Nang makaalis sa kwarto ni Primo ay agad niyang tinungo ang kwarto niya saka pa padabog na nagkulong. Napasandal siya sa pintuan.
"Sh—t!" gigil niyang litanya na pumapadyak-padyak pa dahil sa inis. Bumuga pa siya ng hininga saka pa padabog na tinungo ang kama. Malay ba niyang magkatabi pala ang kwarto nila ng bakulaw na 'yon, eh nasanay siyang..siya lang ang may kwarto sa taas ng mansion.
Humiga siya sa kama at nag-isip. Kung paparito siya sa mahabang panahon, baka mabaliw siya, she can't stand that man in her castle! Dapat ay mapaalis niya ito sa lalong madaling panahon. Kaya naisip niya ang isang ideya. Agad siyang naupo ng tuwid at ngumiti.
"Ang talino ko talaga!" sabi pa niya saka agad na nagbihis at nag-ayos, 'yong parang maglalakwatsa sa club. Labas ang pusod niya sa suot na hanging sando. Nakasuot din siya ng shorts na litaw ang mapuputing hita niya. Pinagbutihan din n'yang itali ang kaniyang mahabang buhok, 'yong naka-messy bun na istilo. Kaharap niya ang salamin nang maglagay siya ng liptint at marahang pinisil-pisil ang pisngi. Iyon na kasi ang nakasanayan niyang gawin to make her cheecks more pinkish.
Kinuha pa niya ang kaniyang phone at isang sling bag. If she can't use her phone due to signal interruption, mas mabuting gamitin niya iyon sa pictorial! Oo, magpi-pictorial siya sa bukirin, o sa kung anumang lugar naroroon siya. Dala na rin niya 'yong papel na isa-submit niya sa school, ayaw na niyang magpatumpik-tumpik pa, dapat ay magmadali siya sa pinaplano niya.
After she dressed up ay agad siyang lumabas sa kwarto at kinatok ang kwarto ni Primo, 'yong parang may sunog dahil sa pagkalabog niya.
Mayamaya pa ay niluwa roon ang naka-kunot-noong binata. He was so fresh on his black sando, na nagpapalitaw sa kaniyang matipunong braso, tanaw ni Katie roon ang tribal tattoo nito.
"What?" busangot na saad ng bakulaw sa kaniya.
"Ahm..ano kasi.." nag-aatubili siya sa pagsabi, nawala ang minemorya niyang sentence.
"What? I'm busy reading my books." Sabi pa nito sa walang emosyong boses. Parang walang modo ito kung nagsalita.
The nerve of him! Hindi mapigilan ni Katie ang mainis rito.
"I want you to drive me outside! I need to submit my documents in somewhere, kung saang eskwelahan ako pwede." Sabi pa ni Katie sa pautos na boses. He glare his eyes, as if wala itong narinig. Nanatili lang itong nakatayo.
"Hey? Binge ka ba?"
Umiling ito.
"O, ano pang hinihintay mo? Let's go." She stepped forward to his face.
"First, I am not your driver, second, I do deserve some 'please' if you need help, third, I'm not your slave, forth, of course I have a name, it's Primo, señorita." Sabi pa ni Primo na parang attorney kung magsalita, dinaig yata nito ang papa niya sa pagmando ng mga katagang 'yon. Napaawang ang bibig niya.
"You're.. Argh! Fine! Please!" sabi pa ni Katie na pinapakalma ang sarili.
Ngumiti si Primo, natigilan siya. Ba't ba kasi ang gwapo nito. Nakakainis!
"So, if you say so, magbibihis muna ako...maari ba?" sabi pa ni Primo na napuna ang pagtitig ni Katie sa braso niya. Agad nitong isinara ang pintuan na nagpabalik sa diwa ni Katie. Nahimasmasan siya sa pagdabog ng pintuan.
"Walanghiya talaga ang lalaking 'yon!" inis na saad niya nang makita ang pagmumukha na halos masemplang ng pintuang dumikit sa tungki ng ilong niya. Nakasimangot siya na nagmartsa sa hagdanan, pumanaog siya at napagpasyahang lumabas muna.
Nang makalabas siya ay nakita niya ang iilang trabahador ng lolo niya na nakatingin sa kaniya, so, she help herself to smile and greet them with a wave of hello. Ayaw naman niyang maging bastos sa mga ito, kaya pinilit niyang ngumiti. Mayamaya pa ay nilampasan na siya ni Primo na dumiretso sa kotseng nasa harapan niya.
The nerve! Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan? Satsat ng isip niya na nakasimangot kay Primo. Nakasilid na ito sa kotse na pasimpleng nag-ayos sa salamin.
