Chapter 10

1836 Words
MALAWAK na nginitian ni Thalia ang lalaking dumukot sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan nang mahuli niya itong nakatingin sa kanya. Kanina pa niyang nararamdaman ang titig nito na para bang may mali o dumi sa kanyang mukha. Mabilis na nag-iwas ng tingin ang lalaki na ikinasimangot ni Thalia pero pansin niya ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi nito sa hindi niya malamang dahilan. Kasalukuyan silang nasa salas ng bahay dahil isinama siya roon ng kambal pagkatapos nilang kumain ng tanghalian. Iyon ang unang beses na nakalabas siya ng silid na pinagdalhan sa kanya mula nang dukutin siya ng mga ito. Magaan ang loob ni Thalia kina Warren at Darren at mabilis niya ring nakasundo ang mga ito dahil katulad ng lalaki na ilang araw na nagbabantay sa kanya ay mababait din ang dalawa. At hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya maiwasan ang hindi mamangha dahil wala siyang nakikitang pagkakaiba sa kambal kahit sa panlabas na anyo ng mga ito. Magkapareho rin ang postura ng dalawa at maging ang boses at pananalita. Nag-uusap ang tatlong lalaki at hindi alam ni Thalia kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito dahil medyo malayo ang kanyang puwesto. Seryoso ang mga ito at ramdam ni Thalia ang tensyon sa paligid habang nag-uusap ang tatlo. At habang tumatagal ang pag-uusap ng tatlong lalaki ay hindi maiwasan ni Thalia ang hindi kabahan dahil sa nakikita niyang kaseryosohan sa mga mukha ng mga ito, bakas din doon ang sobrang galit na hindi niya mawari kung para kanino. Sa kanya kaya? Nang hindi na makayanan ni Thalia ang tensyon habang nag-uusap ang tatlong lalaki ay dahan-dahan siyang tumayo para tahimik na umalis at iwanan ang mga ito sa salas. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay bigla siyang natigilan nang marinig ang boses ng lalaki. Bahagya rin siyang napatalon dahil sa pagkagulat. "Saan ka pupunta?" seryosong tanong nito dahilan para mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba. Dahan-dahang humarap si Thalia sa kinaroroonan ng tatlo at napalunok nang makita ang seryosong mukha ng mga ito habang nakatingin sa kanya. "H-Hindi po ako tatakas. B-Babalik lang po ako sa kuwarto," sagot ni Thalia at hindi niya maiwasan ang hindi mautal dahil sa sobrang kaba. Nakakaramdam na rin siya ng takot dahil sa nakikitang ekspresyon ng mukha ng tatlo. Bahagyang napaatras si Thalia nang tumayo ang lalaki at nagsimulang humakbang palapit sa puwesto niya. Titig na titig ito sa kanya habang hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha. Tumigil ito sa harapan niya habang nanatiling nakatutok ang mga mata sa kanya. Mariin siyang napapikit nang tumaas ang kamay ng lalaki dahil sa pag-aakalang sasaktan siya nito. Kasabay ng pagpikit niya ay ang pag-alpas ng ilang butil ng luha sa kanyang mga mata dala ng sobrang takot. Naramdaman ni Thalia ang mainit na palad ng lalaki sa kanyang mukha at ang marahang paghaplos ng hinlalaki nito sa kanyang pisngi para pahiran ang kanyang luha. Ibang-iba ang ginawa nito sa inaasahan niya. "Bakit ka umiiyak?" malumanay ang boses na tanong ng lalaki at bakas din doon ang pag-aalala. Dahan-dahang binuksan ni Thalia ang mga mata at tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng lalaki. Kahit ang kambal ay nakatayo na rin buhat sa puwesto ng mga ito kanina habang nag-aalalang nakatingin sa kanya. "Natatakot po ako sa inyong tatlo. Parang galit po kasi kayo kanina," pag-amin ni Thalia dahilan para magkatinginan ang tatlong lalaki. "Huwag kang matakot dahil hindi