KUMAKABOG ang dibdib ni Monica nang hindi niya mawari kung bakit habang dinidiinan ang doorbell sa may gate ng malaking bahay ni Jake. “Ano bai tong nangyayari sa akin? Para akong baliw na hindi ko maintindihan,” reklamo niyang bulong sa sarili. “Hello,” iyon ang masayang bungad na pagbati sa kanya ni Jake nang pagbuksan siya ng gate ng binata. “Halika, pumasok ka muna habang hinihintay natin si Mang Kanor. Nagpunta siya sa grocery para bilhin iyon mga nasa list na ibinigay mo kanina,” anitong nilakihan ang bukas ng gate para makapasok siya. Alanganin ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Monica dahil doon. Nahihiya siya at iyon ang totoo. Naaalala kasi niya ang mga sinabi ni Jake kanina at pati na rin ang lahat ng ipinamukha sa kanya ni Myla na may katuwiran naman talaga. “Upo ka muna