"Bat ba ang init ng ulo niyan?"
Tanong ni Flor. Nung nasa counter na kami para kumuha ng pagkain.
Sumenyan naman si Cherry na wag maingay kaya nanahimik nalang ito.
"Nasan si Rachelle? Bat wala pa siya?"
Tanong ko. Nakita ko na nagtulakan pa ang dalawa.
"Ahhm...W..Wala siya tinawagan ng boyfriend niya. Dumating na kasi kaninang umaga ang boyfriend niya kaya nagmamadali siyang umalis."
Nauutal na sabi ni Cherry.
Hindi na lang ako umimik. Alam ko na naman na matagal ng nasasabik yun sa boyfriend niya. Kahit kailan talaga hindi ko sila naiintindihan pagdating sa mga asawat boyfriend nila. Naupo na kamit at nagsimula ng kumain. Wala ng nagsiimik sa amin hangang sa matapos kaming kumain.
****
"ANO ba ang meron at minamadali niyo akong pumunta dito? Hindi tuloy maayos ayos ang pakikipag usap ko sa ka meeting ko dahil sa kakatawag niyo."
Reklamo ko ng makarating ako sa Resto Bar na tinext nila sa akin, malapit lang naman to sa pinuntahan kong dinner meeting.
"Kasi itong si Rachelle sige ang sabi na wag ka daw tigilan sa katetext, para daw hindi mo makalimutan ang usapan natin"
Sabi ni Cherry. Umirap na lang ako sa kakulitan nila.
"Oh, ano nga ang meron ngayun at naisipan niyong mag Bar aber?"
Tanong ko sa kanila. Saka kumuha ng chips. Tinawag ni Rachelle ang waiter.
Omorder ng alak napa ngiwi ako.
"Balak niyo bang magpaka lasing? At kayong dalawa, pinayagan ba kayo ng mga asawa niyo? Baka bukas pupunta kayo sa bahay ko at ngumangawa dahil nagaway kayo ng asawa niyo. Naku lang." Sermon ko sa kanila. May sasabihin pa sana ako ng bigla akong subuan ng chips ni Rachelle.
"Manahimik ka nga. Pasalamat ka Happy ako ngayun, kundi hinanapan na kita ng Papa dito." Sabi niya. Natawa naman ang dalawa. Magsasalita uli sana ako kaso sinubuan na naman ako ng chips ni Rachelle.
"Wag kang maingay. Nakikita mo ba to ha?" Sabi niya. Sabay pakita ng sing sing sa daliri niya na may malaking bato.
Ano naman kaya yun? Parang tanga lang. Akala mo ngayun lang nakakita ng sing sing na may diamond na bato. Gusto niya bilihan ko pa siya niyan E.
"Nag propose na sa kanya ang boyfriend niya. Nung yayain siyang mag lunch nung nakaraang araw." Sabi ni Cherry na kinikilig pa. Ano naman kaya ang nakakakilig dun.
"E ano naman kaya kung nag propose ang boyfriend niya?" Tanong ko na nakataas pa ang kilay. Napa tanga sila sabay nagtawanan. Inis na tiningnan ko sila.
"Alam mo Best, uminom ka na lang para matuwa ako sayo ha. Pasalamat ka naiintindihan kita kung bakit ka walang love life e" Sabi niya at sinalinan ako ng alak sa baso.
Ininom ko ito at napa ngiwi ako. Ang pangit ng lasa talaga ng alak kaya hindi ko alam kung bakit gustong gusto ito ng mga tao kapag masaya sila O kaya may problema sila. Hindi naman makakatulong sayo ito sa tingin ko pa nga sasama pa ang pakiramdam mo dito,saka hindi naman nakakatuwa na inomin to. Haays.
"Kaylan naman ang kasal niyo Best?".
Tanong ni Flor na umiinom ng juice. Kasi bawal siya ng alak dahil buntis siya.
."Next month." Sagot naman ni Rachelle na halatang masaya.
"Kaya pala nag aya ka bigla." Sabi ni Flor.
"Yes! Dahil gusyo ko dito ecelebrate ang Engagement party ko. Kaya best, order lang kayo sagot ko. Magpaka lasing tayo best, walang hihindi at walang KJ okay"
Sabi nito sabay hampas sa akin.
"Hey! Baka nakalimutan mo na buntis yang isa na yan no."
Sabi ko sa kanya.
"No..no no.Tinawagan ko na ang mga partner nila at darating na sila".
Sabi nito. Na ikinalaki ng ng mata namin.
"Oh! ayan na pala sila."
Sabi niya. Sabay turo sa likod namin. Ng lumingon kami nakita namin na magkasabay na dumarating si Tom at si Pol. Huminga na lang ako ng malalim.
