Mga Hotel and Restaurant w/Casino and big Resort w/Casino.Ilan lang yan sa mga business ko na ipapasok sa pilipinas.
Isama pa ang black market lahat yan pinasok ko sa pilipinas. Bilang kumakatawan itinalaga ko si Drake, bilang personal assistant. Sinadya kong gamitin ang Mondragon para makuha ang attention ng kalaban. Nalaman din niya na mahilig itong mag invest sa malalaking kompanya upang magamit niya ito at bandang huli kukunin niya ito ng sa pilitan sa pamamagitan ng unti unting paglipat sa pangalan nila ang kompanya malaman man ng may ari huli na. Hindi na niya kayang patunayan ang ginawang kagaguhan ng mga Aragon.
"Ito ang pangalan ng mga Kompanya na pinaginvestan niya ng malaking halaga."
Sabi ni Thor, sabay abot ng envelope sa akin binasa ko ang mga pangalan ng kompanya.
"Alamin mo kung pano natin mapapasok ang mga kompanya na yan. Para mabantayan ang gagawin nila."
Sabi ko kay Thor.
"Actually, yung isa diyan kilala ko ang may ari at sa pagkakaalam ko dinidiskartehan ni Jude. Best friend ng asawa ko. Si Kierah Fontana single Mother at ayun sa asawa ko naghahanap siya ng personal bodyguard para sa anak niya, dahil kamakaylan lang muntik ng makidnap ang anak niya na kinamatay ng bodyguard nito. Sa palagay mo may kinalaman ba ang mga Aragon dito." Mahabang salaysay nito, napaisip ako.
"Bakit niya naman kailangan pang pakialaman ang bata, e ang kailangan lang naman niya ay ang kompanya.?"
Tanong ko dito.
"Baka dahil binasted siya nito, tapos na buntis lang ng iba tinamaan ang ego ng loko." Sabi ni Thor. Sabay tawa pero napapaisip ako sa dahilan ng loko bakit interesado siya sa bata.
"Gusto kong ipakilala mo ako sa kaibigan ng asawa mo." Sabi ko dito at ngumiti ito.
"Wag mong sabihin na magaaplay kang bodyguard?" Tanong niya sa akin.
"Why not?" Sabi ko mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito.
"Alam mo. Siya yung ipapakilala ko sana sayo na bridesmaid ng asawa ko kasi parehas kayo ng ugali. Kaso na late siya ng dating, galing pa kasi siyang Canada may business trip siya dun tapos nagmamadali ka naman umalis kasi may kakausapin kang ka deal. Kaya hindi kayo nagkita sayang wala pa sanang anak yun nun e." Sabi nito na may kalokohang naiisip.
Napa iling na lang ako dito, noon pa ako napapaisip sa babaeng yun bakit kinukulit niya sa akin. Ano kaya ang itsura niya.
*****
SAKAY ng sasakyan ko kasama ang mga tauhan ko nagbiyahe kami papuntang Mondragon Hotel ng makatangap ako ng tawag.
"Boss,may nakasunod sa sasakyan niyo." Sabi ni Julius sa kabilang linya pinamomonitor ko lagi ang pagalis namin para malaman namin kung may kalaban.
"Hayaan niyo lang sila hangat wala silang ginagawang hakbang."
Alam ko na kikilos na siya dahil dalawa na sa business niya ang napapatumba ko. Pinasok ko ang mga Hotel at mga resort ko dito sa pilipinas para pabagsakin ang mga Hotel niya pati mga resort niya.
"Boss deretso po ba tayo?" Tanong ng tauhan ko.
"Dumeretso ka lang." Si Drake ang sumagot.
"Dala mo ba ang sinasabi ko?"
Tanong ko kay Drake, Tumango ito at may kinuha sa likod ng sasakyan namin isang paper bag inabot niya ito sa akin kinuha ko yun at walang ano anong nagbihis.
Ang suot kong tuxedo pinalitan ko ng kulay itim na leather Jacket at ang slaks na intim pinalitan ko ng maong na pantalon, saka kinuha ang ear piece nilagay sa tenga. Ang suot ko na damit sinuot ni Jake na nasa harapan ng sasakyan,saka kami nagpalit ng pwesto.
