Chapter 3

4178 Words
Ang lakas ng kabog ng dib dib ko, hindi pa nangyayari to sa akin kahit kailan. Marami na akong nakausap na tao mga matatas pa, pero hindi man lang ako kinabahan ng ganito. Ano ba tong nangyayari sa akin? Bahala na. "I..Ikaw na ba Y..yan?" Nauutal na tanong ko. Shit, bakit ba ako nauutal. Nakiramdam ako sa paligid naramdaman ko na gumalaw siya, ng may maalala ako. "Please, don't take out your mask" sabi ko ulit. Nagpasalamat na hindi na ako nauutal. Naramdaman ko ang unti unti niyang paglapit, mas lalong kumabog ang dib dib ko habang palapit siya,pero ng hawakan niya ang mukha ko parang bulang naglaho ang kaba na nararamdaman ko parang sa simpleng hawak niya kumalma ang puso ko.Ano ba tong nangyayari sa akin? Ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Kusang tumugon ako sa bawat pag galaw niya, na para bang sanay na sanay ako sa ganito. Samantalang ito ang first time na may lumapat na labi sa labi ko. Ng palalimin niya ang halik niya ang kaba na nararamdaman ko napalitan ng pagka sabik sa susunod na gagawin niya. Hangang sa namalayan ko na lang na sumusunod na ako sa lahat ng gusto niyang gawin. Nagising ako na may nakadagan na mabigat sa katawan ko, ng imulat ko ang mata ko nagulat ako ng makitang nakapiring ako. Bumalik sa alaala ko ang nangyari ng buong magdamag. Nag init ang pisngi ko ng maalala kung ilang beses akong inangkin ng lalaking katabi ko ngayun. Nagpaubaya ako para masiguro na mabuntis ako tutal nandito narin lang siguraduhin ko na. Dahan dahan kong inangat ang hita niya na nakadagan sa puson ko. Ng makabangon, tinanggal ko ang piring ng mata ko. Hinanap ko ang pinaghubadan ko, saka ako pumasok ng banyo ng makapag bihis painot inot akong lumabas. Ang sakit ng pagitan ng hita ko at nakita ko ang likod ng lalake na nakadapa tanging ibaba lang ang natatakpan ng kumot. Nakalabas ang likod nito na may tatoo ng isang malaking Ahas na pula. Pinigilan ko ang sarili na wag tingnan ang mukha nito. Saka dahan dahan na lumabas ng silid. Nagderetso ako agad sa likod ng hotel kung saan ko iniwan ang sasakyan kagabi. **** HALOS isang buwan na mahigit ng mangyari yun, ngunit hindi ko parin makalimutan ang nangyari nung gabing yun. Pinilig ko ang ulo ko, tatayo sana ako ng bigla akong mahilo. Nasobrahan na yata ako sa kakabasa ng mga Proposal, nahihilo na tuloy ako. Wala akong masyadong na gawa buong maghapon kasi masama ang pakiramdam ko, kaya umuwi na lang ako ng maaga at nagpahinga sa silid ko. Kinabukasan maaga akong na gising kasi may maaga akong meeting. Ng bumangon ako bigla uli akong nakaramdam ng pagkahilo at napa takbo ako sa banyo ng maduwal ako. Pero wala naman lumalabas sa bibig ko puro laway lang. Nasundan pa yun ng ma amoy ko ang Garlic bread at kape ko. "Ano ba ang nangyayari sayo Iha?" Tanong ni yaya Bel.ng lumabas ako ng banyo. "Wala po to yaya Bel may nakain lang siguro akong hindi maganda kagabi kaya masama ang pakiramdam ko." Sabi ko na lang sa kanya, kasi maging ako hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. "Kung masama ang pakiramdam mo, wag ka ng umalis magpahinga ka na lang." Sabi ni yaya at ngumiti ako dito. "Hindi na yaya aayos din to maya maya ganun naman ito" Sabi ko saka nagpaalam na. Wala akong nagawa maghapon dahil tamad na tamad ako tapos takam na takam ako sa shiopao. Nagpabili na lang