“AKALA mo ba hindi ko nahahalata iyon sa kanya? Anyway kahit sa’yo naman. Halatang halata ang feelings ninyo para sa isa’t isa kaya naman masasabi kong masaya ako para sa inyo. Lalo na para sa iyo,” sa huling sinabi ni Myla ay nagseryoso na ito. Naging seryoso to the point na nawala na ang panunukso sa tono ng pananalita nito. “Ayoko pa ring mag-expect ng kahit ano galing sa kanya,” pagsasabi niya ng totoo saka nagtuloy sa kusina. “Gusto mo ba ng kape?” tanong niya sa kaibigan pagkatapos. Tumango si Myla bago nagbuka ng bibig para magsalita. “Bakit naman? Alam mo sa nakikita ko kay Jake eh tanggap ka niya. Sa tingin mo ba kung hindi eh gagawin niya ang lahat ng ginagawa niya para lang matulungan ka?” Nagbuntong hininga lang si Monica at nagpatuloy sa kanyang ginagawa habang nanatiling