DAHAN-DAHANG tinahak ni Katie ang malawak na daanan papunta sa bukana ng mansion ng kaniyang lolo Jesus, pagbungad pa lang niya sa may gate ay narinig na niya ang pagpito ng kung ano at kasunod n'on ay ang pagtambol at pagtorotot ng mga insrumento.
Eh? Anong mayroon? Satsat pa ng isip n'ya. Mayamaya pa ay may nakita niya ang pagmartsa ng mga nakaunipormeng kababaihan na may dalang baton, may mga nagda-drum din at ang ilan na may dalang mga flaglets na sumasayaw.
May fiesta ba? Dagdag pa na tanong ng isip n'ya. Naunang maglakad si Kata sa kaniya kaya kinalabit n'ya ito.
"Bes, sinong nag-request na may ganiyan?" turo pa ni Katie sa bandang sumalubong sa kaniya.
"Ay, oo, surpresa 'yan ng lolo mo," ngiti pa ni Kata na nakangiti sa kaniya. Dala pa nito ang iilang bagahe n'ya.
"Nasa'n si bakulaw?" nakangusong tanong n'ya rito.
"Ha?" kunot-noong tanong ni Kata sa kaniya.
"Where's that freak?" kibit-balikat na tanong niya. She means Primo, the man she doesn't like a hundred percent.
"Si Primo ba ang ibig mo bang sabihin?"
Tumango siya.
"Ayon oh," ininguso pa ni Kata ang lalaking kasunod n'ya. Nakatitig lang ito sa kaniya na tila narinig ang pagmamaktol niya kanina.
"Excuse me, freak." Sabi pa ni Primo na nilampasan siya saka pa matamang tiningnan ang pigura ng kaniyang mata.
"Let's go, your lolo is waiting for you," walang emosyon na saad nito.
Hindi siya nakagalaw sa pagtitig nito sa kaniya. Kanina pa ito sa runway hanggang makasakay sila sa sasakyan, panay pasaring ang ginagawa nito sa kaniya. She hates him to death!
"Antipatiko!" she added nang makalayo na ito sa kaniya.
Kinilig naman si Kata na inabot pa siya ng hampas sa kaniyang braso.
"Ang sweet n'yo talaga, pansin ko, may chemistry kayo!" kilig na saad ni Kata. She rolled her eyes saka pa umiling na tila nandidiri.
"I tell you, Katarina, he is not my type!" diin pa ni Katie sa bawat pagsambit niya sa bawat kataga.
"Sus! Masasanay ka rin sa kaniya, malalaman mo rin ang sinasabi ko."
"Duh, as if?"
"Yes, he is someone who will surely help you a lot, lalo na dito sa bayan...kilala kasi siya ng lahat."
"Duh! Kahit sino pa s'ya, I don't like him, he seems so mayabang and...barumbado." Maarteng saad niya saka pa nagsimulang maglakad papunta sa hagdan ng mansion. Nginitian lang niya ang mga nasasalubongan niyang mga tao, kahit ang totoo'y kanina pa siya naiilang dahil wala naman talaga siyang kakilala sa mga ito. Si Kata lang naman ang kilala niya at ang ilang mayordoma ng kanilang tahanan.
Dire-diretso siya sa tarangkahan, hanggang mabungaran niya ang nakangiting lolo niya na si Don Jesus Lastimosa. "Lolo!" she ran their distance.
"Apo ko!" masayang ani ng matanda na agad siyang niyakap.
"Lolo! I'm so happy to see you!" sambit pa niya habang nakayakap sa matanda.
"Oh, hija, kamusta ang b'yahe mo? Siguro'y nakilala mo na si Primo, ano?"
Tumango lang siya saka sinipat ang lalaking tinutukoy nito na nakakibit-balikat lang. Tipid itong ngumiti as if he teased her to be nice infront of her lolo.
"Yes, lolo." Tipid na ngiti rin niya sa binata.
"Mabuti." Sabi pa nito saka pa tinapik ang binatang kaharap niya.