ka namin sasaktan. Totoong galit kami kanina pero hindi sa 'yo kaya huwag kang matakot sa aming tatlo," wika ng lalaki bago niya naramdaman ang pagpulupot ng mga braso nito sa katawan niya at natagpuan na lang ni Thalia ang sariling nakakulong sa mainit na mga bisig nito. Sa hindi malamang dahilan ay biglang nawala ang takot at kabang nararamdaman niya kanina at sa halip ay napalitan iyon ng bagong pakiramdam, pakiramdam na ligtas siya yabang yakap siya ng binata. Sumapit ang hapunan at natagpuan na lang ni Thalia ang sarili na nakaupo sa hapag-kainan kasama ang kambal habang pinanonood ang lalaki na abala sa paghahanda ng pagkain nila. Hindi alam ni Thalia kung ano ang nangyari at kung bakit biglang nag-iba ang pakikitungo ng lalaki sa kanya buhat nang bumalik ito kanina galing sa pinuntahan nito pero hindi niya itatangging gusto niya ang pakikitungo nito ngayon sa kanya. Hindi niya lang talaga maiwasan ang hindi magtaka. Hindi maiwasan ni Thalia ang hindi mamangha sa lalaki dahil halatang bihasa ito sa loob ng kusina. Napakaliksi ng galaw ng mga kamay nito at halatang sanay na sanay ito sa pagluluto. Napakabilis din nitong maggayat ng mga sangkap ng mga niluluto nito na hindi nasusugatan ang mga kamay kahit na nakatingin ito sa kanya habang ginagawa nito iyon na parang nagpapasikat ito sa kanya. Maya't-maya niya rin itong nahuhuling sumusulyap sa kanya at bahagyang tataas ang sulok ng labi kapag nakikitang nanonood siya habang namamangha. Natapos ang lalaki sa pagluluto at mas lalong namangha si Thalia nang makita ang lahat ng mga pagkaing niluto nito na nakahain sa ibabaw ng hapag. Ilang putahe ang niluto nito at lahat iyon ay mukhang masasarap. Napakabango ng lahat ng niluto nito at hindi niya maiwasan ang hindi matakam habang nakatingin sa mga pagkaing nakahain sa kanyang harapan. Sabik na siyang matikman ang lahat ng putahe ng pagkain dahil bago lang ang lahat ng iyon sa paningin niya. "Kainan na!" masayang sabay na wika ng kambal na katulad niya ay halatang sabik din na matikman ang mga niluto ng lalaki. "Teka lang. Hindi po ba tayo magdadasal muna bago kumain?" pigil ni Thalia dahilan para matigilan ang kambal sa pagsandok ng pagkain. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki na nakaupo sa kanang bahagi niya habang kaharap naman nila ang kambal. Napakamot sa ulo ang dalawa habang nakangiwing nakatingin sa kanya. "Sige, magdasal muna tayo," wika ng lalaki sa tabi niya na ikinangiti ni Thalia. Ipinikit niya ang mga mata at nag-antanda ng krus bago niya sinimulang sambitin ang maikling dasal para sa hapunan nila. Pagkatapos magdasal ay kumunot ang noo ni Thalia nang makitang titig na titig sa kanya ang tatlo pagmulat niya ng mga mata. "She's really an angel..." sabay na bigkas ng kambal na lalong ikinakunot ng noo ni Thalia dahil hindi niya alam ang ibig sabihin ng mga salitang sinabi ng mga ito. "May problema po ba?" kunot-noong tanong ni Thalia nang manatiling nakatingin sa kanya ang tatlo. "Wala... Kumain na tayo," wika ng katabi niya bago nito sinimulang lagyan ng pagkain ang kanyang plato. Sumandok na rin ng pagkain ang kambal bago ang mga ito nagsimulang kumain. Nagtataka at naguguluhan man ay nagsimula na rin lang kumain si Thalia. Pagkatapos nilang kumain ay nagtaka si Thalia nang isama siya ng lalaki sa ikalawang palapag ng bahay. Dinala siya nito sa isang kuwarto na sa tingin niya ay pagmamay-ari nito dahil may nakita siya roong mga larawan ng lalaki. Malinis at malaki ang kuwarto na parang halos buong palapag ay sinakop na nito. "Simula ngayon ay ito na rin ang