“REALLY? Nagagawa mo na akong pagsalitaan ng ganyan ngayon? Samantalang niyakap lang naman kita?” ani Jake sa kanya. Wala sa tono o kahit sa aura ng mukha ni Jake na galit ito sa kanya. Bagkus ay iba ang damdamin na nakita niya sa mga mata nito. At iyon ay walang iba kundi ang matinding amusement nito para sa kanya. At obvious iyon sa itsura nito na nang mga sandaling iyon ay halatang nagpipigil ng ngiti. “Pasensya ka na Jake, pero naiinis kasi ako na ipinaalala mo na naman sa akin ang Conrad na iyon. Tapos kinumpara mo pa ang sarili mo sa kanya. Nakakapikon lang na marinig ang lahat ng iyon mula sa iyo,” pagdadahilan pa niya kahit ang totoo ay hindi naman iyon totoo. Alam naman niya sa sariling niyang nagsisinungaling siya sa bahaging iyon. Dahil kahit hindi niya gustong aminin sa sari