Well, magaling naman talaga siyang mag manage ng negosyo. Kaya nga kilala na ngayon ang negosyo namin. Madalas nagkakaubusan pa sa market. Maganda naman kasi talaga ang product,dahil natatangi lang ang mga pinili kong ingredients doon at pili lang ang mga tao na pinagkakatiwalaan namin na gumawa nito sa lab. Ako ang nagmamanage sa paggawa at si Rachelle na ang bahala sa iba. May sarili kaming lab sa lupain nila Rachelle. Twice a year ako pumunta doon para gumawa ng bagong produkto. Pinataniman din ng ibat ibang klaseng bulaklak ni Rachelle ang lupa,para hindi ako mahirapan sa paggawa ng bago produkto namin.
"Salamat mga besty ko. Kung wala kayo, hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi ko sa kanila. Tumayo na sila at niyakap ako.
"Huwag mo ng isipin ang magiging yaya ni Kier. Ako na ang bahala dun at ako na rin ang bahalang maghatid sa kanya this week. Hintayin mo nalang ang kukuhanin kong yaya." Sabi ni Rachelle.
"Siguraduhin mo lang talaga na hindi na 'yan palpak ha, para hindi na ito nagaalals. O pano Sige na bes, at may gagawin pa pala ako. Babush na!" Sabi ni Flor.
Kaya lumakad na kami palabas ng bahay. Hinatid ko sila sa parking lot. Pinuntahan kasi nila ako dito sa bahay pagkatapos kong sabihing may ginawa yung mga yaya na yon sa anak ko.
****
KINABUKASAN maaga pa gising na ako. Dahil ako ang personal na magaasikaso sa anak ko ngayun. Wala pa kasi itong Yaya.
"Kier. Honey. Gising na." Sabi ko. Sabay yakap sa kanya at pupug ng halik.
"Mom!" Reklamo niya. Natawa ako. Dahil ang aga aga,nakasimangot na naman ang anak ko.
"Good morning Honey. Ang pogi pogi talaga ng anak ko." Sabi ko. Sabay halik sa noo niya.
"Common honey. Brush your teeth na."
Sabi ko dito. Kakamot kamot ito ng ulo.
"Okay. Mom." Sagot nito. Saka aktong pupunta na ng banyo. Ng tawagin ko ito.
"Where's my good morning kiss and hug?" Tanong ko dito at nakasimangot naman itong lumapit sa akin.
"Good morning mom. I love you."
Sabi nito saka humalik at yumakap sa akin. Napangiti na lang ako.
"I love you honey!" Sabi ko din. Saka hinalikan siya sa pisngi. At pinagmasdan siyang pumasok sa banyo.
"MOM. I said. I can fixed my self. You dont need to do that." Reklamo nito.
Kanina pa kami nagkukulitan dito sa kwarto niya. At kanina ayaw niyang magpapaligo sa akin. Kasi malaki na raw siya. Ngayun naman ayaw naman bihisan ko siya.Haays.
"You go to your room mom. And fixed your self too. You dont need to worry about me,i can manage my self."
Seryosong sabi nito.
Napapailing na lang akong tiningnan muna siya. Bago nagpasya na bumalik na sa kwarto ko at magasikaso ng sarili,kesa makipag kulitan sa anak ko na akala mo ilang taon na.
Saktong katatapos ko lang magayos at kukunin ko na lang ang bag ko. Ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"Mom make it faster. I'm going to be late in my school." Raklamo ng anak ko. As usual naka kunot na naman ang noo.
Napatingin ako dito. nakaayos na ito at maayos ang pagkakasuot ng uniform. Naka suklay ng maayos narin ito at mabango din. Napapalatak ako.
Matanda na nga ata ang anak ko. Ako lang ang nagiisip na baby pa to.
Pagkalabas namin. Aktong babatiin ako ng bagong bodyguard ng anak ko. Ng unahan ko ito.
"Dont call me Mrs!first of all Im single. Second Fontana is my surename not my husband surename. Third i have no husband and I dont care about that. So stop calling me Mrs. It's irritating me"
Inis kong sabi dito. Saka inirapan siya. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa bagong bodyguard ng anak ko. Wala naman siyang ginagawa sa akin.