Pagdating namin sa Hotel kung saan gaganapin ang binyag ng anak ni Thor, una akong bumaba at pinagbuksan ng pinto si Drake, naiwan si Jake na printeng nakaupo sa likod ng makababa si Drake sumenyas si Jake sa driver na umalis na. Umalis na ang sasakyan kasama ng ilang tauhan sumunod ako kay Drake kasama ang ilang tauhan namin .
Pagpasok namin sa loob nakita ko na marami ng tao. Mga kilalang tao at isa sa mga bisita si Jude Aragon, kinuha din ni Thor na Ninong ng anak niya ito. Napa lingun ito ng dumating kami. Lumapit sa amin si Thor at deretso itong lumapit kay Drake,. Pumunta naman ako sa isang tabi ang iba naming kasama naiwan sa labas.
Nakita ko na pinakilala ni Thor si Drake sa mga bisita. Naririnig ko sila sa device na nakakabit sa tenga ko kaya naririnig ko ang pinaguusapan nila.
"Oh, Mr Portune. Wher is Mr.Mondragon?" Tanong ni Thor ng makita niya si Drake at saka ngumiti dito. Kinamayan niya si Drake. Nakipag kamay din si Drake sa mga kausap ni Thor isa na dun si Jude.
"May apologize, Mr.Mendes my Boss didn't come, because of some business matter he need to attend, thats why I'm here being half of Mr. Mondragon. He gave me this for your son.
Sabi ni Drake.
"Tell him its all right, I understand and Thanks for the gift." Sabi ni Thor.
"Its hard to meet her time his always busy huh." Sarkastikong Sabi ni Jude.
"A wealthy man and a business tycoon like Mr.Mondragon, they are always busy with their business. Thats why its hard to take their time, because for them time is important, it is right Mr.Aragon?"
Tanong ni Thor nagtanguan ang mga kausap nila na kapwa mga business man.
"Yeah!" Sagot ni Jude.
Na wala ang attention ko sa kanila ng dumating ang asawa ni Thor na may kasama na tatlong babae, may mga hawak itong bata.
Na focus ang mata ko sa katabi nitong may hawak na bata. Na napaka gwapo. Mistiso ito,kaso mukhang suplado ni walang kangiti ngiti kahit kinakusap na siya ng isang bata na kasama nung isang kaibigan ng asawa ni Thor, naka simangot lang ito hindi ko alam kung bakit na tawa ako. Parang pamilyar sa akin ang itsura niya.
Nakita ko na umupo sila sa isang lamesa. Lumapit ang asawa ni Thor kay Thor at may sinabi ito maya maya dumating na ang pari.
Nagumpisa na ang binyag, hindi matangal ang mata ko sa babaeng yun. Saka sa anak niya na hindi man lang umaalis sa upuan niya, busy lang ito sa kakalikot sa Cellphone niya, walang pakialam sa batang babae at lalake na nangungulit sa kanya.
Nasa kalagitnaan na ng event ng nakita ko na lalapitan ako ni Thor. Kasama ang asawa niya at yung babae, ,hindi ko alam kung bakit hindi ako mapalagay habang palapit sila.
"Eto nga pala si Erus Cardova one of the best bodyguard ni Mr. Portune. Hiniling ko sa kanya ang serbisyo nito at pumayag naman si Mr. Portune. Kung gusto mo Arah siya ang ibibigay ko bilang personal bodyguard niyo ng anak mo kasama ng ilang tao ko."
Sabi ni Thor dito.
"Mapagkakatiwalaan ko ba yan Thor?"
Prangkang tanong nito, natawa si Thor. Gusto kong batukan ito sa pagtawa niya.
"Of course, bakit hindi mo subukan."
Sabi ni Thor dito. Kanina ko pa naiisip parang pamilyar ang amoy na yun hindi ko alam kung kanino nanggagaling.
"Okay!" Maikling sagot nito.
"Kung ganun, Erus ito nga pala si Kierah Fontana ang magiging bago mong amo. Magmula ngayun sila na ang babantayan mo bibigyan kita ng limang makakasamang tauhan."
Sabi ni Thor,nilahad ko ang kamay ko kay Kierah, nagulat ako ng taasan niya ako ng kilay.
"No need, paki bantayan na lang ang anak ko 24/7." Seryosong Sabi niya at nagpaalam kayla Thor, saka umalis kasama ang asawa ni Thor. Tinawanan ako ni Thor na agad ding pinigilan dahil sinamaan ko siya ng tingin.
"Good luck Bro!" Sabi nito, sabay tapik sa balikat ko at sabay nguso kay Kierah na medyo malayo na.
Huminga ako ng malalim bago ako sumunod kay Kierah.
naamoy ko ang pabango niya ng makalapit ako sa kanya. Sa kanya nga hindi ako nagkakamali ito ang amoy ng matagal ko ng hinahanap. Ang pabango ng babae na matagal ko ng pinahahanap.
"Kier anak ito nga pala si Erus ang bago mong bodyguard." Pakilala nito sa akin sa anak niya pero tiningnan lang ako ng bata ng masama.
"How manny times I told you mom, I dont need a bodyguard. I can take care of my self." Naka simangot na sabi nito. Gusto kong matawa ilang taon na ba to.
"Honey, ilang beses naba natin tong pinagusapan." Malambing na sabi nito sa anak.
"Mom i said dont call me honey, because we are not couple just call me Kier."
Sabi nito na namula pa ang pisngi.
Na tawa si Kierah. Hindi ko alam kung bakit naaliw ako pagmasdan silang magina.
"Okay ! Okay but please stay with your bodyguard."
Sabi ni kierah. Na tigil sila ng lumapit si Jude.
"Hi sweetheart, long time no see."
Sabi nito kaya Kierah, sumimangot naman si Kierah, pero bago pa makapag react ito nagsalita ang bata.
"Don call my mom sweetheart because you and my mom are not couple or not in relationships and stop flirting my Mom its not suit for you." Seryosong sabi nito kay Jude, gusto kong matawa kasi natigilan ito hindi alam kong ano ang erereact sa sinabi ng bata.
"Oh may apologize" Sabi ni kierah, ngumiti naman si Jude.
"Its okay I like your son. Hello buddy."
Sabi nito saka binati si Kier.sabay pisil sa pisngi nito.
"Hmmp.!" Busangot na sabi ng bata saka kinuha ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang pisngi niya na hinawakan ni Jude. May sasabihin pa sana si Jude ng tawagin na sila for picture taking.
Ng matapos sila bumalik na ulit ang bata sa lamesa at kinalikot uli ang Cellphone niya. Nanatili ako sa tabi nito,maya maya nilapitan uli ito ni Jude.
"Hey!buddy I'm not finished with you."
Sabi nito. Humarap sa kanya ang bata.
"Stop calling me buddy because I'm not your buddy." Seryosong sabi nito kay Jude. Ni hindi man lang natakot dito,mukhang magugusguhan ko tong bata na to.
"You dont want me to call you, buddy, huh. So what do you want me to call you then?" Jude asked for the kid
"My name is Kier." The kid answered him.
"Okay. Kier, listen carefully, I like your mom and sooner or later I will be your dad, so you should know how to be nice with me." He said with a mischievous smile on his face.
"No! That's not true. I dont like you and besides my mom dont like you either."
The kid said and glared at the man, not minding who his talking to. I looked at them amused, not until the bastard forcefully held Kier. So I meddled.
"Hey, get your hand off of him." I said to him.
"And who the f**k are you?"
Inis niyang tanong sa akin.
"Let me go jerk!" Nagpupumiglas na sabi ng bata sa kaniya.
"No, I will teach you how to be nice with me, you spoiled brat." He said to the kid.
"Youre hurting the kid." I said and remove his hand from Kier.
"The hell are you? Stop meddling with my business. Don't you know me? Do you wanna lose your job?"
Iritang sabi nito nang hinarap ako.
"He's my bodyguard you idiot."
The kid answered him.
Nagsilapitan na ang mga tauhan niya, kaya naglingunan na ang mga tao na nasa tabi namin. Nakita kong nagmamadaling lumapit sa amin sila Kierah kasama si Thor at ang asawa nito.
"What happened here?" Tanong ni Kierah saka lumapit sa anak.
"This is the last time you meddling with my business. You should know your place." Sabi nito habang inaayos ang damit at walang ano anong umalis. Tinapik naman ako sa balikat ni Thor saka inaya na ang asawa niya.
"Ano ba yan, kabago-bago mo napapa gulo ka na agad." Inis na sabi ni kierah saka ako iniwan dala ang anak. I raised my brow after hearing what she said. Does she want to know what happened first? Or if i did my job well? Tssk, naiiling nalang akong sumunod sa kanila.