"This is Primero Guerrero, my personal driver..my godchildren, ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat, from now on, he will be also your bodyguard...i know that you can be a good acquiantance 'di ba hijo?" sabi pa ng matanda na inakbayan pa ng lolo niya.
"Of course, ninong, magiging mabait akong bodyguard sa kaniya." Ngisi pa nito na ikinataas ng nguso niya, hindi rin napigilan ni Katie ang pagkakadismaya sa narinig. Laglag ang balikat niya sa sinabi ng kaniyang lolo. Oo nga't nakauwi siya sa pinas pero parang ramdam pa rin niyang nakagapos siya sa kung anong bagay. Especially, in this man standing infront of her na takaw-inis sa kaniya.
"Well, you must start to guard me, I don't want to be harm, lalo na sa mga lalaking masama ang ugali at barumbado." She replied staring to Primo.
"Of course, I will keep you safe..." he replied.
"Good." She ended their convo as if na wala siyang narinig. Agad niyang ikinalawit ang kamay sa braso ng kaniyang lolo at iniwan ang bakulaw na si Primo. Inirapan pa niya ito saka pa nag-flip ng buhok.
She doesn't care! Bahala siya!
On Primo's side, halos masuntok na niya ang hangin dahil sa nararamdamang inis. Kaka-alis lang ng babaeng 'yon na nuknukan ng...basta he doesn't like the way she treat him. Nanliliit siya sa sarili, parang nawawala ang p*********i niya dahil sa pagiging bratenela nito.
"Assh*le!" he hissed and enclose his hands. Kung siguro'y hindi ito babae ay kanina na niya ito nasuntok o nasakal. For Primero Guerrero, he is gentle to all ladies, lalo na dahil lima ang kapatid niyang babae. Hindi niya ugali ang manakit ng babae, iyon ang natutunan niya sa kaniyang yumaong ama at sa kaniyang yumaong ina. Bilang panganay, he must be the shield to those men who keep violence, especially, sa mga babae. Oo, barumbado siya pero wala sa diksyonaryo niya ang mapanakit sa babae.
"Primo!" tawag pa ng isang trabador ng ninong niya. Kamuntikan na niya itong masapak dahil sa pagkakabigla.
"Easy..bad trip ka yata?" ani ni Kulas na hawak ang ibang bag ni Katie.
Umiling siya. "Hindi, may naiisip lang, pasensya ka na 'tol!" tapik pa niya sa braso ng lalaki.
"Babae 'yan ano? Ngayon lang kita nakitang aburido eh, ang huling tagpo na nakita kitang nagkakaganiyan ay 'yong, nagsi-alisan sa America ang mga kapatid mong babae. Kaya, siguro babae ang iniisip mo ano? Si senorita Katie ba?"
Umiling siya. "Hindi." Tipid niyang pagkakaila.
"Asus! Sinong lolokohin mo, kilala kita kapag nagsisinungaling," ani pa ni Kulas na tinuro ang kamay niya na nakasuot sa bulsa ng kaniyang pantalon. Agad niya itong kinuha at nilabas. Iyon kasi ang palatandaan na nagde-deny siya.
"Okay, you're right.." sabi pa nito na agad na kinuha ang bag ni Katie.
"Asus! Tama nga ako," tudyo pa ni Kulas sa kaibigan.
"Sige na, ihahatid ko na 'to," ani pa ni Primo na agad tumalikod.
"Ay, nga pala, Primo!" tawag pa ni Kulas.
Agad niya itong nilingon.
"Pinapasabi ni Luis at senorito Juan kung pwede ba umano kayong mangabayo."
"Tell them I don't have time for them." Agad siyang tumalikod at sinundan ang papalayong mag-lolo. Nang maipasok na ni Primo ang mga bagahe ni Katie ay agad siyang lumabas at tinungo ang kusina, nakita niya roon sina Katie at Don Jesus na masayang nag-uusap habang nasa hapag.
Agad niyang iniwas ang tingin at madaling tumalikod, pero huli na nang makita siya ng ninong niya.