ako sa isang empleyado ko. Wala kasi si Cherry siya ang pinasipot ko sa ka meeting ko. Dahil na tatamad akong umalis. Kain ako ng kain ng siopao maghapon hindi ako nagsasawa, Umuwi din ako ng maaga dahil masama talaga ang pakiramdam ko may maamoy lang ako na hindi nagustohan ng ilong ko susuka ako. Kaya naisip ko na baka kailangan ko na siguro ng pahinga. "Ano ba Marta? Sinabi ko ng tangalin mo yan sa harap ko ang sama ng amoy!!" Inis kong sigaw sa katulong namin. "Ano ba yan? Ang Aga aga sumisigaw ka." Sabi ni yaya na pumapasok sa dining erea. "Panu kasi tong si Marta, sinabi ng alisin ang mga to sa harap ko. Ang baho kasi ng amoy" Sabi ko na nakatakip pa sa ilong ko kinuha naman ni yaya ang garlic bread inamoy. "Hindi naman mabaho,amoy garlic naman pati tong kape mo diba yan ang paborito mo?" Sabi niya. Tumango ako at napa kunot ang noo. "Pero ang baho niya talaga ngayun, yaya Bel." Sabi ko sabay takbo sa cr para sumuka. Ng okay na ang pakiramdam ko lumabas na ako. "Kung may boyfriend ka iha mapagkakamalan kitang buntis at naglilihi." Sabi ni yaya Bel ng umupo na ako uli sa lamesa, napa tanga ako kay yaya Bel. "Magpaluto ka na lang ng bagong pagkain na gusto mo pagkatapos mag pahinga kana mukhang masama nga ang pakiramdam mo." Sabi ni yaya Bel, saka kinausap ang mga katulong na lutuan ako ng gusto ko. Napapaisip ako sa sinabi ni yaya Bel. "Ano ba ang nararamdaman mo besty?" Tanong ni Cherry, tinawagan ko sila agad at hindi na ako kumain. Dito nga sa fast food nato ako nakipag kita dahil nandito ang gusto kong kainin ang siopao at halo halo.Inabutan nga nila ako na kumakain na ng siopao at halo halo. "Madalas akong mahilo, saka avery morning na susuka ako o kaya pag may naamoy akong hindi maganda" Sabi ko sa kanila. "At ang takaw takaw mo diyan sa siopao. Sabi nila sa office yan lang daw ang kinakain mo maghapon." Sigunda ni Cherry, nagkatinginan silang tatlo. "Ganito na lang, huwag tayong mag expect baka ma false alarm tayo.pa check up kana sa OB." Sabi ni Rachelle na sinang-ayunan ko. Pagkatapos nga namin kumain dumeretso na kami sa OB. Masyado akong kinakabahan, habang hinihintay ang resulta ng check up sa akin ng doctor. "Mrs Fontana!" Tawag ng Doctor sa akin. Tumayo ako. "Congratulations, you are two weeks pregnant." Sabi ng doctor parang huminto ang mundo ko, hindi ko alam ang nararamdaman ko tumulo na lang ang luha ko. Tuwang tuwa akong inaalo ng mga kaibigan ko. "Ngayun ka pa ba iiyak Besty? Magiging Mother kana!!" Tili nila. Napa ngiti ako. Maraming pinaliwanag at habilin ang Doctor sa amin mga dapat kainin at inumin ko mga hindi dapat gawin ko. Walang pumasok sa utak ko, isa lang ang alam ko. Masayang masaya ako dahil sa wakas magiging Mother na ako hindi na ako magiisa. Nagderetso kami sa isang restaurant, para ecelebrate ang pregnancy ko. Ang saya saya namin. "Masaya kami para sayo Best. Hayaan mo kahit walang Papa yan. Tayo ang magpupuno nun sa kanya buti naman Success ang operation natin." Ang saya saya na sabi ni Rachelle. Nagulat si yaya Bel ng malaman ang kalagayan ko. Nung una pinagalitan kaming magkakaibigan sa ginawa namin pero pagdating ng huli, Tuwang tuwa din siya na magkakababy na ako. Todo alaga pa siya sa akin pati ang mga gusto kong kainin pinapaluto niya agad, pinatangal ang mga bagay na hindi gusto ng ilong ko. Nagpagawa ako agad