PRESENT DAY ISANG malungkot na buntong hininga ang pinakawalan ni Conrad dahil sa daloy ng mga alaala. Masaya siya sa ganoon. Kaklase niya si Monica at nakikita niya ito araw-araw. Pero walang panahon sa pakikipag-nobyo si Monica. Masyado itong tutok sa pag-aaral at habang tumatagal ay nagiging mailap na rin ito at sa huli ay talagang nilagyan na nito tila ba invisible na barikada hindi lang ang pagitan nilang dalawa. Sa parteng iyon ay naunawaan niya si Monica. At hindi rin naman siya nagdamdam rito dahil sa lahat ng lalaki ay iwas ito. Maraming lalaki ang nagkagusto rito at nagbalak itong ligawan. Habang siya naman, katulad nang kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon, si Monica ang mahal niya pero hindi niya tinipid ang sarili niya sa pakikipagrelasyon. “Minahal naman talaga kit