"Hijo! Halika, saluhan mo kami sa pagkain." Narinig niya sa ninong Jesus niya.
"Sige po, busog pa ho ako 'nong." Ngiti niya sa matanda na kumaway lang, tanda na aalis muna siya saglit.
Nang mawala sa paningin ni Katie si Primo ay agad siyang na-curious at tinanong sa lolo niya ang mga tanong na kanina pa niya gustong malaman.
"Lo, sino po ba kasi 'yang si Primo?"
"Naku, apo. Siya ang panganay ng kababata kong si Artemio. Kababata namin ng lolo Braulio mo." Sabi pa ng matanda na ang tinutukoy ay ang lolo niyang namayapa na.
"Gan'on po ba? So, kaya po ba siya nandito sa mansion?" She added na halatang ayaw ang presensya ng lalaki.
Ngumiti si Don Jesus saka pa inabot ang kamay ni Katie. "He is here because I want to, I want him to stay with me," sabi pa ng matanda.
Napaawang ang bibig niya sa narinig. Well, maybe it's because, that guy and herself will be in the same roof and worst, in the same whatever it is!
Inabot niya ang isang baso at agad na ininom.
"Okey ka lang ba, hija?"
Tumango siya. Parang natutuyo ang lalamunan niya, imbes na gusto niyang magprotesta..but she can't.
"O sya, sige na hija, at may lalakarin pa ako pagkatapos, kung gusto mong maglibot sa hacienda, sabihan mo lang si Primo, okey?" Sabi pa ng lolo niya na ikina-taas ng kilay n'ya.
"But..lolo. I want to know where should I enroll my credits, I want to know my school here." Saad pa n'ya na gustong sumama sa lolo niya.
Ngumiti ito saka pa nagsalita.
"Sinabihan ko na rin si Primo, hija. Siya na ang maghahatid sa'yo, okey?" Sabi pa nito saka pa hinalikan ang noo niya. Napabuntung-hininga na lamang siya sa narinig.
"This is madness!" litanya pa niya saka pa nilibot ang mata sa istruktura ng mansyon.
She stand and leave the kitchen, para siyang nasu-suffocate kapag kasama niya si Primo. Nang papanhik na siya sa second floor ay agad niyang minartsa ang kwartong para sa kaniya nang biglang pagbukas niya ay may nakita siyang nakahubad.
"s**t!" rinig niya sa nakatalikod na lalaki.
Napa-pikit ng wala sa oras ang mata niya, nakita kasi niya ang likod ng lalaking nakatapis lang ng towel.
It's him! Si Primo!
"What the hell? Bakit ka nandito?!" He aggressively raised his voice.
"This is my room!" sabi pa ni Katie na nakatakip ng kaliwang palad ang mga mata.
"Oh, really? It's mine. FYI." diin na sambit ni Primo na ikina-react niya. Hinawi niya ang kamay at tiningnan ang nakatapis na lalaki. Nakaharap ito sa kaniya habang hawak ang tila brief o boxer shorts na iyon, basta pang-ibabang kasuotan. Pinamaywangan niya ito saka mataray na nagsalita.
"Excuse me, mansyon 'to ng lolo ko!"
"I know, masyon 'to ng ninong ko.." he replied with his sarcastic voice.
Gigil na nilinga ni Katie ang kwarto at doon napansing naka-arrange iyon sa panlalaking ayos, it's very well-organized at napaka-formal arrangement, 'yong tipong pati langaw ay mahihiya na dumapo sa linis nito.
Natigilan siya saka pa dahan-dahang umatras. Mali siya! Hindi iyon ang kwarto niya.
"Ahh..i...i gotta go," napahiya siya kaya mabilis siyang tumalikod at inis na nilisan ang kwartong iyon. For that time, she know that she's in danger. Nakakamatay ang presensya ni Primo, lalo na sa halos hubo't-hubad na katawan nito.
"This is insane!" she uttered while helping herself not to burst out. Kinapa pa niya ang dibdib niya.
Her heart is pounding to death!
...itutuloy.