Basta naiinis ako sa klase ng tingin niya sa akin. Akala niya hindi ko siya napansin nung binyag ng anak ni Rachelle. Grabe siya makatingin nun sa akin.
Pinasakay ko na lang ang anak ko sa sasakyan na binuksan ng isa sa bodyguard ko Saka hinalikan sa pisngi at nagpaalam na dito Hindi ko na tiningnan pa ang bodyguard niya. Baka ma bad trip pa ako buong maghapon.
****
NAGPAPAKAIN ako kay kier. Ng dumating si Rachelle na may kasama.
"Bes. Ito nga pala si Aida Ang bagong magiging yaya ni Kier Aida ito si Arah. Ang magiging amo mo at ito naman si Kier ang inaanak kong,magiging alaga mo mabait yan wag kang magalala"
Pakilala ni Rachelle sa amin tiningnan ko ito may dala dalang bayong.
"Taga saan ka Aida?" Tanong ko dito. Nakatali pa ng dalawa ang maiksi niyang buhok. Parang probinsiyana siya.
"Ay,naku mam. Tubung Ilo ilo po ako. Tawagin niyo na lang po akong Aida O Ada. Oki lang po yun sa akin."
Sabi nito. At tumango ako.
"Galing sa probinsiya pa siya best. Kinuha ni Thor. Mabait siya,isang lingo na siya sa baha bago ko siya dinala dito Masipag din si Ada,maasahan mo."
Sabi ni Rachelle Tiningnan ko mula ulo hangang paa si Ada atumango ako.
"Sige. Dahil nagtiwala sayo ang kaibigan ko Pagkakatiwalaan din kita para sa anak ko."
Sabi ko dito Ngumiti ito. Saka inayos ang salamin sa mata niya. Tinawag ko ang isang katulong at pinahatid ko siya sa magiging silid niya.
"Salamat Best. Nasaan si Haro?"
Tanong ko sa kanya.
"Iniwan ko muna sa ama niya."
Sabi nito Tumango ako. Masaya ako na naging masaya sila sa mga buhay nila.
Pero hindi ako naiingit sa kanila. Dahil kuntento na ako sa anak ko. Para sa akin sapat na si kier sa buhay ko.
***SOME ONE PV#***
INIS na inis talaga ako sa kabigan nato ni Arah. Masyadong maepal kagaya ng bodyguard na bago. Akala mo kung sino masarap patayin pasalamat siya ang bata lang ang utus sa akin ngayun. Nagbago ang utak ni Master. Wag ko na daw galawin si Arah. Dahil interesado siya dito. Ang bata na lang daw. Kasi sagabal sa mga plano niya.
Kaso na walan naman ako ng pagkakataon. Kasi dumating ang epal na bodyguard Dapat kasi na dispacha ko na yung bata na yun, Kung hindi lang sana mga tanga ang mga tauhan ko. Yung bodyguard lang tuloy ang napatay namin. Muntik pang makapag sumbong, kung nagkataon lagot ako kay Master.
"Tingnan niyo. Kung di kayo mga tanga. Dapat na dispacha na natin ang bata. Pinapunta ko kayo sa mansion, para magapply bilang yaya ng bata at para madispacha natin agad Kaso hindi kayo nagingat sa bodyguard, mga tanga!!"
Sermon ko sa mga tauhan ko.
"Sorry Boss. Hindi namin alam na ganun kalakas ang pakiramdam nung gago na yun." Sabi nung isa. pinalo ko ito ng baril.
"Syempre. Isa yun sa personal bodyguard ni Portune. Kundi ba naman kayo mga tanga." Sabi ko sa mga to, sabay sipa sa mukha nila.
Pero napapaisip ako. ano napapayag ni Thor si Portune na ibigay sa kanya ang isa sa mga personal bodyguard nito, siguro may binigay siyang kapalit.
Haay, nakakainis siya. Dahil sa kanya nahihirapan ako. Kapag na tapos ako sa mission ko, isusunod ko ang asawa niya na pakialamera.
"Boss. Anong gagawin natin sa dalawang yan?" Tanong ng isa kong tauhan.
"Anoba ang ginagawa ng grupo sa wala ng pakinabang?" Sabi ko saka itinapon ang tabako ko at lumabas na ng bodega.
"Aalis na ako. Yung inuutos ko, wag mong kakalimutan." Sabi ko sa isang tauhan ko. Saka sumakay na sa nakaparada kong Mercedes Benz.
