***KIERAN POV#***
Maaga pa akong nagising dahil may early meeting kami ngayun.
"Good morning mommy!" Bati sa akin ng anak ko. Sabay halik sa pisngi ko ng pumasok ako sa dinning erea
"Good morning honey." Bati ko rin sa kanya saka pinupog ito ng halik.
"There will be a family day on Monday at the school mommy, my teacher said we need to bring our mommy and daddy." Sabi ng anak ko habang kumakain kami.
Napatingin ako sa anak ko, na inaasikaso ng Yaya niya. Himala na hindi ito nakikipag away sa yaya niya naging kasundo nito ang yaya at bodyguard niya ngayun hindi ko na to nakikitang nagsusuplado. Huminga ako ng malalim.
"Alright, I'll go to your school on monday, I will fix my schedule today." Sabi ko dito saka ngumiti dito.
"Really mommy? " Tanong niya sa akin hindi makapaniwala tumango ako.
"Then I will tell Erus to get ready." Sabi niya uli, napakunot ang noo ko ng marinig ang pangalan ng bodyguard niya.
"Honey, why does Erus need to get ready?" Naguguluhan tanong ko dito.
"Because mom, my teacher said we should bring our mommy and daddy but I don't have a daddy so I will bring Erus to be my dad." Sabi niya. Muntik na akong mabulunan sa narinig.
"What? I mean why do you have to bring a daddy and then why Erus?" Tanong ko dito.
"Because mommy, I don't have a daddy. Also, Erus is brave and strong, their daddies will definitely be defeated of Erus, so I want Erus to be my daddy that day and not a bodyguard. " Sabi niya uli sa akin hindi ako nakaimik na awa ako sa anak ko ngayun ko nakita ang kakulangan ko bilang magulang niya.
" Mommy please!" You will agreed that Erus will be my daddy on family day."
Sabi niya saka lumapit sa akin saka hinalikan ako sa pisngi sa lips sa ilong kaya napasimangot ako at tumawa siya pinupog ko siya ng halik. Sana laging may hihingiin sa akin ang anak ko kasi nagiging sweet siya kapag may hihilingin sa akin. Na wawala ang Kier na suplado.
"Okay, may magagawa paba ako ang tanong papayag ba si Erus maging daddy ng batang suplado?" Sabi ko dito na nangingiti dahil napakunot na naman ang noo nito.
"Mommy!" Reklamo niya kaya tuluyan na akong natawa.
"Okay, but first ask Erus, if he will agree to be your daddy on family day." Sabi ko sa kanya.
"Yes mommy." Sagot niya saka kumain na kami lihim kong pinagmasdan ang anak kong maganang kumain.
****
"Talaga besty, magiging pares pala kayo ni Erus sa monday niyan." Sabi ni Cherry.
"Ano pa nga ba, hindi ko naman mahindian ang inaanak niyo saka isa pa naawa naman ako kay Kier kong siya lang ang walang daddy sa araw na yun kung hindi ako papayag." Sabi ko sa kanila kasalukuyang kaming kumakain sa canteen.
"Saka besty bagay naman kayo ni Erus e." Sabi naman ni Rachelle sinamaan ko siya ng tingin.
"Totoo besty, kaya nga nung kasal ko pa gustong ipakilala sayo si Erus kasi gwapo na mabait pa at parehas mo ring independent ha." Sabi uli nito. Sumimangot ako
"Ay Oo nga besty, alam mo kung hindi lang kami ang pumili ng magiging daddy ni Kier baka isipin namin na si Erus ang ama ni Kier kasi magkahawig na magkahawig sila ni Kier kung titingnan mo akala mo magama talaga sila." Sabi naman ni Flor mas lalong napakunot ang noo ko.
"Tigilan niyo na nga kami ni Erus." Sabi ko sa kanila at nagtawanan naman sila.
Nasa opisina na ako iniisip ko parin ang sinabi ni Flor. Ngayun ko lang naisip yun magkamukha nga sila Kier at Erus. Saka ko naalala ang lalaki na nakadapa sa kama ng umalis ako nung umaga na yun. Yung malaking Ahas na kulay pula na naka tattoo sa likod niya. Huminga ako ng malalim saka ipinilig. Ang ulo ko.