***KierahPOV#****
Habang nasa biyahe, pinagmamasdan ko ang anak kong natutulog sa hita ko.
Kanino kaya ito nagmana ng ugali ni hindi mo man lang makikitang ngumiti laging seryoso akala mo hindi tatlong taon palang kung makipag usap.
Napagpasyahan kong ibalik sa school ang anak ko dahil sa pangungulit nito sa akin.
"Good morning Mrs Fontana!"
Bati ng bodyguard sa akin ng makitang palabas kami ng bahay ng anak ko.Inirapan ko ito sa inis,tawagin ba naman akong Mrs may asawa ba ako. Haays.
"Siguraduhin mong hindi mawawala sa paningin mo ang anak ko." Inis kong sabi sa kanya saka inalalayan ang anak ko na sumakay sa sasakyan, tumango naman ito at nakita ko na kinausap niya ang apat na lalaki na kasama ko saka kinuha ang bag ng anak ko.
"Hey, buddy, Lets go?" Tumango naman ang anak ko at kumaway sa akin. Napa kunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan silang paalis, himala, hindi man lang nagreklamo ang anak ko nang tawagin siyang buddy ng bodyguard niya at tumango pa ito na kadalasan lagi itong nakasimangot ni hindi nga ito sumasagot kahit kausapin nila.
"Ah, ma'am, hindi pa po ba tayo aalis?" Tanong ng driver.
"Sige po alis na tayo." Sagot ko naman dito.
*****
Kada oras tinatawagan ko ang bodyguard ng anak ko para i check ang kalagayan ng anak ko. Hindi talaga ako mapalagay na malayo ang anak ko sa akin. Katatapos ko lang sa meeting ko nang dumating sila.
"How is your class honey?" Napangiti ako nang sumimangot ito, pero hindi nagreklamo sa itinawag ko sa kaniya.
"Fine" Tipid na sagot nito.
"Hmm, do you want to go home na?" Tanong ko at tumango naman ito.
"Okay, wait for me here, I just fixed my things and we'll go home."
Sabi ko dito saka hinalikan ito sa pisngi at pumunta sa lamesa ko para ligpitin ang mga gamit ko para makauwi na kami.
Sa sumunod na mga araw napanatag naman na ako sa pagpasok sa school ng anak ko. Kumuha ulit ako ng yaya ng anak ko dahil sa kagustuhan ni yaya Bel, para raw hindi na ako masiyadong mag-alala at may mag-aalaga na sa anak ko kahit nasa trabaho ako. May punto naman siya kaya pumayag na ako.
Pero makalipas ang ilang linggo, nakapagtataka naman kasi ang una kong kinuha ay halos isang lingo lang at nag file na kaagad ng resignation letter, ang sumunod naman ay hindi rin nagtagal bigla nalang nagpaalam na uuwi muna pero hindi na bumalik. Kaya nagkaproblema ako sa magiging yaya ng anak ko, hindi ko alam kung ano ang problema ng mga yaya niya.
Tanghali na wala parin akong na gagaw,hindi rin naman gumagana ang utak ko at kung saan-saan lang tumatakbo kaya minabuti ko ng lumabas na sa office ko at tinawagan ko ang bodyguard ng anak ko, sinabi kong dumeretso na sila sa bahay dahil uuwi narin ako. Nagpahatid na lang ako kay Jullius ang isa sa mga bodyguard ko at dumiretso na sa kuwarto.Lumabas ako ng silid pagkatapos kong magbihis at pinuntahan ko ang silid ng anak ko. Pagkadating ko sa silid ng anak ko nandoon na ang anak ko naglalaro. Lumapit ako at naupo sa side ng kama, tumingin naman ito sa akin ng nakakunot ang noo.
"Whats wrong mom?"
I sighed.
"Kier, baby, may gusto lang itanong si mommy, okay?" I said to him
"Okay mom what is it?"
He answered.
"Alam mo ba ang dahilan ng mga yaya mo kung bakit palagi nalang sila umaalis?" Tanong ko, baka kasi may alam ang anak ko.
"Did you do something to them, baby, para umalis sila?" Sinusungitan kaya sila ng anak ko? Wala na akong maisip na dahilan. Hindi naman kasi mahirap alagaan ang anak ko, suplado nga lang talaga.
