“GANOON lang iyon? Boyfriend na kita at girlfriend mo na rin ako?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Monica nang nasa loob na sila ng sasakyan ni Jake. “Bakit? Ayaw mo ba sa akin? Ayaw mo bang magkaroon ng title ang lahat ng nangyayari sa atin?” tanong sa kanya ng binata saka binuhay ang engine ng kotse. Nang lingunin siya ni Jake matapos buksan ng binata ang air condition ng SUV ay noon siya sumagot. Pero bago iyon ay magkakasunod muna siyang umiling. “H-Hindi ah, bakit naman kita hindi magugustuhan eh ang gwapo-gwapo mo nga at higit sa lahat mabait pa,” aniyang sa huli ay ipinagdasal na sana pwede pa niyang bawiin ang sinabi niyang iyon. Pero nang makita niya ang kasiyahan sa mga mata ng binata at sa kislap ng mga iyon ay napawi ang ganoong pagnanais sa puso ni Monica. Kung minsan