Lasing na lasing ako ng umuw. Kasi hindi ako tinigilan ni Rachelle hangat hindi ako na lalasing. Sinundo na nga lang din ng boyfriend niya ito dahil lasing na lasing na ito. Hindi ko na nakilala ang boyfriend niya kasi nauna na akong umalis dahil umiikot na ang paligid ko.
Ang kulit kasi ni Rachelle, sabi ng hangang tatlo lang ako. Dinagdagan ng dinagdagan ang iniinom ko. Hangang ang tatlo naging lima ang lima naging sampo kaya heto umiikot na ang mundo ko.
"Oh. Iha buti gising kana wala ka bang pasok ngayun?" Tanong ni yaya Bel ng pumasok sa kwarto ko may dalang tray.
"Wala po akong pasok ngayun".
Sagot ko sa kanya sabay bangon, sumakit ang ulo ko. Buti na lang wala akong gagawin ngayun.
"O, inumin mo muna to para mawala ang hang over mo. Pagkatapos kainin mo to at uminom ka ng aspirin para mawala ang sakit ng ulo mo."
Sabi nito. Saka binigay sa akin ang isang baso ng honey juice.
";Anong oras na po ba?" Tanong ko kay yaya Bel.
"Alas 10 na ng umaga" Sabi niya nagulat ako. Hindi pa ako bumangon ng ganitong oras.
"O, wag mong sabihin na tatayo ka na. E masama pa nga ang pakiramdam mo. Mabuti pa kumain kana at ipahinga mo muna ang katawan mo. Tutal wala ka namang pasok ngayun."
Sabi niya sa akin ng pigilan niya ako na bumangon.
"Per_"." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Wag matigas ang ulo Arah. Kumain kana at magpahinga, aalis na ako. Ipapakuha ko na lang yan kay Berta."
Sabi niya. Saka ako iniwan.
Umiling na lang ako. Saka napahawak ang ulo ko, para talagang itong binibiyak kaya nga ayaw ko ng alak e. Hindi na nga masarap hindi pa maganda ang epekto sa katawan. Haays.
****
"BESTY, wag ka na kasing umalis"
pangungulit ni Rachelle sa akin. Magmula kaninang umaga nandito na siya nangungulit sa akin. Samantalang kahapon ko pa sinabi sa kanila ang pag-alis ko.
Lagi kasing narito si Rachelle sa office ko. Lalo na pag wala siyang ginagawa sa office niya. Palibhasa magkatabi lang ang company building namin. Mag business partner kami maliban sa mag kaibigan kami. Siya ang pinahawak ko sa negosyo naming perfume and beauty products, kasi busy na ako sa paghahandle ng negosyo ng pamilya ko na iniwan sa akin ng mama ko. Kaya naman lagi itong narito sa office ko pag na iistress.
Nalaman ko kasi kahapon sa board meeting na nagkakaproblema ang Production sa Canada at pag hindi ko ito inasikaso agad malaki ang magiging damage sa negosyo ko dun. Kaya kailangan kong personal na pumunta dun at asikasuhin ang problema.
Bukas na ng umaga ang flight ko. Kaya inaasikaso ko ang mga iiwan ko sa kanya at kay Cherry sa kanila ko muna iiwan ang kompanya.
'Ano kaba Best, pinagusapan na natin ito kahapon diba?' Sabi ko sa kanya. Saka pinirmahan na ang isang papel.
"Pano kung hindi ka makabalik agad? Alam mo naman na sa lingo na ang kasal ko tapos sa susunod na araw na ang Bridal shower ko, ayokong hindi tayo kompleto dun" Sabi niya na parang bata na akala mo hindi binibigay ang gusto. Mangiyak ngiyak pa ito.
Huminga ako ng malalim, saka ako humarap sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Sige ganito na lang. Kapag hindi ako nakarating sa kasal mo, parusahan mo ako. Kahit ano tatangapin ko. O satisfied kana?" Sabi ko sa kanya, saka ngumiti sa kanya. Napaisip naman siya.
"Hindi lang kita parurusahan pag hindi ka dumating sa kasal ko, kundi kakalimutan talaga kita bilang kaibigan ko." Sabi niya, kaya na tawa na lang ako at niyakap siya.
****
PASAKAY na ako sa airplane ang dami dami parin nilang paalala at iyak pa sila ng iyak.
"Ano ba kayo Besty, para naman hindi na tayo magkikita kung makaiyak kayo."
Sita ko sa kanila. Kasi kung makaatungal sila akala mo hinahatid na nila ako sa huling hantungan ko.
