya noon, noon niya sinubukang magsalita. Pero bago pa man niya magawang isatinig ang mga bagay na gustong niyang sabihin ay nabigo na siyang gawin iyon. Dahil bigla siyang hinalikan ni Renato. Marahas ang malalim na buntong hiningang hinugot ni Nida dahil sa halik na iyon. Habang kahit sa sarili lang niya ay kapansin pansin ang nakakakuryenteng pakiramdam na inihatid sa kanya niyon. Hindi iyon ang kaniyang unang halik kung tutuusin. Pero iyon ang unang halik nila ni Renato. At dahil yata sa katotohanang ngayon lang niya inamin kay Renato ang tunay niyang nararamdaman para rito kaya siya nakaramdam ng ganito. Iyon ang unang halik nila ng kanyang asawa. At sa bawat paghaplos ng labi nito sa kanya ay totoong damang dama niya ang nag-aalab na pag-ibig nila para sa isa’t-isa. “Mahal na mahal kita, Nida,” nang pakawalan ni Renato ang mga labi niya ay iyon ang ibinulong nito saka muling kinuha ang bibig niya. Ang halik na iyon ang nagpasimula ng isang mainit at maalab na gabi. Iyon kasi ang unang beses na ibinigay niya ang sarili niya kay Renato. At masasabi niyang walang siyang pinagsisisihan na ginawa niya iyon. Dahil sa bawat ginawa nitong paghampas sa kanyang p********e ay wala siyang ibang naramdaman kundi tunay na pag-ibig lamang. ***** “Bumawi ka nalang sa pangalawa,” sagot niyang natawa muli pagkasabi niyon. Iyon ay nang tila ba muli na siyang hinila pabalik sa kasalukuyan ng mahinang tawang nauna na niyang narinig mula sa kanyang kabiyak. Noon kumilos si Renato saka nito itinaas ang ulo. Kumilos ito saka tumitig sa kanya. “Sabihin mo nga sa akin, Mahal. Masaya ka ba sa piling ko? Nagsisisi ka ba na sumama ka sa akin at pumayag ka sa alok ko noon sa iyo?” tanong ni Renato sa kanya. Umangat ang kamay ni Nida saka masuyong humaplos sa mukha ni Renato. “Ako nga ang dapat na magpasalamat sa iyo, kasi tinulungan mo ako. Hindi ko pa nga nagagawa iyon hindi ba? Ang pasalamatan ka?” aniya sa karaniwan ng mabait na tono. “Nagawa mo na iyan, nung gabing---,” makahulugan na pagpapaalala pa sa kanya ni Renato. Mabilis na naramdaman ni Nida ang pag-iinit ng kanyang mukha sa sinabing iyon ng kanyang asawa.  “Tumigil ka!” saway niya rito saka hindi napigilan ang mapahagikhik. “Bukas ibibili kita ng mga gamit sa pagbuburda. Para naman maburdahan mo mga bagong lampin nitong si Jake,” anito pang hinaplos ang malaki niyang tiyan ng buong pagmamahal. Tumango siya. “Kung iyon ang gusto mo, walang problema sa akin iyon,” sang-ayon naman niya. ***** SA paglipas pa ng mga araw ay nanatiling ganoon ang pagsasama nila ng asawa niya. Mabait kasi si Renato at talagang mahal na mahal siya nito. Inisip niyang hindi ito magbabago pero nabigo siya. Dahil ang lahat ng kabutihan at pagmamahal na ipinakita ni Renato sa kanya ay iglap lang na nawala nang makapanganak siya. “Hindi ko gusto ang batang iyan!” ang galit na galit nitong sambit. Hindi ito sumisigaw pero may diin ang bawat salitang binibitiwan nito. At ang mga iyon ang tila patalim na humihiwa ngayon sa dibdib niya. “P-Pero, ang akala ko ba---?” “Hindi mo ba nakukuha ang ibig kong sabihin, Nida? Hindi mo ba nakikita na kulay asul ang mga mata ng batang iyan? Paano ko maitatago ang tungkol sa pagiging anak niya sa pagkadalaga mo kung ganyan naman at masyadong halata ang lahat?” galit nitong tanong -sagot sa kanya. Sa puntong iyon ay nahahabag na tinitigan ni Nida ang batang mahimbing na natutulog ngayon sa kanyang tabi. Totoo ang sinasabi ni Renato dahil lumabas na kulay asul ang mga mata ni Jake. At kahit pa sabihing ang mga iyon ang nagiging dahilan ngayon ng kanyang asawa para hindi mahalin at tanggapin ang anak niya, para sa kanya ang mga iyon ang pinakamagagandang pares ng mga mat ana kaniyang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD