“HINDI niya gagawin iyon Ma, kasi kung gagawin niya di sana matagal na niyang ginawa!” aniyang tumawa pa pagkatapos. “Ano bang nangyayari sa’yo? Bakit nagkakaganyan ka?” tanong ng nanay niya sa kanya. “Kasalanan ito ni Monica, Ma! Kasi pinaramdam niya sa akin na hindi ako sapat sa kanya! Mula high school wala na akong ibang ginawa kundi ang suyuin siya. Pero anong ginawa niya? Hindi ko nga alam kung talaga bang minahal ako ng babaeng iyon o baka napilitan nalang siyang sagutin ako noon dahil mabait kayo sa kanya. Saka isa pa, please lang, hayaan ninyo ako sa gusto kong gawin. Kasi kahit puntahan ko siya sigurado ako na ipagtatabuyan lang ako nun gaya nung huling pinuntahan ko siya. Nag-effort pa ako na ibili siya ng bulaklak tapos ganon lang ang gagawin niya sa akin?” puno ng hinanakit n