“PARANG ganoon na nga,” aniya pa saka minabuting iwasan ang mga titig ni Myla na nang mga sandaling iyon ay halatang kilig na kilig na. “Kelan pa? Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? Saka kelan siya nag-start na manligaw sa’yo?” ang magkakasunod nitong tanong saka ito naupo sa tabi niya. “Seryoso? Ang dami mo namang tanong!” reklamo pa niya saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. “Aba natural! Kaibigan mo ako eh,” ani Myla na humagikhik pa. “Noong isang gabi lang. Nahiya kasi akong aminin sa’yo ang totoo kasi alam mo naman hindi ba? Kung ano lang ba ang totoong tingin ko sa sarili ko?” half true ang sinabing iyon ni Monica kaya wala siyang pinagsisisihan na umamin siya. Nakakaunawa ang tono ni Myla nang muli itong magsalita para sagutin ang sinabi niya. “Wala kang dapat na ika-