*****
Tangahali na ako nagising may usapan kami ngayun nila Rachelle na magkikita sa mall mamimili kami pagkatapos naming mag gym.
"Good afternoon mom!" Bati sa akin ni Kier saka humalik sa pisngi ko kausap niya si yaya Bel.
"Good afternoon honey good afternoon yaya." Bati ko sa kanila ni yaya Bel. Saka pinupog ng halik ang anak ko.
"Kanina pa nga yan nangungulit na pumasok sa kwarto mo pinipigilan ko lang para makapagpahinga ka naman ng maayos." Sabi ni yaya Bel sa akin.
"Kumain kana. May lakad kaba ngayun?"
Tanong ni yaya sa akin.
"Opo magkikita kami sa mall nila Rachelle." Sagot ko naman sa kanya tumango siya.
"Isasama mo ba si Kier?" Tanong ulit nito. Napatingin ako sa anak ko na busy na sa kalalaro.
"Opo yaya Bel bibilihan ko narin siya ng mga bagong damit doon." Sabi ko parang na lungkot ito.
"Bakit po yaya?" Tanong ko dito.
"Gusto ko sanang makasama muna si Kier na mimiss ko na ang batang yan e" Sabi ni yaya Bel. Natawa ako.
"Kung gusto niyo po sumama na lang po kayo sa amin yaya." Sabi ko sa kanya.
"Naku wag na at mapapagod lang ako dun aantayin ko na lang ang pagdating niyo." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. Saka nagpaalam na.
"Aida paki bihisan si Kier pupunta tayong mall." Sabi ko sa yaya ni Kier.
"Opo ma'am" Sagot nito sa akin at inaya na si Kier papuntang silid nito.
Nagasikaso ako ng sarili ko saka kinuha ko ang bag na nilalagyan ko ng mga gamit ko sa tuwing nag gigym ako.
"Mommy, Erus agreed to be my daddy on family day." Sabi ni Kier ng nasa sasakyan na kami, si Erus ang driver namin ngayun nasa tabi niya si Kier napatingin ako kay Erus sa salamin sakto naman na nakatingin ito sa akin umiwas ako agad ng tingin hindi ko alam nakakaramdam ako ng pagkailang sa tuwing titingnan ako nito.
"P..pasensiya na sa kakulitan ng anak ko ha. Hayaan mo magbibigay na lang ako ng Extrang bayad para sa araw na yun."
Sabi ko dito saka tumingin ako uli sa salamin nakita ko na kumunot ang noo nito.
"Hindi naman ako nanghihingi ng bayad para sa araw na yun gagawin ko yun dahil gusto ko kaya hindi mo kailangan na bayaran ako." Inis na sabi nito. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Abat ang yabang talaga nitong lalaking to." Inis na tiningnan ko siya.
"Babayaran kita kasi magpapangap kang daddy ng anak ko at hindi bilang bodyguard sa araw na yun saka ayaw ko ng nagkakautang na loob sa iba." Inis kong sabi dito.
"Sinabi ko ng gagawin ko yun dahil gusto ko, kaya hindi mo na kailangan bayaran at wala kang utang na loob dun kasi ginusto ko yun." Inis ding Sabi nito napa tingin sa amin si Kier.
"Mommy are you and Erus fighting? " Tanong ng anak ko sabay kaming napatingin ni Erus kay Kier.
"We didn't fight, we just talked." Sabay namin na sabi dito saka inirapan ko si Erus at hindi na umimik pa napatingin na lang sa amin si Kier.
"Inis na inis talaga ako sa kayabangan ng lalake na to. Bakit ba kasi sa dami ng magiging bodyguard ng anak ko ito pa ang naging bodyguard." Inis na bulong ko sa isip ko.
Kaya hangang sa dumating kami sa mall hindi parin maipinta ang mukha ko.
"Aida dito lang kayo ni Kier mag gigym lang kami sandali." Sabi ko sa yaya ng anak ko.