"O, ano pang hinihintay mo? Let's go!" pabalik na sabi nito kay Katie na tila tinutukso siya. Ganoon kasi ang pagkakasabi niya kanina rito, balak yatang gumanti!
Padabog siyang nagbukas ng pinto sa passenger's side at sumilid sa upuan. Pabalang din niyang sinarado ito kaya naglikha iyon ng ingay na umagaw ng atensyon sa kanila.
Ngumiti lang ang bakulaw sa mga taong nandoon, animo'y tatakbo ng konsehal dahil patango-tango pa ito sa kanila at pakaway-kaway.
"Aish!" saad niya na gigil na inirapan ang lalaking katabi niya.
"So saan mo gustong mauna?"
"Mag-drive ka lang.." she replied.
Napansin niyang mas binilisan nito ang pagmamaneho, ginapangan siya ng kaba.
"Wait...wait...wait." Sabi pa niya na itinaas pa ang dalawang palad sa ere.
Pero hindi siya pinansin ni Primo.
"Stop..stop..stop." Sabi pa niya, but this dork is still driving crazy! Literally!
Napahawak sa sariling dibdib si Katie.
"Oh god! Oh heavenly father, oh have mercy!" litanya niya habang mabilis na pinapatakbo ni Primo ang kotse. Wala itong pakundangan sa pagmamaneho, kahit lubak-lubak ang daan.
"Aaahh!" Tili pa ni Katie na naluluha na dahil sa nerbyos.
"You said, just drive... I asked you, but you insist your poor attitude, so I just give you an equal." Mahinang boses ni Primo na nag-full break ng pedal. Halos masubsob si Katie sa dashboard ng sasakyan dahil nakalimutan niyang mag-seatbelt.
Natigilan si Primo nang mapansing nanginginig si Katie. He bit his lower lip. Parang nagsisisi siya sa pagiging naive sa dalaga. Gusto lang naman sana niyang turuan ito ng leksyon.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito at pinakalma.
"Just breath." Tipid na saad niya sa dalaga na ayaw tumingin sa mukha niya. Nakayuko lang ito habang naghahabol ng hininga.
"I'm...I'm sorry." He said as an apology.
Mayamaya pa ay nag-angat ito ng tingin, nakita niya ang namumulang mata nito, napatiim-bagang siya. Iyon ang ayaw na ayaw niyang makita, ang makitang umiiyak ang mga babae. He felt guilty.
He immediately handed her a bottled water. Nainuman na niya 'yon ng kaunti, but he think that it might help Katie to lessen her feeling.
"I really hate you." Mahinang sambit ni Katie saka pa kinuha ang bottled water at ininom iyon. Nag-panic siya kanina, since she felt helpless with this man she didn't even know.
Pinandilatan niya ito saka pa umayos ng pag-upo.
"Let's go to that school, if saan man 'yon." She crossed her arms at sumandal sa bintana.
"Okey," tipid na saad ni Primo saka pa nagsimulang paandarin ang kotse. Ilang minuto ang pumagitan sa kanila ang katahimikan. Tahimik lang si Katie na nakatingin sa labas ng bintana.
Bandang hapon na 'yon kaya ramdam niya ang sinag ng araw, tanaw niya ang nakahilerang talahiban, mga pananim at mga naka-trim na mga Bermuda grass since malawak ang rancho ng lolo Jesus niya. May mga puno rin na hitik na hitik sa laki at taas. Naroroon din ang mga magagandang bulaklak sa parang na sinasayaw ng hangin.
Bumuntung-hininga siya, ramdam niya ang vibes ng probinsya, ibang-iba ito sa States, mas presko ang hangin dito, mas may buhay, mas kaaya-aya.
Mayamaya pa ay nakita na nila ang bukana ng syudad, ang bayan ng Cordova. Nang madako sa bandang sentro malapit sa isang malaking gusali na tila City Hall ay lumiko si Primo at nag-park sa isang gate. Papasok ito sa isang paaralan na halatang iba sa pinapasukan niya sa San Fransisco. Malawak ang paaralan since nasa sentro ito. Nilinga niya ang katabi at nagtanong.
"Where are we?"
"We're here, ito ang PCCU," saad pa ni Primo.
"PCCU?"
"Yes, Province of Cordova College University."
"Is it accurate and excellent?" tanong pa ni Katie kay Primo.
"Yes, dito nagtuturo ang isa sa mga kaibigan ko, magna c*m laude 'yon, and of course, I assure you that you will learn something here." Diniin pa nito ang huling salita.
"Okey, let's go," sabi pa niya saka pa naunang magbukas ng pintuan. Ni hindi na nga niya hinintay si Primo, she know na mabilis itong maglakad kaya taas-noo siyang nauna sa kung saan man ang registrar dito.