****KIERAH POV#****
"BUTI naman at naisip mong kumuha ng yaya ng anak mo ulit. Akala ko hindi kana kukuha pa." Sabi ni yaya sa akin.
"Sabi ko naman sayo. Ako na lang ang magaalaga sa kanya, ayaw mo lang."
Sabi uli nito. Kasalukuyang nasa beranda kami.
"Naisip ko po kasi. Panahon na para isipin niyo naman ang sarili niyo. Hindi yung puro kami ng anak ko ang iniisip niyo. Baka mamaya niyan magtampo na sa akin ang kaibigan ko niyan, dahil mas pinapahalagahan niyo kami ng anak ko kesa sa kanila ng mga anak niya."
Sabi ko dito na tawa siya.
"Itong batang to. Parehas mahalaga kayo sa akin. Lagi din naman akong nasa kanila at hindi ko sila nakakalimutan, masaya ako na nakita ko ang mga apo ko sa inyo bago ako mawala sa mundo." Sabi niya.
"Wag niyo pong isipin yan yaya. Marami papo tayong pagsasamahan."
Sabi ko dito. Sabay yakap sa kanya.
"Naku, itong batang ito. Kung makayakap, akala mo sawa. Mag asawa kana kaya ng may nayayakap ka."
Sabi nito. Na ikinairap ko. Natawa ito, saka ako niyakap.
Ng mawala si Mama masyado akong na lungkot nun, pakiramdam ko nagiisa na lang ako buti na lang nandiyan si yaya na nagpapalakas ng loob ko. Lagi siyang nandiyan kapag nanghihina ako sa oras na may problema ang kompanya.
Siya ang naging sandigan ko sa lahat ng oras nung hindi ko pa nakikilala ang mga kaibigan ko. Kaya malaki ang pasasalamat ko na nandiyan siya sa tabi ko, kundi sa kanya baka wala ako ngayun sa kinalalagyan ko.
***ERUS PV#***
Isang lingo na ako dito sa Fontana Mansion, bilang bodyguard. Habang tumatagal nagiging malapit sa akin ang bata na binabantayan ko.
Nakita ko na may nagtatangka nga sa bata. Pero wala pa akong ibedensiya na magpapatunay na si Jude nga ang may pakana nun at hindi ko pa din na tutunugan kung sino ang tao niya dito sa mansion.
Nakita ko na palabas na ang mag ina.
Hinanda ko na ang mga tao ko.
"Yung bilin ko maging matalas ang pakiramdam sa paligid at sa mga tao na nasa paligid." Sabi ko sa kanila.
"Yes Boss!" Sabay sabay na sagot nila.
"O, Julius ikaw na ang bahala kay Kierah. Kung may problema, alam mo na ang gagawin. Saka yung mission natin alam mo na yun." Sabi ko kay Jullius.
"Copy.!" Sagot nito.
Tumayo na kami ng tuwid ng lumapit na ang mag-ina. Babatiin ko sana si Kierah, kaso inunahan niya ako.
"Don't call me Mrs Fontana! First of all I'm single. Second Fontana is my surename not my husband surename. Third I have no husband and I dont care about that so stop calling me Mrs. Its irritating me." Sabi niya,sabay irap sa akin.
Napailing na lang ako.Galit na naman siya. Nakita ko na natawa sila Jullius, kaya sinamaan ko sila ng tingin. Nagsitigil naman agad ang mga tito. sumunod na ako sa mag-ina.
****
NASA kalagitnaan na kami ng biyahe ng bata. Ng biglang tumawag sa akin si Jake.
"Why?" Tanong ko dito. Ng sagutin ko ang tawag.
"Bro may problema. Si Mr.Lee pala ang Costumer na sinasabi ni Berto."
Sabi nito. Napakunot ang noo ko.
"So, what's the problem fot him?"
Tanong ko uli dito.
"E ayaw makipag deal sa amin. Hinahanap ka. Gusto kang makausap"
Sabi nito.
"f**k!" Mura ko. Sabi ko na nga ba kilala ko ang Chinese na yun, masyadong tuso.
"Hihintayin ka daw niya. Hangang 15 minutes. Pag hindi ka dumating, aalis na daw siya at hindi na makikipag deal. Anong gagawin natin ngayun?."
Sabi ni Jake.
Sira ulo talagang Chinese na yun, masyadong tamang hinala.
Problema nga to. Tumingin ako sa bata na nasa tabi ko. Kailangan kong makarating dun in 15 minutes or else malaki ang mawawala sa akin. Isa sa pinakamalaking Costumer ko si Mr.Lee. Kaya hindi ko hahayaan na mawala ito.
"Okay. Tell him I'm coming before 15 minutes?" Sabi ko dito. Saka pinatay ang Cellphone ko.
Iniikot ko ang sasakyan. Napalingun sa akin si Kier na nagtataka.
"I have important to do"
Panimula ko. At hininto muna ang sasakyan sa tabi.
"Do you want to come with me or I will take you to school before I leave?"
Tanong ko dito. Nagisip ito.
"I'll go with yo." Seryosong sabi nito
"Okay! I call your teacher. But first you promise me whatever happens now its the secret between the two of us. You won't tell your mom because she will be angry with me and she will fire me as your bodyguard, you understood?" I said to her. He frown..
"yes. I dont want another bodyguard I want you." He said. I smirk and look at him.
"I promise. I won't tell mom,its just our secret." He said again.
"But you have to be absent from your class?" I ask him.
"But just only now I will be absent in my class." He said. I nod and start the engine
"Okay fasten your seat belt properly. Because we have to hurry." I said to him. He fixt his seat belt. I looked at him one more time before turning my attention to the steering wheel .
NAKARATING kami sa lugar. Dalawang minuto bago sumapit ang 15 minutes na usapan.
"Wait for me here dont get out of the car until I tell you, you understand?"
Sabi ko sa kanya sa loob ng sasakyan. Sumilip siya sa labas, saka tumango. Tiningnan ko siya. Kung matatakot dahil sa nakikita na mga armadong lalake sa labas, pero tahimik lang itong tumango.
Hinawakan ko ang pisngi niya
"I'll be right back." Sabi ko uli saka sinuot ang maskara ko bago ako bumaba.
"Bantayan niyo siya.Wag niyong hahayaang makalabas. Okay?" Sabi ko sa mga tauhan ko.
"Copy Boss!" Sagot ng mga ito. Naglakad na ako papunta sa kanila.
"DG!!" Sigaw ng Chinese. Ng makita ako, sabay tawa nito.
"I know you come no matter what happened." Sabi nito. Habang tumatawa. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya.
"I can't last long. Lets get started!"
Sabi ko dito. Tumigil ito sa pagtawa. Tinawag nito ang isang tauhan at nagumpisa na kami sa aming transaction.
****
"SERYOSO ka. Dinala mo yan dito. Pano kung magsumbong yan sa Mommy niya. E di nalintikan ka." Hindi makapaniwalang. Sabi ni Thor
ng makita si Kier na naglalaro sa tabi.
"KUNG hindi ka sana busy. Sana hindi ko na kinailangan na dalahin ang bata dito."
Sabi ko sa kanya. Napakamot ito sa batok, saka nilapitan ang bata.
"Hey! Buddy are you okay here?"
Tanong niya dito ng lapitan niya ito.
Pero tiningnan lang siya nito ng masama. Saka walang ano ano na naglaro uli.
"Abay nahawa na pala sayo to. Bro suplado." Sabi ni Thor. Binato ko siya ng trow pillow, na sinalo niya naman habang tumatawa
"Pero pwera biro. Magkamukha kayo ng bata ." Sabi nito uli. Hindi ako umimik. Marami na ang nagsabi sa amin niyan sa school at sa office ng Mommy niya. Noong una pa nga napagkamalan ako na ama niya.
"Oo nga Bro, lalo na sa mata."
Sabi naman ni Jake.
"Lalo na kapag naka kunot ang noo."
Sabi ni Thor. At tinawag nito ang bata. tumingin naman ito sa kanya na naka kunot ang noo, sabay silang tumawa ni Jake.
Nagapiran pa ang mga loko.Tuwang tuwa sa kalokohan nila, kaya sa inis ko pinagbabato ko sila ng unan. Tawa lang ng tawa ang dalawa.
NAULIT uli ang pagsama ko sa bata. Hangang na sanay na ako binabayaran ko ang teacher niya, para hindi magsumbong.