Nursery room sa bahay. Pinuno ko yun ng mga gamit ng bata ,katabi lang ng silid ko at may pintuan na naka connect sa silid ko. **** MABILIS lumipas ang araw at buwan. Malapit ng magpasko kasalukuyan ako nagpapadecoration sa bahay. "Kuya pakilagay to dun saka ito ipalibot mo sa paligid at yung mga puno paikutan mo ng mga Christmas lights." Sabi ko sa lalake habang nakahawak sa malaking tiyan ko. "Yes Ma'am!" Sagot naman nito sa akin. "Besty nagpapaka busy ka na naman. Sabi ng doctor mo hindi kana pwedeng magkikilos diba." Sabi ni Rachelle. Sabay himas sa tiyan ko. "Diba baby ang kulit kulit ni Mommy no pinapagod ka lagi." Kausap nito sa anak ko. Gumalaw naman ito na parang naiintindihan nito ang sinabi niya. "Hindi na nga ako nagkikilos kasi mabigat na siya." Sabi ko sa kanya. "Kumusta ang launch ng mga beauty products?" Tanong ko sa kanya, hindi na ako nakasama kasi binawalan na ako ng doctor ko na maggagalaw at magaalis alis dahil ka bwanan ko na. "Ayos lang maraming mga bagong costumer ang nag sign ng contract sa atin." Sabi niya. Natuwa ako dahil kahit sa office maayos ang takbo, Na kakayang hawakan ng dalawa kahit wala ako. ***SOME ONE POV#** Kanina ko pa siya pinagmamasdan, Na aawa ako sa kanya kung kailan buntis siya ngayun. Ngayun pa may bumabang utos para itumba siya. na palapit na sana ang loob ko sa kanya sa tagal naming magkasama. Akala ko hindi darating ang araw na to na ako ang maatasan na patayin siya. Kahit ayaw ko wala akong magagawa, dahil kahit hindi ko gawin may gagawa parin na iba. "Bakit kasi matigas ang ulo mo. Sinabi ko ng gustuhin mo narin si Master pero matigas ang ulo mo. Nagpabuntis kapa sa iba. Tssk." Bulong ko, habang pinagmamasdan ko siya. Magmula ng ibaba ang utos. Pinagplanuhan ko na siya. Maswerte lang talaga siya, lagi siyang nakakaligtas sa ginagawa kong patibong. Pumayag din ako na ako ang tatapos sa kanya para ma fulfill ko ang paghihiganti ko. Ngayun nga kasalukuyan kong binalatan ang isang wire para pag natapakan niya bulls eye. Kaso dumating pa ang epal niyang kaibigan kainis. "Hello?" Sagot ko ng tumunog ang Cellphone ko. "Ano na ang trabaho mo na gawa mo na ba?" Tanong ng kabilang linya.napa hinga ako ng malalim. "Sorry Master, may sa pusa ata ang babaeng ito, lagi po siyang nakakalusot." Mahina kong Sabi. Wala pang naging utos sa akin na sumablay ako,mukhang ngayun lang ata. "Bakit skull kinakalawang kana ba. Dahil matanda kana, bakit kung kailan napaka dali na lang hindi mo pa magawa." Galit na sabi nito sa akin. Napapikit ako. "O baka naman hindi mo talaga balak na patumbahin yan,dahil napalambot kana niyan,ano skull?" Sabi uli nito. "Hindi po Master. Pangako tatapusin kona po siya ngayung lingo." Sabi ko dito. "Siguraduhin mo lang kung hindi alam mo na ang ginagawa sa wala ng pakinabang sa grupo." Sabi nito. Sabay patay ng Cellphone napa hinga na ang ako ng malalim. ***Kiarah POV#** Nagmemeryenda kami sa tabi ng pool ng may sumigaw na katulong. "Ay diyos ko nakukuryente si Kuya! Tulong!!" Sigaw nito napa tayo kami. Nagpunta agad kami dun. Naabutan namin na nagkakagulo sa labas. "Ano pong nangyari yaya Bel?" Tanong ko kaya yaya Bel. "na kuryente yung isang nagkakabit ng Christmas lights, andun na tumawag na ako sa 119." Sabi ni yaya Bel. "Hey! Relax okay. Ako ng bahala dun sa nakuryente,. Ako na ang magaasikaso dun, dito ka lang tawagan mo ako kapag may problema. Okay?" Sabi ni Rachelle, saka nagpaalam sa amin ni yaya Bel. Pumasok ako sa loob ng silid ko. Naghintay ng tawag ni Rachelle. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Pag gising ko nakaramdam ako ng uhaw. Kaya bumangon ako, kaso pag tayo ko may natapakan akong madulas na out balance ako at bumagsak ako sa sahig. Una ang pang upo ko. Nakaramdam ako agad ng sakit ng tiyan ko. Tatayo sana ako, pero nagulat ako ng makita ang dugo sa binte ko. "Yaya!!" Sigaw ko. Pero walang sumasagot pilit kong inaabot ang bell na nasa tabi ng kama ito ang ginagamit kong pang tawag sa mga kasambahay pag masama ang pakiramdam ko. Pero hindi ko maabot sumasakit na ng sobra ang tiyan ko. "Hold on thigh baby,Mommy will ask for help." Sabi ko sa nanginginig na kamay, naabot ko din ang bell malakas ko yung pinatunog. Maya maya nakarinig na ako ng yabag at pag bukas ng pintuan. Kaya napalingun ako sa pintuan. "Tulungan mo ako, Bilis isugod niyo ako sa ospital manganganak na ako.!!" Sabi ko sa katulong na dumating,nagulat ito ng makita ako kaya napa sigaw ito ng tulong sa labas ng silid ko. Tumatakbo ang guard kasabay niya sila yaya Bel at ibang katulong na dumating binuhat niya ako saka isinakay sa sasakyan ko, Nagdrive agad ang bagong driver ko kasi yung dating driver ko. Namatay dahil na accidente ito, Nawalan ng preno ang sasakyan ko na gamit niya nung araw na yun. ***RachellePOV#**** KANINA pa ako pabalik balik ng paglalakad dito sa labas ng delivery room. Ng malaman ko na isinugod si Arah sa ospital nagmadali ako agad na pumunta dito, naabutan daw ng katulong ito na nakasalampak sa sahig puro dugo. Kapag may nangyaring hindi maganda sa kaibigan ko sisihin ko talaga ang sarili ko dahil iniwanan ko pa siya kanina. Dapat tinawagan ko na lang si Cherry para puntahan yung nakuryenteng lalake. "Kalma lang Besty, magiging maayos din ang lagay ni Arah at ng baby niya. Malakas ang kaibigan natin hindi nun hahayaan na may masamang mangyari sa baby natin." Sabi ni Cherry, niyakap nila ako niyakap ko din sila nasa ganun kaming ayos ng lumabas ang Doctor na nagpaanak kay Arah. "Nasan ang pamilya ni Mrs Fontana?" Tanong nito lumapit si Yaya Bel na namumutla.kasabay namin. "Ako po ang Yaya niya." "Kami po ang mga kaibigan niya." Magkapanabay na sabi namin. Napa tingin sa amin ang Doctor saka ngumiti ito. "Congratulation, its a baby boy, Maayos na ang lagay ng ina at ng baby ililipat na sila ng kwarto." Sabi ng doctor,naka hinga kami ng maluwag. **** "Ang cute cute ng baby natin ang lusog lusog ang tangos ng ilong at ang balbon ni baby." Sabi ni Cherry habang pinagmamasdan namin ang baby na natutulog. "Ba naman,hindi ba lulusog yan wala ba naman ginawa ang Mammy kundi kumain kaya pati ang Mommy lumobo din." Sabi ni Flor. Natawa kaming tatlo naalala ko nung pinipigilan naming kumain si Arah dahil pinagbawalan na siya ng doctor niya. Para itong bata na pinagdadamutan. Nakakatuwa siya ng magbuntis kasi para kaming may alagang bata. "Kumusta na ang pakiramdam mo besty?" Tanong ko sa kanya ng puntahan namin siya sa silid niya. "Ayos lang, ang baby ko.?" Tanong niya. Kakagising niya lang. "Ayos lang siya, ang cute cute niya nga" Sagot ni Flor.huminga ito ng malalim. "Akala ko mawawala na ang baby ko besty." Sabi niya na humihikbi. "Ssshh. Ang lakas mo