“SINABI niya iyon sa’yo? Baka napapansin niyang kinikilig ka? Eh kinikilig ka naman ba talaga?” Iyon ang magkakasunod na tanong sa kanya ni Myla nang ikwento niya rito ang namagitang usapan sa kanilang dalawa ni Jake bago umalis ang binata. “Naku ang dami mo namang tanong. Nai-stress nangaakosamgasinabini Jake eh,” aniya sa nagrereklamong tono. Napahagikhik sa sinabi niyang iyon ang kaibigan niya. “Sa tingin ko iba ang isang ito,” ang makahulugan bitiw ng mga salita ni Myla na lalong nagpagulo sa isipan ng dalaga. “Ano bang sinasabi mo? Isa ka pa eh, diretsuhin mo na nga ako,” aniya sa kaibigan niya. Nagkibit ng mga balikat nito si Myla saka nagtuloy sa kusina para magtimpla ng kape. “Alam mo ikaw lang talaga ang manhid eh. Kasi sa dami ng ginawa ni Jake para sa iyo, hindi mo ba ta