"Kier honey, you're just here with your yaya, we'll just go to the gym, and then we'll go around, okay?" Sabi ko sa anak ko tumango naman ito saka lumapit kay Erus na inirapan ko bago ako pumasok sa gym nakita ko na may sinasabi si Kier kay Erus.
"Hoy! Besty, bat hindi maipinta ang mukha mo?" Sabi ni Rachelle saka sinilip si Erus at Kier kwenento ko sa kanila ang nangyari tawa sila ng tawa habang nasa treadmill kami.
"Alam mo besty, may ka sabihin na the more you hate the more you love." Sabi ni Cherry. Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Ewan ko sayo" Sabi ko dito tumawa lang ito.
"Hindi nga besty, ganyan din ako nun kay Thor. Inis na inis din ako sa kumag na yun noon tapos sa huli minahal ko din." Sabi ni Rachelle.
"Ewan ko sa inyo, tigilan niyo nga ako." Inis na sabi ko sa kanila. Saka iniba na ang usapan namin dahil naiinis lang ako.
*****
"BESTY, bagay sayo to palitan mo na ang uniform mo na pampasok sa opisina. Hindi ka kaya empleyado Boss ka." Sabi ni Rachelle. Saka pinasukat sa akin ang mga dala nilang damit. Ilang na ilang ako sa mga pinagpipili nila pero pinilit nila na bilihin ko yun. Paglabas namin dun hinanap ko sila Kier nakita ko na nasa isang playground sila nila Erus tuwang tuwa ito kasama nila ang mga anak nila Cherry binilihan ko ng damit si Kier.
"Go ahead, mommy, buy Erus some clothes too." Pangungulit nito sa akin saka hinila ako papuntang men's section hiyang hiya ako sa tumitingin sa amin.
"Kier stop, people looking at as." Sabi ko dito tumingin naman ito sa paligid maya maya may binulong ito sa akin.
"Isn't it mommy, that Erus doesn't want you to pay him for family day so why don't you buy him some clothes instead of paying him." Sabi niya sa akin na nagtatas baba pa ang kilay nito napatingin ako kay Erus na nakakunot ang noo na nakatingin sa amin.
"Well tama naman ang anak ko, para hindi makapag yabang sa akin ang lalaking ito na may utang na loob ako sa kanya." Sabi ko sa isip ko.
"Okay!" Sabi ko sa anak ko saka huminga ng malalim ng nasa loob na ako ng men section pumili ako ng dalawang Polo Shirt isang kulay puti at isang kulay itim.pumili din ako ng long sleeve shirt isang kulay navy blue at isang kulay gray. Tuwang tuwa si Kier.
Paglabas namin agad na binigay ni Kier kay Erus ang binili ko dito.
"Mommy bought it for you." Sabi ni Kier napatingin sa akin si Erus
"Ayaw mo na bayaran kita diba kaya binili na lang kita ng damit bilang pasasalamat." Sabi ko saka inirapan siya at pumunta na kayla Rachelle napa iling na lang si Erus habang hawak ang paper bag na binigay ni Kier.
Hawak naman nila Julius ang mga paper bags na pinamili namin. Habang tinutudyo si Erus nila Jullius dahil sa binili ko sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin nagtawanan lang ang mga ito.
"San kayo galing ng inaanak namin?" Tanong nila Rachelle sinabi ko na binilihan ko ng damit si Erus nagtaasan ang mga kilay nila at nanunudyo na tiningnan nila ako.
"Wag niyo akong tingnan ng ganyan, pasasalamat ko lang yun sa pagpapangap na gagawin niya sa monday." Sabi ko sa kanila kasalukuyang kumakain kami.
"Bakit? Wala naman kaming sinasabi ah." Sabi ni Rachelle.
"Inuunahan ko lang kayo, dahil alam ko ang nasa utak niyo no." Sabi ko sa kanila nagtawanan lang ang mga ito.
Gabi na kami nakauwi.
Karga na ni Erus papasok ng bahay si Kier nilapag niya ito sa kama.