nga e biro mo na alagaan mo siya ng ilang minuto para hindi siya mawala sa atin." Sabi ko saka tinapik ang balikat niya. "Ano ba kasi ang nangyari sayo? Buti na lang kabuwanan mo na talaga." Sabi ni Cherry. Palaisipan din nga sa akin yun. "May na tapakan ako na madulas,hindi ako sigurado basta na dulas ako at bumagsak ako sa sahig." Sabi nito. Napaisip ako sa sinabi niya. Dumating ang baby niya. Pinadede niya ito habang lumuluha napapaiyak nadin kami tuloy. "Grabee, Ang ganda ng mata niya blue eyes besty san mo pinaglihi yan walang na kuha sayo." Sabi ni Cherry. "Uy, hindi no. Ang kutis niya sa akin nagmana at yung pisngi niya pati labi." Sabi ni Arah. "Pano mo naman na laman ni hindi mo nga nakita ang ama niyan. Teka!" Sabi uli ni Cherry,sabay takip sa bibig niya. "Uy! Hindi ah. Hindi ko nga nakita ang mukha niya, pero likod niya na kita ko may malaking Ahas na pula siyang tatoo sa likod niya yun lang ang nakita ko promise." Sabi pa ni Arah, napaisip ako may tatoo sa likod ang lalake na nakasama ni Arah sa hotel hindi kaya Bad boy yun. Pinilig ko ang ulo ko. Ano ba ang pinagiisip ko, pina background check namin ang mga napili namin at wala kaming nakita na bad sa kanila.. ***Kiera POV#** "KIER!!" Sigaw ng Yaya ng anak ko. Tiningnan ko sila nakita ko na hindi na naman pinapansin ng anak ko ang Yaya niya, kahit kailan talaga napaka suplado nitong anak kong ito. "Yaya I said stop calling me,your so annoying." Inis na sabi nito. Napailing na lang ako. Isa pa yan three years old palang siya pero akala mo matanda na magsalita. "Kier common baby!" Tawag ko dito. "Stop calling me baby Mom, because I'm a big Boy now." Naka simangot na sabi niya ng lumapit sa akin. "Hmm, for me your always my baby never change that." Sabi ko sa kanya. Saka pinupog siya ng halik "Stop Mom, your employees waching us!" Reklamo niya, natawa ako. "Hayaan mo sila. Ingit lang sila kasi ang gwapo gwapo ng baby ko. "I said stop calling me baby, I'm not a baby anymore Im a big boy now." Sabi uli nito. "Okay! Prove it to me that you are a big boy now and your not my baby anymore." Sabi ko, saka pinag ekis ang mga braso sa dib dib ko. "I know how to write my name. I know how to calculate even addition, division, subtraction and multiplication.and I have a crash." Seryosong sabi niya natatawa ako. "Who's your crash?" Tanong ko sa kanya. "Camila.!" Sagot niya saka namula,hindi ko na napigilan pa na tumawa. Sumimangot ito pinisil ko ang pisngi nito.kilala ko ang Camila na sinasabi niya ang pangatlong anak ni Cherry. "Okay! Okay, your not my baby anymore so how can I call you?" Tanong ko sa kanya, kinalong ko na siya. "Just call me Kier." Sagot niya, natawa na lang ako. Masyadong nagmamadaling lumaki ang anak ko. Parang kaylan lang karga ko pa siya. Paguwi namin sinalubong kami ng bodyguard namin, magmula ng lumabas ako ng ospital hindi pumayag si Rachelle na hindi ako kukuha ng bodyguard para sa amin ng anak ko. Pumayag na ako para wala ng gulo. "Roy pag pumasok na sa school si Kier ikaw ang magiging personal na bodyguard niya, wag mong lulubayan ang anak ko ha." Sabi ko sa kanya. "Pero paano po kayo ma'am?" Tanong nito sa akin. "Ayos lang ako. Ang importante ang anak ko." Sabi ko dito. Totoo yun ang anak ko ang buhay ko, magmula ng dumating siya napunan ang kulang sa buhay ko. Kaya ngayung magaaral