Naging malapit pa lalo sa akin ang bata. Pati kayla Thor Jake at Julius nakikipag usap na ito, kaya lang tinuturuan nila ng kalokohan. Buti na lang likas na matalino, kaya hindi nila maloko.
"Manang mana ka talaga sa daddy mo."
Rinig kong sabi ni Thor.
"Erus is not my daddy. He is my buddy"
Sagot naman ng bata.
"Why? You dont like Erus to be your dad?"
Tanong ni Jake dito. Hindi ko alam kung bakit gusto kong marinig ang isasagot niya. Natigilan ito, saka tumingin sa akin. Nagpangap ako na busy sa paglilinis ng baril ko.
"I....like." Nahihiya niyang sagot. Lihim akong napa ngiti hindi ko alam kung bakit masaya ako na marinig na gusto niya rin akong maging daddy niya. Masyado na yata akong napapalapit sa bata.
Naaalala ko nung makita ko na may nilagay ang yaya niya sa pagkain niya, sobra ang pagaalala ko kung nakain niya yun. Kulang na lang patayin ko sa harapan niya ang yaya. Buti na lang napigilan ko ang sarili ko nun.
"Bro narinig mo yun? Gusto ka daw niyang maging Daddy."
Sabi ni Thor,ng lumapit sa akin sabay tapik sa braso ko. Napatingin ako sa bata. Nakita ko na may tinatanong ito tungkol sa baril ni Jake.
"Tigilan niyo nga yung bata."
Sabi ko sa kanila. Saka nilagay na ang baril sa tagiliran ko. Natahimik naman sila.
"What?" Tanong ko dito, ng makitang nakatitig ito sa akin.
"Naisip ko lang Bro. Hindi ka ba naaatract kay Kierah? Maganda kaya si Kierah suplada nga lang, pero kung pagmamasdan mo hindi masasabi na may anak na siya." Sabi nito. At napa kunot ang noo ko.
"Tssk. Maganda nga mataray naman."
Sabi ko, ng maalala ang itsura nito na laging galit kapag nakikita ako. Wala naman akong ginagawang mali.
"So attractive karin sa kanya Bro? Bakit hindi mo digahan para mawala ang pagiging mataray."
Sabi nito sa akin.
"Tssk. Ako didiga?" Sabi ko dito. Saka tumalikod na
"Why not? Bagay naman kayo. Hindi naman mapagkakamalan na hindi mo anak si kier. Dahil kamukha mo ang bata. Mapagkakamalan ka pa nga na tatay ng bata, pag magkatabi kayo kasi kuhang kuha niya ang kilos mo." Pangungulit nito. Hindi ko na pinansin ito. Oras na para ihatid ko na sa opisina si kier.
Susunduin na namin ang Mommy niya.
Habang nasa biyahe kami. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Thor. Bwisit talaga ang mga yun.
Napa tingin ako sa bata. Napangiti ako mahilig din ito sa chocolate katulad ko.
Kamukha ko nga si Kier pati kilos nito kuhang kuha ang kilos ko. Sino kaya ang ama nito? Sabi ni Thor. Niloko lang daw ng boyfriend si Arah, kaya nakipag hiwalay ito sa lalake. dahil may pera naman ito hindi ito naghabol sa lalake kahit nabuntis ito.Siraulong lalake.
DUMATING kami s office Pinagbuksan ko si Kier ng pintuan. Saka kinuha ko ang bag niya, nagulat ako ng humawak ito sa kamay ko. Hindi ko na lang pinansin.
Ng makita niya ang mommy niya,mabilis na humiwalay ito sa akin at yumakap kay kierah. Tuwang tuwa na pinupog naman ito ng halik ni Kierah. Hindi ko alam kung bakit naaliw akong pagmasdan siya kapag naka ngiti siyang ganyan.
Nangingiti na sana ako. Ng bigla itong lumingon sa akin sabay irap. Nagkibit balikat na lang ako saka napa iling.
Habang nasa sasakyan naaamoy ko ang pabango ni Kierah ka parehas na ka parehas talagang amoy nong gamit ng babae na nakasama ko nong gabing yon. pinapahanap ko parin siya sa isang tauhan ko at hangang ngayon wala parin akong balita kong alam na nito kong saan matatagpuan ang pinahahanap ko.