"Ano kaba Best? Ngayun lang kasi tayo magkakahiwa hiwalay ng matagal. Dati kasi kasama mo kami kahit san ka magpunta." Sabi ni Rachelle.
Na totoo naman basta may business trip ako sinasama ko sila kasi may private plane naman ako, Noon yun wala pa silang asawat boyfriend.
"Hindi ko kasalanan. Aasawa asawa kasi kayo, tapos ikaw susunod ka pa. Kaya wag kang maka angal angal diyan na hindi tayo magkakasama.'
Sermon ko sa kanila.
'O sige na Best, baka malate ka na sa flight mo. Wag ka ng manermon. Basta bumalik ka sa kasal ko. Kundi kakalimutan talaga kita forever."
Sabi ni Rachelle na puro luha natawa na lang ako, saka yumakap sa kanila bago pumasok na sa airport.
******
Kagabi pa ako nagiisip ng sasabihin kay Rachelle. Kasi mamayang gabi na ang Bridal shower niya at hindi ako makakapunta kasi hindi na tuloy ang pag uwi ko ngayung umaga dahil mamaya ko palang makakausap ang mga customer ko na gustong agawin ng kalabang company. Bibigyan ko sila ng malaking discount sa mga produkto na inaangkat nila sa akin
"Sorry na besty. Alam mo naman na kailngan kong kausapin ang isa sa mga costumer na inagaw ng kalaban kong kompanya e" Sabi ko, habang nagreready ako sa pupuntahan kong dinner meeting.Tinawagan ko siya para ipaalam na hindi ako makakarating sa bridal shower niya.
Narinig kong huminga ito ng malalim.
"May magagawa pa ba ako? Alam ko na man na hindi na kita mapipigilan, pero siguraduhin mo na makakarating ka sa kasal ko, ah." Sabi niya, kaya naka hinga ako ng maluwag at tumango dito kahit alam ko na hindi niya naman ako nakikita.
"Thank you Besty." Tuwang tuwa na sabi ko.
"Wag kang mag thank you. May utang ka sa akin tandaan mo. Babawiin ko yan pag balik mo dito." Sabi niya tumawa na lang ako saka nagpaalam na.
****
KANINA pa ako hindi mapalagay, sige ang tingin ko sa relos ko. Ngayun ang araw ng kasal ni Rachelle, pero nandito pa ako sa Canada nakikipag meeting. Pinadala narin nila ang susuutin ko sa kasal.
Malalagot talaga ako nito kay Besty, hindi pa matapos tapos ang meeting ko.
Ng matapos ang meeting ko. Dali dali akong nagdererso sa airport at sa airplane na ako nagbihis ng damit ko.
Kaso kahit anong pagmamadali ko hindi talaga ako umabot sa simbahan. Nasa reception na sila ng dumating ako..
"Sorry Besty, nagkaroon ng aberya sa airport. May kaguluhan ata na nangyari kaya na late ako ng dating."
Paliwanag ko ng lumapit ako sa kanya.
"Ang sabihin mo. Hindi mo na naman naiwan ang mga ka meeting mo."
Nagtatampo na sabi nito.
"Wag ka ng magalit. Papangit ka niyan O mamaya ayawan ka agad ng groom mo sige ka." Biro ko sa kanya. Inis na niyakap ako nito. Natatawa na lang ako na niyakap din siya,saka binati siya.
"Ay, halika. Ipapakilala kita sa asawa ko. Hindi na kita na ipakilala sa best friend niya,na best man namin. Kasi late kana, umalis na tuloy. Parehas mo rin kasi workaholic, bagay sana kayo e."
Sabi nito. Habang hila hila ako. Umirap na lang ako.
"Honey, ito pala ang isa pang best friend ko, siya ang bridesmaid ko. Si Kiarah Fontana. best ang asawa ko si Hathore Mendes."
Pakilala niya dito.
"Nice to meet you. ikaw pala yung laging kenekwento nito sa akin. Parehas nga kayo ng kaibigan ko,sayang hindi mo na meet" Sabi niya saka kinamayan ako.
"Okay lang, nice meeting you too"
Sabi ko. Saka nakipag kamay sa kanya.
Nagpaalam ito sa amin ng tumunog ang Cellphone niya.
Inip na inip ako. Ang dami pang seremonyas na naganap dito sa reception. Maya maya tinawag na kami dahil ihahagis na ni Rachelle ang bouquet niya.
Sa kagustohan niya na ako ang makasalo, kahit ayaw ko pinilit niya ako na pumunta sa likod niya. Nailang ako sa mga bisita ng makitang nakatingin sila sa akin kaya hinintay ko lang na makatalikod si Rachelle para umalis. Saktong aalis na ako ng may maramdaman akong babagsak sa harap ko at sinalo ko naman ito agad. Nagulat na lang ako sa tili ni Rachelle na nangingibabaw sa reception hall ng tingnan ko ang hawak ko nanlaki ang mata ko ng makita na yung bouquet na hinagis ni Rachelle ay hawak hawak ko na. Tuwang tuwa ang mga kaibigan ko sa nangyari.