na to, hindi ako mapalagay pero kailangan ko na siyang i enroll ng kindergarten. Kasi kinukulit na ako nito na magaaral na daw siya. kagaya nila Tim, anak yun ni Flor. Hindi ko mahindian ang anak ko. ****** "HOW'S your first day of school kier?" Tanong ko dito pauwi na kami. Pinababantayan ko siya maghapon, tapos pag uwian na nila dadaanan nila ako sa office sabay na kaming uuwi. "I Have a star, my teacher gave me a star because i can solve the problem on the black board. Its easy Mom." Seryosong sabi nito. ''Really! So what do you want to give you for your star." Sabi ko sa kanya. "Latter na lang Mommy, I can think pa e." Sabi niya sa akin napangiti na lang ako. Kinabukasan maaga pa ng ihatid nila Roy sa school si kier dahil nagmamadali ang anak ko. Pero hapon na wala pa sila. Kanina pa ako hindi mapalagay kasi late na wala pa ang anak ko pati ang yaya niya at bodyguard niya. "Kalma ka lang besty, baka naman na traffic lang." Sabi ni Cherry. "Dapat tumawag na sa akin ang bodyguard niya O kaya ang yaya niya. Pero walang tumatawag sa akin. Tinatawagan ko din walang sumasagot sa kanila." Sabi ko na kinakabahan ngayun lang nangyari yun. Ng mag ring ang Cellphone ko. "Hello? Maria bat ngayun ka lang tumawag?" Inis na tanong ko sa yaya ng anak ko. "Ma'am, n..Nandito po.K..Kami sa palengke ma'am." Sabi nito napa kunot ako ng noo. "What? Palengke! Mamalengke ka lang sinama mo pa ang anak ko?" Galit na sabi ko sa kanya ng matigilan ako. "Okay, Antayin mo kami diyan st wag mong lulubayan ng tingin ang anak ko, yaya buksan mo ang GPS ng Cellphone ng anak ko." Sabi ko, at nagmamadali kung kinuha ang bag ko. "San tayo pupunta? nasan ang anak mo? Sunod sunod na tanong ni Cherry. Iyak na lang ako ng Iyak. "Mag drive ka na lang, wag ka ng tanong ng tanong. Sundan mo na lang ang GPS ni Kier " Sita ni Flor dito. Ng makarating kami dun nakia ko agad ang yaya ng anak ko. "Maria, nasan ang anak ko?" Tanong ko agad dito.Tinuro niya si kier na busy sa paglalaro ng computer. "Mommy!" Sigaw nito ng makita ako, niyakap ko agad ang anak ko. "Pabalik na po kami ng may biglang sumalubong sa amin na Van. Ginitgit po nila kami buti na lang po mabilis si Roy magmaneho, nailigaw niya ang mga to pagdating sa palengke. Binaba niya kami sabi niya nga po tawagan ko daw po kayo at siya na daw ang bahala sa humahabol sa amin." Kwento ni Maria na ngangatog sa takot. Nasa bahay kami ni Rachelle, ng malaman niya ang nangyari sa bahay na muna niya kami pinatuloy. Kasi baka daw nagaabang ang mga tao na yun sa labas ng bahay ko. Nag resigned na ang yaya ng anak ko dahil sa takot wala akong na gawa kundi bayaran ito. "Ano ang balak mo Best?" Tanong ni Rachelle. "Baka sa office ko na lang patuturuan si kier,insted na sa bahay O school hindi ako mapapalagay kapag may nangyari sa kanya ." Sabi ko. Huminga ito ng malalim habang pinadede ang anak, kakapanganak lang nito kaya naguuwian ang asawa pero kasalukuyan na may pinuntahan ito ngayun. Kaya mga tauhan lang ang kasama namin sa bahay niya. "Ikaw, Tuloy na ba ang binyag mo sa lingo?" Tanong ko dito,tumango siya. "Hayaan mo pag dumating si Thor. Ilalapit natin ang problema mo, baka may maalok siya sayo na magaling na bodyguard." Sabi nito. "Wag na muna ngayun hangat hindi ko pa alam kung anong nangyari kay Roy." Sabi ko sa kanya.tumango siya. Kinabukasan naka