"Salamat!" Sabi ko sa kanya na tigilan siya maya maya tumango siya saka nagpaalam na lalabas na. Inayos ko ang anak ko binihisan ko ito saka lumabas na ng kwarto pagkatapos kong sabihan si Aida na magpahinga narin.
****
Maaga pa gising na ako. Ngayun ang araw ng family day sa school nila Kier kaya na mili ako ng damit na susuutin ko napa tingin ako sa mga damit na pinamili namin nila Rachelle naisipan kong I suot ang pantalon maong ngayun lang ako magmamaong laging slacks ang suot ko pinaresan ko ito ng long sleeve na kulay red saka tinali ko pataas ang buhok ko saka naglagay ng manipis na make up at sinuot ang boots na kulay itim ng makontento sa ayos lumabas ako ng silid ko. Nakita ko na naka ready narin sila Kier at ang yaya niya.
"Magingat kayo dun." Sabi ni yaya Bel."
"Opo yaya O honey kiss na kay lola yaya." Sabi ko sa anak ko lumapit ito kay yaya Bel saka humalik.
"Bagay sayo Iha ang ganyang ayos" Sabi ni yaya ng halikan ko sa pisngi. Namula ako natawa naman siya.
Paglabas namin nakita ko si Erus na kausap sila Julius nakita ko na suot nito ang long sleeve shirt na kulay navy blue yung binili namin ni Kier lumingon ito sa amin ng makalapit kami nagulat ako ng matigilan ito.
"What?" Tanong ko dito kasi naiilang na naman ako sa titig niya sa akin.
"N..nothing, I mean you look beautiful."
Sabi niya na halos bulong lang pero narinig ko saka kinuha ang bag ni Kier saka binuksan ang pintuan ng sasakyan na Tulala ako sa kanya ng lumingon siya sa akin tinaasan niya ako ng kilay saka nginuso ang pintuan na mumula na inirapan ko siya saka ako pumasok sa sasakyan nakita ko pa ang pag ngiti niya bago sinara ang pintuan.
Wala kaming imikan tanging si Kier lang ang nagtatanong sa kanya nakikinig lang ako sa kanila.
Pagdating namin sa school sinalubong kami ng teacher ni Kier.
"Mr and Mrs Fontana nice to meet you po, ako po si Mrs Velasquez ang teacher ni Kier. Kaya pala ang gwapo ni Kier ang gwapo at ang ganda pala ng mommy at daddy." Sabi nito itatama ko sana ang guro kaso naalala ko na daddy nga pala ni Kier si Erus ngayung araw na ito.
"Nice to meet you din po." Sabi ko na lang at kinamayan ang guro kinamayan din nito si Erus.
"Pasok napo kayo." Sabi nito pumasok kami nakita namin na marami ng tao.
"Ahhm..Mrs Fontana" Tawag ng teacher sa akin. Kaya napalingun kami.
"Eto po pala ang family T-shirt niyo." Sabi nito saka inabot sa amin ang tatlong t-shirt
Kulay yellow orange ito may tatak na Fontana family. Marami pang hinihintay kaya nagyaya si Kier kay Erus maya maya bumabalik sila kumakain ng cotton candy si Kier habang hawak siya ni Erus. Natulala ako habang nakatingin sa kanila kita ko ang tuwa sa mukha ng anak ko.
"Ay ma'am para talaga pong daddy ni Kier si Papa Erus no." Sabi ni Aida na nakatingin din pala kayla Kier at Erus. Napakunot ang noo ko.
"Anong Papa?" Tanong ko sa kanya.
"Ay,naku ma'am Papa po ibig sabihin oppa. Yung tawag sa mga korean na mga gwapo, kayo talaga ma'am hindi kayo nanonood ng mga Korean movie e." Sabi niya pa sa akin napa ngiwi ako.
"Ewan ko sayo Aida, kung ano ano ang ginagaya mo." Sabi ko dito saka nilapitan na ang dalawa. Kaso bago pa ako makalapit sa kanila na talisod ako kaya napasubsub ako sakto naman nasalo ako ni Erus kaya sa dib dib niya ako bumagsak habang yakap niya ako ako naman nakahawak sa braso niya.