Mayamaya pa ay naramdaman niyang katabi na niya ito. "The next time, please wait me before you go, you don't know where you're heading, don't be silly, señorita." Sabi pa nito na hindi tumitingin sa kaniya. Halos tumingala naman si Katie dahil may kataasan ang height ni Primo, since halos nasa balikat lang nito ang height niya.
Hindi niya pinuna ang sinabi nito, but she literally amazed on how he talked, how he walked, and how he—left her.
Wait?
Nauna na itong naglakad sa kaniya, ang lakas ng paglalakad nito to the point na tumatakbo na siya para sundan ito.
"Wait, wait, wait.." sabi pa niya sabay kalabit sa braso nito para mahila siya sa paglalakad nito. Pansin niyang napako ang tingin ni Primo sa kamay niya. Parang ayaw yata nitong hawakan niya iyon.
Mabilis pa sa alas-kwatrong kinuha ni Katie ang kamay niya, as if na parang napaso siya sa titig ng binata. Mayamaya pa ay nasa likuran siya nito na sinusundan lang ang pagyapak niya. Napapansin pa niyang panay kaway ito sa mga estudyanteng nandoon.
Wow? Artista?! satsat ng isip niya habang nilinga-linga ang paningin.
"We're here." Narinig niya rito, but she messed up, nang hindi mapansing tumigil ito sa paglalakad. Napasubsob siya sa likuran nito. Para itong pader, batak na batak ang muscles nito sa likod. Agad niyang binawi ang mukhang dumikit at nag-ayos sa sarili.
Dahan-dahan siyang nilingon ni Primo at kunot-noong nagsalita.
"Bakit ba kung saan-saan ka na lang sumusobsob?"
She managed to be strong, helding her cheeks up tight.
"Nasaan ang registrar?" pag-iiba pa niya sa binata saka pa nilampasan ito.
"Wait.." narinig pa niya muli kay Primo.
Nilingon niya ito.
"Bakit gan'yan ang suot mo? Saan ka ba magpapasa? Sa school o sa isang club?" halos pinasada ni Primo ang mata nito sa suot niya.
She doesn't care, nanatili siyang matigas. "It's not in the dress I wear, Primo! Don't judge the book by it's cover!" she said saka pa taas-noong naglakad sa may window ng registrar.
Naiiling na lamang si Primo sa babaeng ito, kani-kanina lamang ay napaka-vulnerable ng mukha nito, pero ngayon nama'y parang pengguin na taas noong naglalakad na halos nakahubad na sa paningin ng iba. Nakita pa niya ang mga mata ng kalalakihan doon na pinapasadahan ng tingin si Katie habang nakalinya sa registrar. Hindi niya maatim na tumingin na lang, kaya minabuti niyang hubarin ang jacket at marahas na tinungo ang dalaga at pinasuot sa baywang nito.
"Ano ba!" sita pa ni Katie. But he still manage to put it on her waist.
"Better." He said na nakatiim-bagang. Nilinga rin ni Primo ang mga mata ng lalaking estudyante na nagsi-alisan nang mapansing kasama niya ang dalaga. Kilala kasi siya ng mga ito na kilabot ng Cordova. Kilala siya roon kahit pa taliwas iyon sa pagiging public servant niya ngayon, noon kasing nasa pagbibinata pa siya ay laman siya ng gulo noon, kaya hindi kataka-taka na binansagan siyang Primo-Barumbado.
Nakasunod siya kay Katie nang biglang maramdaman niyang may tumapik sa braso niya. Napalingon siya na aksyon na sana niyang susuntukin kung sinuman iyon.
"Easy pare!" wasiwas pa ni Luis. Ang kaibigan niya.
"You twerp!" sambit ni Primo sa kaibigan na agad na kinorner ang ulo nito sa kaniyang braso. Ginulo pa niya ang buhok nito.
"Stop it Primero!" sabi pa ni Luis na tawang-tawa.
"Ba't ka nandito?" tanong pa ni Luis sa kaniya. Umayos muna si Primo saka nilingon ang babaeng nakatingin sa kanila.
Nagpabalik-balik ng tingin si Luis kay Primo at kay Katie. He seems clueless, kaya nag-abot si Katie ng kamay.
"I'm Katie Lastimosa," pakilala pa ni Katie kay Luis. Agad naman itong tinanggap ni Luis para sana halikan, but Primo immediately crash their connection.
"Ano ka ba naman pare!" bitin na sambit ni Luis.
"We're here to register, do it." Nagtunog mando ito but it seems Luis isn't affected. Nakangiti lang ito saka pa inakbayan si Primo papalayo kay Katie.
Nalilito tuloy si Katie kung sasama ba siya sa mga ito o mananatili ba siya sa pila ng registar.
"Mga may topak!" sambit pa niya saka pa umismid.
...itutuloy.