tangap ako ng tawag galing sa pamilya ni Roy, kabilin bilinan daw nito na tawagan ako. Bago siya mamatay. humingi siya ng tawad sa akin dahil hindi na niya raw kami maproprotektahan. "Salamat sa pagligtas sa anak ko. Pinapangako ko rin na hindi ko papabayaan ang pamilya mo." Umiiyak na bulong ko dito ng lapitan ko at tangalin ko ang nakatakip na puting kumot sa kanya. Ng lapitan ako ng asawa niya. "Miss Fontana,bago mamatay si Roy kabilinbilinan niya na iabot ko po daw ito sayo." Sabi niya. Sabay abot sa akin ng maliit na plastik, Naka kunot ang noo ko na tiningnan ito isa itong memory card pinasok ko ito sa bag ko. "Salamat." Sabi ko na lang sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin. Inayos ko ang libing ni Roy at binigyan ko ng malaking halaga ang asawa niya para magamit upang buhayin ang naiwan na mga anak niya. "Kung may kailangan ka wag kang mahiyang magsabi sa akin. Ito ang calling card ko tawagan mo ako diyan incase na may problema." Sabi ko sa asawa ni Roy saka inaya na ang anak ko palabas ng sementeryo. Nagpasalamat ito sa akin. "Wag kang magpasalamat sa akin, ako ang dapat na magpasalamat sa asawa mo. Kulang pa yan bilang kapalit sa pagligtas niya sa buhay ng anak ko." Sabi ko sa kanya,hinawakan ko ito sa kamay. Nahihiya itong yumuko,ngumiti ako sa kanya. Nagpaalam na ako saka tumalikod na. ***ERUS POV#*** Ilang buwan na akong naglalagi dito sa pilipinas, alam ko na kung paano papaikutin ang kalaban. Nalaman ko din kung ano ang susunod na pinupuntirya niya na negosyo. Ayos na sana ang lahat kung hindi lang ginugulo ako ng isang tao hindi ko siya makalimutan. Naalala ko kung gaano ako na dismaya ng pag gising ko wala na siya sa tabi ko, ang nakakainis pa iniwanan niya ako ng malaking halaga sa kama. Anong akala niya sa akin bayaran, muntik ko ng paputukan si Bogart sa galit ko. Pero pinakita niya sa akin na nagkamali ako ng pinasukan na kwarto. Magkatapat ang silid namin kaya mas lalong naging palaisipan sa akin kung sino ang babaeng yun. Pinaimbistigahan ko na pero walang record nung araw na yun na may nag check in sa room na yun. Pinahanap ko na din ang pabango na yun kaso wala akong makita kahit sa mga mamahaling pabango wala pati sa ibat ibang panig ng mundo.kaya pag naiisip ko yun hindi ko maiwasan na hindi uminit ang ulo ko. "Report!" Sabi ko sa isang tauhan ko. "May transaction sila mamayang gabi sa Pier sa may daungan." Sabi nito napangiti ako. "Anong oras?" Tanong ko uli. "11 pm ng gabi." Sagot nito. "Sige makakaalis kana, sundan mo lang ang mga galaw nila." Pagkasabi ko nun napaalam na ito. "Don Aragon. Umpisa na ng laro natin, alam ko na hindi mo pa na tutunugan na nasa tabi mona ako." Bulong ko. Dahil pinapasok ko na sa lugar niya si Thor isa na ito sa kasosyo niya sa black market. Si Drake naman ang nagpapakilala na humahawak ng negosyo ko, nalaman ko na pinupuntirya niya ang malalaking kompanya yung kilala sa buong mundo kaya naman pinasok kona dito sa pilipinas ang isa ko pang Negosyo nagpagawa ako ng mga Hotel and Restaurant na may Casino mga Resort na may Casino. Kilala na ang mga Hotels and Restaurant ko sa ibang bansa pati narin ang mga resort ko dahil sa casino na kasama nito. mabilis na makikilala ang pangalang Mondragon sa pilipinas,dahil kilala ito sa ibat ibang bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD