“GRABE, parang gusto ko namang ma-offend sa reaksyon mo,” ani Jake sa pabirong tono. “Ano ka ba, hindi ganoon iyon!” agap niya sa kagustuhang maituwid ang maling akala ng lalaki. Umangat ang makakapal na kilay ng binata. “Really? Eh bakit nga ba ayaw mo akong maging boyfriend?” tanong nito sa kanya. Napabuntong hininga si Monica sa narinig na sinabig iyon ng binata. “Hindi sa ayaw kitang maging boyfriend, Jake. Ang totoo nga niyan eh maswerte ang babaeng pipiliin mong pakasalan kung sakali,” huli na para bawiin iyon. “Ganoon naman pala eh bakit hindi pa natin ibigay sa iyo ang swerte. Magpakasal na tayo! Para naman maranasan na ni Althea ang magkaroon ng isang buong pamilya,” hindi pa rin nagbabago ang tono ng pananalita ni Jake pero katulad ng madalas mangyari sa kanya, tinalaban na n