“A-ANO?” ang tumatawang tanong ni Jake. “Ang sabi ko malandi ka! Ikaw Jake ah, akala mo ba hindi ko napapansin iyang mga banat mo. Kapag ba bumigay itong puso ko sa’yo eh paninindigan mo ako?” sagot niya sa pabirong tono. Sa tanong niyang iyon ay hindi sumagot ang binata. Sa halip ay iba ang ginawa nito. At noon lang bigla o sa isang iglap ay parang nagkaroon ng kahulugan sa kanya ang bawat lyrics ng kanta na ngayon ay naka-play at sinasabayan nilang dalawa. Mainit na damdamin ang muling humaplos sa puso ni Monica. Habang nakatingala siya kay Jake ay ramdam niya ang kakaibang atmosphere na ngayon ay unti-unting bumabalot sa paligid. At iyon ang nagbigay ng matinding discomfort sa kanya. Nang hindi makatiis ay minabuti na ni Monica na iwasan ang mga titig ni Jake. At iyon ay sa paraan