“MONICA,” untag sa kanya ni Jake nang makalipas ang ilang sandali ay nanatili pa rin siyang tahimik. “Ha?” ang tila nagulat niyang nasabi lang. Narinig niya ang mahinang tawang pinakawalan ng binata at pagkatapos ay nangingislap ang mga mata nito siyang tinitigan. “A-Ano bang sinasabi mo?” tanong niya sa tono na parang nawawala sa sarili. Alam niyang narinig niya ang sinabi ni Jake sa kanya kanina. Ang hindi lang talaga niya alam ay kung paano iyon sasagutin. “Tinatanong kita kung bakit parang kahit minsan yata ay hindi mo pa nakumusta ang love life ko?” ang nangingiting tanong sa kanya ng binata. Sa puntong iyon ay mabilis na pinamulahan ng kanyang mukha si Monica. At sa kagustuhang itago iyon ay minabuti niyang tumayo at ipagpatuloy na ang ginagawa. Pero hindi iyon naging daan par