****
"ANO ba yan, sayang naman ang pagpipilit ko na masalo mo ang bouquet ko kung hindi ka naman hahanap ng papa mo." Sabi ni Rachelle.
Nakukulitan na ako sa kanila magmula ng dumating siya galing sa Honeymoon niya. Ako na ang kinulit nilang tatlo. Hindi daw sila papayag na maiwan ako na nagiisa at ilang beses ko naring sinabi na ayos lang ako.
"At isa pa diba may utang ka sa akin."
Sabi niya. Saka pinarinig sa akin ang pinagusapan namin nung paalis ako papuntang Canada. Nirecord pala nito ang conversation namin.
"Pero umattend naman ako ng kasal mo ah." Sabi ko sa kanya.
"No. Reception kana kaya dumating pero nung oras ng kasal ko wala ka." Sabi niya hindi na ako naka imik.
"Kaya bilang parusa, papayag ka na makipag blind date. Hmm."
Sabi niya na nakataas pa ang kilay. Samantalang ako gulat na gulat.
"What!" Bulalas ko. Hindi ako makapaniwala na ito ang hihingiin niyang kapalit.
"Anong what ka diyan? Bakit ano ang iniisip mo na kapalit nun pera o kaya bahay at sasakyan duh."
Sabi niya napataas ang kilay ko.
"Mayaman ang asawa ko kaya hindi ko kailangan yan at isa pa marami rin kaya akong pera magkasosyo nga tayo diba."
Sabi niya uli.
"Kaya wag ka ng umangal angal diyan. Mag ready ka dahil may ka meet ka sa Corinthian Garden ng 7pm mamaya."
Sabi nito. Napanganga ako sa gulat.
"Itikom mo yan besty, baka pasukan ng langaw mabilaukan ka pa o kaya magtae kapa dahil sa microbyong dala nun at hindi ka makarating sa meeting place niyo, sayang naman ang effort namin."
Sabi niya na hinawakan pa ang baba ko at tinaas. Na itikom ko naman agad ang bibig ko takot ko lang na makalunok nga ng langaw no.
"Hindi niyo talaga to pinaghandaan no? Dahil mukhang ako lang ang hindi nakakaalam na may ka date ako mamaya." Sarkastika kong sabi sa kanila. Pero nagkibit balikat lang ang mga ito.
****
Kinagabihan. Kahit nag pupuyos ang kalooban ko,wala akong nagawa kundi pumunta sa lugar na sinabi ni Rachelle.
Pagpasok ko sinalubong ako ng isang babaeng receptionist.
"Miss Fontana?"
Tanong niya sa akin tumango ako.
"This way Mam!" Sabi niya sabay lahad ng kamay niya at naglakad siya sumunod ako sa kanya. Malayo palang nakita ko na ang isang lalake na nakaupo sa isang lamesa hawak ang Cellphone niya at may kinakausap dito. Ng maramdaman ang pagdating namin pinatay niya ang Cellphone niya saka sinalubong ako.
Aktong aalalayan niya ako ng magsalita ako.
"No need. Kaya ko ang sarili ko hindi ako imbalido." Mataray na sabi ko sa kanya. Hindi ko talaga napigilan kasi naman hindi ko talaga gusto ang idea na ito.
Natigilan ito. Pero maya maya nakabawi naman at naupo na rin. Ng makita ko na tatawagin niya ang waiter.
Nagsalita uli ako.
"Hindi na kailangan, hindi ako nagugutom an less are you hungry. Omorder ka na lang kung gusto mo." Sabi ko dito natawa ito. Inis ko naman siyang tiningnan. May nakakatawa ba sa sinabi ko, insane pa yata tong napili nilang i date sa akin.
"Tama nga sila. Ikaw nga ang Famous na Miss Fontana na deretsahang magsalita at ayaw ng paligoy ligoy." Sabi niya sabay hawak sa baba niya. Napa ngiwi ako.
"Do I know you?" Tanong ko sa kanya.
"Not Exactly, but you. I know you more."
Sabi niya sabay tawa. Na inis ako lalo.
"Sorry, I need to go. Siguro naman sapat na ang oras ng pakikipagusap ko sayo."
Sabi ko at hindi na siya hinintay na magsalita pa. Umalis na ako.
Nasundan pa yun ng ilan pa pero pareparehas lang sila walang kwenta kausap.