Napatulala ako ng pag angat ng tingin ko nagsalubong ang paningin namin na Kita ko na kulay brown pala ang mata niya.
Natauhan lang kami ng marinig ko na tinatawag na kami kaya agad na humiwalay ako sa kanya at inayos ang sarili.
"S..salamat" Sabi ko na lang saka tumalikod na alam ko namumula ang pisngi ko.Naupo ako sa upuan na nakalaan sa amin.
Naramdaman ko ang paglapit nila sa likod ko naupo si Kier sa tabi ko. Hindi ko na nilingon ang nasa likod ko alam ko na si Erus yun. At nahihiya parin ako sa nangyari.
"Pinapunta po namin kayo para makabanding ng mga bata at para magsaya kaya wala pong pikon isipin po natin na nandito po tayo para makipaglaro kaya walang personalan laro lang po to okay po?" Sabi ng organizer kaya nagsitanguan kami.
"Ngayun po ang unang laro po natin ay Sack race bibigyan po namin kayo ng tagiisang sako ang una pong makarating sa finish line ang panalo.
Humilira na kami pumasok na kami sa loob ng sako.
"Okay ganito pag bilang ko ng tatlo sabay sabay tayong tatalon okay." Sabi ko sa kanila tumango silang dalawa.
Pag paputok ng guro na nasa gitna nagumpisa na akong mag bilang sabay sabay kaming tumalon.
Minsan muntik ng madapa si Kier nahawakan agad ni Erus may mga nadapa na bata kaya tumigil na. Samantalang tuloy tuloy lang kami sa pagbibilang at sa pagtalon. Sa huli kami ang nanguna sa laro tuwang tuwa si Kier ang sumunod naman.
Ay hilaan lubid nanlaki ang mata ko ng makitang ang tataba ng kalaban namin.
Napatingin ako kay Erus tinaasan lang ako ng kilay nito inirapan ko siya. Napailing lang ito saka ngumiti.
Pumwesto kami si Kier ang nasa harapan namin nasa likod ko si Erus.
"Pagbilang ko ng tatlo hila okay."
Sabi niya sa likod ko tumango kami ni Kier kaya pag sabi niya ng hila hinila namin ang lubid nung una na nadadala kami kasi malalaking tao ang kalaban pero hindi ako magpapatalo kaya kahit masakit sa kamay hinila ko ang lubid kaso binitiwan bigla ng kalaban ang lubid kaya bumagsak kami buti na lang nasalo kami ni Erus yakap yakap niya ako ako naman yakap ko si Kier.
"Ay.!" Tili ko ng bumagsak ako pero nagulat ako ng sa dib dib ni Erus ako bumagsak. Lumapit agad sila Julius sa amin.
Itinayo ni Aida si Kier. Inalalayan naman ako ni Julius tumayo. Nilapitan ko agad si Kier. Tiningnan ng masama ni Jullius ang nakalaban naming pamilya na tumatawa pa sa gilid. tinapik ni Erus sa balikat si Jullius at nagusap sila sandali bago kami nilapitan ni Erus.
"Honey are you okay?" Tanong ko dito.
"Yes mommy." Sagot nito.
"Okay lang kayo?" Tanong ni Erus ng lapitan kami nagpapagpag ako ng dumi.
"Yeah, I...ikaw?" Naiilang na tanong ko sa kanya, siya kasi ang nadaganan namin.
"I'm okay." Sabi niya saka nilapitan si Kier. May binulong siya kay Kier tumango ang anak ko.
Nagbreak muna. Kaya humanap kami ng kakainan. Nakita ko na kinausap ni Erus sila Julius.
"S..salamat pala kanina." Sabi ko sa kanya ng papasok na kami sa isang kainan.
"Trabaho ko ang protektahan kayo." Sabi niya napatango.
"Salamat parin." Sabi ko uli saka pumasok na sa loob.
Pagkatapos namin kumain nagpahinga lang sandali nagumpisa uli ang palaro labanan ng mga tatay bunong braso ang labanan napapailing ako ng di oras kasi yung kalaban ni Erus yung tatay nung pamilya na nakalaban namin sa hilaang lubid, malaking lalake..