“BAKIT, ano bang meron sa bahay mo mamaya?” upang walain ang hindi magandang emosyon sa puso niya ay iyon ang naisipang itanong ni Monica kay Jake. Nagkibit ng mga balikat nito si Jake. “Wala naman, na-miss ko lang ang makasama kayo sa bahay,” sagot nito sa karaniwang mabait na tono. “Ah, okay. Akala ko naman kung anong meron. Kasi hindi mo naman birthday eh,” aniyang sinimulang ayusin ang mga pinamili ni Jake. “Teka, gusto mo ba ng kape?” naisip niyang itanong kay Jake makalipas ang ilang sandali. Tumango ang binata. “Yes, please.” Mabilis lang at ipinagtimpla na niya ng kape si Jake. Pagkatapos noon ay binalikan na niya ang ginagawa. “Kinausap ko si Aling Nida, medyo busy lang daw siya kaya hindi ka niya nadadalaw dito. Pero kapag nagka-oras daw siya eh papasyalan ka niya,” ang bina