****
MAAGA pa lang binulahaw na ako ng tatlo sa office ko.
"Besty naman, wala ka man lang nagustuhan sa mga naka date mo? Mga good looking naman sila. May mga sinasabi din sa buhay kagaya mo bat. Ayaw mo parin?"
Maktol ni Rachelle.
"My God Arah, tinanong mo ng magkano ang anak ni Don Mariano. Ang may ari ng mga sikat na Resot dito sa pilipinas."
Bulalas ni Cherry. Sabay tampal sa noo niya.
"Malay ko naman na anak yun ni Don Mariano no. E sa payat nun, akala ko wala ng makain. Kaya tinanong ko kung magkano ang kailangan niya."
Sabi ko. Natawa si Flor sa sinabi ko.
"Tigilan niyo na nga yan. Sa hindi pa dumarating si Mr right sa kanya e."
Sabi ni Flor sa kanila.
"Ano pa nga ba. Ayaw ng makipag date sa kanya ng mga inaalok namin e. Napapahiya lang daw sila."
Inis na sabi ni Cherry. Huminga ng malalim si Rachelle.
Nakahinga naman ako ng maluwag, sa wakas nagsawa din sila. Nakakasawa din kasi ang makipag argumento.
****
NASA kalagitnaan ako ng trabaho ng bumukas ang pintuan ng office ko. hinihingal na pumasok si Cherry.
"What?" Tanong ko dito.Tumitig muna ito sa akin napa kunot ang noo ko.
"Si ..Flor." Hinihingal na sabi niya. Saka huminga ng malalim,napa taas ang kilay ko.
"Manganganak na si Flor, Arah!!"
Sigaw niya. Napa tayo ako sa upuan ko.
"Bat ngayun mo lang sinabi loka loka, babagal bagal ka pa."
Inis kong sabi. Sabay kuha sa bag ko at hinila na siya palabas ng office ko.
"Sa hinihingal ako e, naghagdan lang kaya ako. Kasi walang paakyat na elevator." Sabi niya sa akin. Nagmamadali kaming pumasok sa elevator.
****
"KUYA bilisan mo baka manganak na ang kaibigan namin." Sabi ko sa driver ko. Naninervous ako. Para tuloy ako ang manganganak.
"Nurse nasan ang Doctor? manganganak na ang kaibigan ko."
Tanong ko sa Nurse na nakasalubong namin.
"Nasa loob po" Sabi nito na tinuro pa ang hallway. Napakunot ang noo ko ng makita na nakatingin lang ito sa amin.
"Ano pa ang ginagawa mo? Bat di mo tawagin ang doctor? Manganganak na ang kaibigan ko!!"
Inis na bulyaw ko dito.magtataray pa sana ito.
"Ano pang tinitingin tingin mo diyan? O baka gusto mo ipatangal kita oramismo.!"
Inis na sabi ko dito. Parang natauhan naman ito nagmamadaling pumunta sa hallway.
"Best, kalma lang. Masyado na naman umiinit ang ulo mo e."
Sabi ni Cherry sa akin. Napa tingin ako kay Flor na namimilipit na sa sakit ng tiyan. Natataranta naman na nagdala ng will chair ang guard nakita niya yata ang ginawa ko sa Nurse.
"Oh, miss Fontana?" Bungad sa akin ng doctor ng makita ako. Kilala ako nito kasi isa ako sa may ari ng Ospital.
"Doc, manganganak na ang kaibigan ko!"
Sabi ko dito. Kaya agad naman itong lumapit kay Flor. Saka tinawag ang isang Nurse.
May sinabi ito sa nurse. Maya maya umalis ang nurse na kausap niya at may dumating na dalawang lalaking nurse tulak tulak ang isang higaan pinahiga nila si Flor saka pinasok sa delivery room.
Hindi ako mapalagay ng makapasok siya sa loob.
"Best, maupo ka nga. Nahihilo ako sayo e." Sabi ni Cherry.
"Tss. Bakit ba kasi nag asawa asawa pa kayo, naninervous ako sa inyo, para tuloy ako ang manganganak hindi kayo. Haays." Sabi ko. Natawa ito maya maya hinihingal na dumarating si Rachelle kasunod nito si Tom.nagtanong ang mga to sa kalagayan ni Flor. Sinabi ko na nasa delivery room na ito. Tahimik kaming naghintay sa labas ng delivery room.
****
"Ang cute cute naman ng baby mo Flor."
Sabi ko habang nilalaro ng daliri ang kamay nito.
"Gumawa kana kasi ng sayo, maghanap kana ng Mr. Right para sayo."
Sabi ni Flor.
Napa ngiwi ako. Hindi dahil sa sinabi niya. Hindi talaga pumasok sa isip ko na makipagrelasyon at magkaroon ng asawa. Pero anak gusto ko lalo na ngayung may mga pamilya na sila. sa totoo lang natatakot akong muling maiwan magisa.
"Gusto ko ng anak pero ayoko ng asawa, hindi ko kailangan ng Mr. Right Mr. Right na yan." Sabi ko sa kanila. Nagkatinginan na lang ang mga to.
Isang araw lang si Flor sa ospital pinauwi din sila.
****
"ANG cute cute naman ng inaanak ko."
Sabi ko habang karga karga ang anak ni Flor.
Katatapos lang ng binyag ng anak nito at ninang kami nila Rachelle.
"Akina yang si Tim ng makakain kana."
Sabi ni Flor. Saka inaya na ako sa lamesa kung nasaan ang dalawa naming kaibigan.
"O heto na pala sila e. Sabi ni Cherry.
"Ano naman ang pinaguusapan niyong dalawa at mukhang seryoso?"
Tanong ko sa kanila. Saka umupo na sa tabi ni Rachelle.
"Eto kasing si besty. May naisip na daw siyang solosyon sa problema mo."
Sabi ni Rachelle. Napa kunot ang noo ko.
"Anong problema? May problema ba ako? Bat hindi ko alam?" Tanong ko na naguguluhan.
"Ay temang. Ano pa, diba gusto mo ng anak ayaw mo ng asawa pero gusto mo ng anak." Sabi ni Cherry. tumango ako.
"Yun pala yun. Hindi ko naman problema yun kayo lang ang nomomoroblema dun e." Sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila saka umiling.
"Ganito nga kasi yun. Dahil gusto mo ng anak pero ayaw mo naman ng asawa at ayaw mo rin makipag one night stand sa lalaking hindi mo kilala dahil na natatakot ka sa background nito ano kaya kung magpapublish tayo sa newspaper." Seryosong sabi nito. Napatanga ako sa sinabi niya. Sila Flor at Rachelle naman ay bumunghalit ng tawa.
"Ano naman ang ipupublish mo?"
Tanong ni Flor, na natatawa parin.
"Like, wanted Baby maker W/personality and good background." Sagot nito. Natawa naman si Flor.
'Ano naman ang pagkakaiba nun sa one night stand aber?"
Tanong ulit ni Flor.
"At least dun, machecheck natin ang background nung lalake hindi na matatakot si Arah para sa magiging anak niya." Sabi uli ni Cherry. Napa isip ako may punto siya dun bakit hindi ko nga gamitin ang pera ko para sa kagustuhan kong magkaanak.
"Sige payag ako. Pero sa isang kundisyun isang beses lang gagawin at kailangan naka piring kami para hindi niya ako makikilala at hindi ko din siya makikilala. Para kung sakali hindi niya ako mabablackmale at hindi niya rin guguluhin ang buhay namin ng anak ko at hindi rin ako intiresado kung sino siya." Mahabang sabi ko. Napatanga sila Flor at Rachelle samantalang si Cherry ngiting ngiti.
"Seryoso! Pumayag ka sa kalokohan na naisip nito." Sabi ni Flor. Sabay turo kay Cherry.
"Why not? Kung magkakaroon ako ng anak dun at hindi niyo na ako kukulitin na makipag blind date sa kung sino sino dahil hindi na ako magiisa." Seryosong sabi ko. Napa tawa sila Cherry at Rachelle napatampal naman sa noo si Flor.
Sa mga sumunod na araw. Naging busy na sila sa paghahanap sa lalake na magbibigay sa akin ng anak. Sila na ang pinaasikaso ko dun dahil busy ako sa kompanya ko. Kailangan walang maging problema ang negosyo ko, lalo na ngayun magkakaroon na ako ng anak.
***ERUS POV#***
"Kumusta ang naging lakad mo?"
Tanong ko sa isa naming tauhan.
"Boss napagalaman ko na wala dito sa Mexico ang leader ng Phantom Gang kasalukuyang nasa pilipinas. Inuwi nila sa pilipinas ang matanda pagkatapos isalin ang katungkulan sa anak niya. Nawalan na ito ng gana na pamunuhan ang grupo ng malumpo niyo, kaya bago umalis ang mag ama nagsalita ang anak na hindi daw siya titigil hangat hindi kayo nagkikita." Mahabang salaysay nito. Napa kunot ang noo ko.
"Hindi na niya kailangan hanapin ako. Dahil ako mismo ang hahanap sa kanya." Galit na sabi ko. Saka pinaglaruan ang sing sing sa daliri ko.
