“A-ANO bang sinasabi mo na sasabihin mo kay Myla na naghahalikan tayo?” iyon ang worried niyang tanong nang magawa niyang pakawalan ang mga labi niya mula sa mahigpit na pagkakaangkin ni Jake sa mga iyon. Tumawa muna ng mahina si Jake bago ito nagbuka ng bibig para magsalita. “Hey, nagbibiro lang naman ako,” anitong hinapit ng mahigpit ang kanyang baywang saka siya niyuko ang para sa isang maikli pero nakakapasong halik. “Alam ko naman na hindi mo gustong may makaalam ng tungkol sa nangyayari sa atin,” anang binata saka nanunuksong idinaiti ang harapan nito sa bahagi ng kanyang puson. Malakas ang singhap na pinakawalan ni Monica dahil sa ikinilos na iyon ni Jake. Sa maraming beses na hinayaan niya ang binata na halikan siya ay iyon ang unang beses na ginawa ng binata ang ganoon. Hind