“BAKIT ba ngayon ka lang dumating? Kagabi pa kita tinatawagan ah!” Iyon ang bungad na sita sa kay Conrad ng ina nitong si Tina na inabutan niyang busy sa opisina nito. Dahil nga hindi pinalad ang nanay niyang maka-pwesto bilang konsehal sa munisipyo ay naging mas focus na ito ngayon sa security agency na kanilang pag-aari. Iyon ay ang Guillen Security Agency na magkasamang itinayo at pinagsikapang paunlarin ng kanyang mga magulang. At bilang solong anak siya, alam niyang sa kanya rin naman mauuwi ang negosyong iyon. Pero sa ngayon, sa edad niyang beinte tres ay wala pa sa ganoon ang atensyon niya. Sa totoo lang ay mas trip niya ngayon ang mambabae at mag-artista. Iyon naman talaga ang totoo. Hindi naman big deal sa kanya kahit ano pang sabihin ng iba. Ang mahalaga, ang babaeng na