Matagal na panahon ko na silang hinahanap at pinaghandaan. Ngayung alam ko na kung saan ko sila makikita hindi ko na ito papalampasin pa. Nung huli naming pagkikita na puruhan niya ako kaya ilang buwan ako na malagi sa ospital. Ngayung nakalabas na ako sa ospital panahon na para magtuos kami.
"Drake, ihanda niyo ang plain panahon na para bumalik ako ng pilipinas."
Sabi ko dito. Napa tingin ito sa akin.
"Yes Boss.!" Sagot nito. Saka umalis. Kinuha ko ang Cellphone ko at may dinial ako.
"Hello?" Seryosong sabi ko.
"Hey Bro! What's up?" Tanong ni Thor ng marinig ang boses ko.
"Maghanda ka panahon na para bumalik tayo sa pilipinas.' Seryosong sabi ko sa kanya. Sandaling natahimik ito.
"Yown oh! Makakasama ko narin ang wife ko." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
Oo nga pala pagkatapos ng Honeymoon nila pinatawag ko na siya agad at may pinagawa ako sa kanya. Pinahanap ko sa kanya ang location ng mga Phantom. dahil napag alaman ko na ang taong matagal ko ng hinahanap ay leader pala ng Phantom at parehas lang pala kami nasa mundo ng Mafia. Pinahanap ko na ito sa mga tauhan ko.
"Kailan ang flight natin?" Tanong nito sa akin.
"Bukas ng gabi." Sabi ko sa kanya. Tuwang tuwa ito dahil makakapamili pa daw siya ng pasalubong sa asawa.
Pagkatapos ko makipag usap kay Thor, may kinontact pa ako.
"Hello!" Sabi ko ng marinig ang boses sa kabilang linya.
"Oh! DG my problema ba?"
Sabi ng kabilang linya.
"Ihanda mo ang tutuluyan ko diyan sa pilipinas. Darating ako diyan bukas ng gabi at iayos mo ang lahat at baka matagalan ang pag lagi ko diyan."
Seryosong sabi ko.
"Okay, sabi mo e."
Sabi nito saka ko pinatay na ang tawag.
"Anak, sigurado ka na ba sa gagawin mo?" Tanong ni Papa Draco sa akin.
"Opo Papa. Matagal ko ng pinaghandaan ang pagkikita namin. This time ako naman ang makikipag laro sa kanila. Panahon na para bawiin ko sa kanila ang lahat ng inagaw nila sa akin."
Sabi ko na nagtatagis ang bagang.
"Kung kailangan mo ng tulong magpasabi ka lang."
Sabi niya. Sabay tapik sa balikat ko, tumango ako sa kanya.
"Ready na ba ang lahat?"
Tanong ko ng lumabas ng silid ko.
Dito na kami ngayun sa malaking Mansion nakatira, kasama ko si Papa Draco. Magmula ng mapasok ang Mansion ko dito na kami tumuloy sa Bahay ni papa Draco. Dito niya ako dinala dati nung niligtas niya ako noong maliit palang ako dito rin ako lumaki at nagkaisip.
Umalis lang ako dito at nagtayo ng sariling mansion nung ilipat na niya ang lahat sa akin pati ang pamumuno sa Serpent.
"Yes Boss." Sagot nila sabay kuha ng maleta ko.
Iiwan ko ang negosyo ko dito sa Mexico. Kasama yung sa black market kay Papa Draco, habang nasa pilipinas ako. Isa si papa Draco na kinatatakutan sa mundo ng mafia. Kasama sila ng ama ko sa pinaka mataas na leader ng mafia dati.
Magkaibigang matalik sila ng ama ko. Sila ng ama ko ang nagtayo sa Serpent, ang ama ko ang naging pinuno nito at si papa draco ang naging kanang kamay niya.
Lima silang magkakaibigan na nagtayo ng organization at ang Serpent ang nakilala sa black market. Isa sila sa namuno sa mga mafia sa buong mundo. May grupo ang mga namumuno ng Mafia noon tinawag itong. SANCTUARY. Binubuo ito ng SERPENT,ANTS,NECTAR,COMANDO,THUNDER,UNICORN,ARSENAL,ROYAL at YOKAN.
ng magasawa na sila papa Draco at si ama tumiwalag sila sa grupo ng Sanctuary, pero hindi nila binuwag ang grupo ng Serpent. Naiwan si papa Draco sa pamumuno sa Serpent.
Kaya nagkahiwalay sila ng ama ko. Umuwi ng Pilipinas ang ama ko at doon nanirahan kasama ang mama ko at naiwan dito sa Mexico si Papa Draco. Nagkita lang sila ulit ng makatangap ng tawag si papa Draco galing sa ama ko. Na nanghihingi ito ng tulong. Pero huli na ng makarating si papa Draco na liligo na ito sa sarili niyang dugo ang tanging na sabi na lang nito ay iligtas niya ang anak nito,bago ito na lagutan ng hininga.