"No, mom, I didn't do anything wrong to them." Sagot nito.
bakit naman sila umaalis? Hindi kaya totoo naman ang mga rason nila at nagkataon lang na magkasunuran silang kinuha ko? Wala naman kasing problema kay Maria noon, ang una niyang yaya. Kung hindi nga lang may nangyari hindi naman aalis yun.
"Because they are bad."
Napakunot noo naman ako sa sagot ng anak ko.
"Your yaya? Why? Did they do something wrong to you, baby?"
Sunod sunod na tanong ko dito.
"Erus talk to yaya Rowena after he saw yaya Rowena hit me, thats why yays Rowena resigned because she's bad, Erus mad at her." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng anak ko.
"Where did she hit you? And why would she do that?" Aligaga kong tanong habang sinusuri ang katawan ng anak ko. She don't have the rights to hit my son.
"Because I dont wanna eat my food, cause I saw her she put something on it."
He answered. Sa gulat ko, napa takip ako sa bibig ko. Oh my, anong inilagay niya sa pagkain ng anak ko?
"Erus said I shouldnt eat that food or else I'll go to hospital. I don't want to go there, Mommy." Niyakap ko ang anak ko. Pakiramdam ko napakawalang kuwenta kong mommy hindi ko manlang alam na nangyari ito sa kaniya.
"How about Erica?" Tanong ko nang maalala ang isa niya pang yaya.
"Erus was mad at her too, because she always talk to stranger out side my school and she want me to come with them." I scoffed in disbelief after hearing that.
Kinuwento ko yun sa mga kaibigan ko dahil nalilito na rin ako kung anong gagawin ko.
"Gosh, bakit naman ganiyan yung mga yaya na yan? Mabuti na lang pala at nandoon si Erus kung nagkataon napahamak na ang inaanak ko. Sabi ni Rachelle.
"Ang salbahe pala ng mga yayang pinagkukuha mo. So anong plano mo ngayon, besty?" Tanong naman ni Cherry.
"Iniisip ko pa kung kukuha pa ba ako ng yaya ni, Kier. Natatakot na kasi ako paano kung hindi na mapansin ni Erus, baka mapahamak ang anak ko."
Sabi ko sa kanila habang naka pangalumbaba sa lamesa.
"Saan mo naman ba kasi pinagkukuha ang mga yon?" Tanong naman ni Flor.
"Si yaya Bel ang kumuha sa kanila kasi nga wala na akong panahon sa mga yan. Alam niyo naman di ba? katatapos lang ng housing sa Bulakan."
Sagot ko sa kanila.
"Hmm, kung kami na lang ang maghanap ng yaya para kay, Kier? Para hindi na rin mapagod pa si yaya Isabel."
Ani Rachelle.
"Hindi ba yon nakaka abala sa inyo? Alam ko naman busy na kayo sa pagaasikaso sa mga anak niyo tapos dadagdag pa to. Nahihiya kong sabi sa kanila.
"Ano ka ba, bes? Dapat lang talaga nagtutulungan tayo, pamilya tayo remember?" Ani Flor na sinangayunan naman agad ng dalawa.
Sa bagay kaya nga kami naging magkakaibigan kasi parepareho kami ng kalagayan. Si Flor, lumaki sa ampunan. Si Cherry, anak ni yaya Isabel iniwan ng ama. Si Rachelle naman ulila na. Pero nung mamatay ang magulang niya may iniwang pera sa kaniya ngunit makukuha niya lang kapag nasa wastong gulang na siya o legal age. Yon ang ginamit niyang pera para sa negosyo na itinayo namin nung grumaduate kami ng College, na lumago naman at isa na ngayong sikat na produkto sa ibat ibang bansa. Kilala sa pangalan na.
Raia's Beauty Products and Yarachells Perfume Under Zuniga Company. Pinagsama namin ang pangalan namin pero siya lang ang kilala ng mga tao kagaya ng gusto kong mangyari. Ayaw ko kasi sa spotlight baka kasi mas marami lang kumalaban sa akin. Kaya hindi niya sinasabi ang pangalan ko, ang alam lang ng mga tao yung ipinangalan ay kinuha sa dalawang pangalan at si Rachelle ang may-ari. Siya rin naman talaga ang namamahala don dahil may sarili rin negosyo ang pamilya ko.