Na siyang ginawa nito sa akin. Hindi nito alam kung sino ang gumawa nun sa amin wala siyang nakuhang inpormasyon sa mga conection niya ng paimbistigahan niya ang nangyari.kaya wala kaming clue kung anong dahilan bakit pinatay ang mga magulang ko. Inilihim niya ang pagkatao ko para sa kaligtasan ko dahil hindi niya alam kung sino ang tunay na kalaban.
Habang nakasakay sa sariling airplane nagbalik ang lahat sa akin pati ang paliwanag ni papa Draco sa akin kung bakit hindi niya na iganti ang mga magulang ko. Nagtagis ang mga bagang ko sa alala na yun.
Pagdating namin sa airport may sumalubong na agad sa amin na mga sasakyan.Hinatid kami sa isang hotel.
"Hello DG? Diyan ka muna magstay ngayung gab. Bukas na kita ihahatid sa Mansion mo. Sa ngayun stay and pleasure the nigth with my gift."
Sabi ng kausap ko na si bugart isa siya sa asset ko.
Saka pinatay na ang tawag. Napa iling na lang ako sa sinabi nuya. Sa bagay matagal na ng may makasama ako magdamag. Lumabas na ako sa sasakyan.
"Ako na. Stay here." Sabi ko sa tauha ko na kukuha sana ng mga gamit ko. Saka kinuha ko ang maleta ko at pumasok na sa loob ng hotel.
Sumunod sa akin sila Drake at Julius si Jake naman ay nagpaiwan at si Thor ay nagpaalam na uuwi muna. Niyaya niya ako sa bahay niya tumuloy pero tumangi ako, ayaw kong madamay ang misis niya sa gulo namin.
Pagpasok ko sa loob may sumalubong sa amin na babaeng staff ng hotel. May tinanong sa amin at umalis. Maya maya bumalik ito at may binigay na Card sa amin pumasok na kami sa elevator.
Pagdating sa flor na nakalagay sa Card naghiwa hiwalay kami. Nakita ko ang number ng kwarto ko, pero bukas na ito kaya napakunot ang noo ko at humanda sa mangyayari. Nagulat ako ng may sumalubong na mga babae sa akin pagtapat ko sa pinto.
"Eto na yata ang sinasabi ni Boss pero bakit may dalang maleta?"
Rinig kong sabi ng isa.
"Baka may pupuntahan siya pagkatapos dito, Gaga." Sabi naman ng isa.
"In fairness, ang gwapo at ang hot niya ha?" Sabi uli ng isa, napa kunot ang noo ko. Hindi ba sila aware na naririnig ko sila. Nagulat na lang ako ng hawakan ako nung isa at piniringan naman agad ako ng isa.
"What ar..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng itulak ako ng mga ito papasok sa loob ng silid. Babalik pa sana ako para pagalitan ang mga to kaso may narinig akong boses.
"I..ikaw na ba Y..yan.?"
Nauutal na sabi nito. Ang amoy niya ang bango parang sa isang bulaklak. Balak ko sanang alisin ang piring ko sa mata kaso nagsalita uli ito.
"please, don't take out your mask."
sabi nito. Na parang kinakabahan. Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong meron sa boses niya at
Para akong nahihipnotismo agad kong hinubad ang tuxedo ko at unti unting lumapit sa kama habang tinatangal ang long sleeve ko.
***KIERAH POV#***
KANINA pa ako pabalik balik ng lakad sa loob ng silid ko, dito sa Fontana's hotel.
Ngayung gabi ang napagusapan namin na kakatagpuin ko dito, ang lalake na makakasama ko ng buong magdamag.
Sigurado naman ako kahapon, saka kanina, pero ngayun habang palapit ang oras kinakabahan ako.
Nandito ako ngayun sa room na kinuha nila Cherry. Para sa amin nung lalake na napili nila na makasama ko magdamag.
Kanina ko pa pinagmamasdan ang see true na kulay itim kasama ang pares na bikining lace na kulay itim din.Ibinigay ito ni Rachelle sa akin ito daw ang suutin ko ngayun.
Halos wala na ngang itinago dito tapos wag daw akong magbra pag sinuot ko ito, dahil istorbo daw yun napapalunok ako. Katabi nito ang piring ko sa mata na kulay itim din.
Napa tingin ako sa relos sa ding ding, kalahating oras na lang.
Kinse minutos na lang ng mapagpasyahan kong isuot ang mga yun saka piniringan ang mata.
Eksaktong kakatapos ko lang ng bumukas ang pinto