magiging kuwarto mo," wika ng lalaki na bahagyang ikinagulat ni Thalia. Dumiretso ito palapit sa kama bago umupo roon. At sa hindi malamang dahilan ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya nang muling dumapo ang mga mata nito sa kanya. "Kuwarto ko ito kaya dito rin ako matutulog. Pero huwag kang mag-alala dahil doon ako matutulog," muling wika ng lalaki at itinuro ang sofa na nasa kaliwang bahagi ng kuwarto. May maliit din doong lamesa. "Bakit po kailangang lumipat ako ng kuwarto? Maayos naman po ang silid na tinutulugan ko," kunot-noong tanong ni Thalia dahil hindi niya maiwasan ang hindi magtaka sa mga kilos ng lalaki. Iniiwas nito ang tingin sa kanya bago ibinagsak ang likod sa kama. Wala siyang nakuhang sagot sa tanong niya. Lumapit si Thalia sa puwesto ng lalaki at napahinga nang malalim nang makitang nakapikit ito. "Tutulog ka na po ba?" nakasimangot na tanong ni Thalia dahil maaga pa para matulog. At katatapos lang ng hapunan nila. "Puwede ko po bang malaman ang pangalan mo?" muling tanong ni Thalia. "Alam ko na po kasi ang pangalan ng kambal na kanina ko lang nakilala tapos ikaw po na ilang araw ko nang—" "Matthew... Matthew ang pangalan ko," pagputol ng lalaki sa sasabihin niya habang nanatiling nakapikit ito. "Matthew..." bigkas ni Thalia sa pangalan ng lalaki. Nagmulat ito ng mga mata at bahagya siyang natigilan nang dumapo ang paningin nito sa kanya. Umupo ito sa kama habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya. "Say it again," wika nito na ikinakukot ng kanyang noo. "Po?" "Sabihin mo ulit ang pangalan ko," utos ni Matthew. Naguguluhan man ay sinunod ni Thalia ang gusto nito. "Matthew..." bigkas niya ulit sa pangalan ng lalaki at sa isang iglap ay natagpuan na lang ni Thalia ang sariling nakadapa sa ibabaw ng binata. Hindi na niya nagawang sumigaw dahil sa sobrang gulat nang bigla nitong hilahin ang braso niya dahilan para pareho silang bumagsak sa ibabaw ng kama. Itinukod ni Thalia ang braso sa kama para suportahan ang bigat ng katawan niya. Hindi niya magawang tumayo dahil nakapulupot sa kanyang baywang ang mga braso ng binata na parang ayaw na siya nitong pakawalan. "Isa pa," muling utos nito habang nakatingin sa labi niya. "Matthew..." sambit muli ni Thalia sa pangalan ng lalaki tulad ng gusto nito. "Isa pa..." muling wika nito at sa pagkakataong 'yon ay pansin niya ang pagbabago ng boses ng binata. Pansin niya rin ang kakaibang kislap sa mga mata nito na tila lasing habang nakatitig sa labi niya. "Matt—" Hindi na naituloy ni Thalia ang pagbigkas sa pangalan ng binata dahil natagpuan na lang niyang magkalapat ang mga labi nila. Namilog ang kanyang mga mata kasabay nang mabilis na pagkabog ng dibdib niya dahil sa kakaibang emosyong dulot ng ginawa ng binata. "Kaysarap pakinggan ng pangalan ko habang binibigkas ng mga labi mo," malawak ang ngiting wika ng binata nang paghiwalayin nito ang mga labi nila. Sa hindi malamang dahilan ay ramdam ni Thalia ang pag-iinit ng kanyang mukha at tila napansin iyon ng binata dahil mahina itong tumawa. "Bakit mo po pinaglapat ang mga labi natin?" tanong niya dahilan para muli itong tumawa. "Napakainosente mo talaga," tumatawang wika nito. "Halik ang tawag sa ginawa ko." "Halik?" "Oo. Katulad nito," wika ng binata bago niya muling naramdaman ang paglapat ng labi nito sa labi niya. Pero kakaiba sa pagkakataong iyon dahil nagsimulang gumalaw ang labi nito, hindi tulad kanina na magkalapat lamang ang mga labi nila. Hindi alam ni Thalia kung ano ang gagawin, kung patitigilin niya ba si Matthew o hahayaan niya lang ito sa ginagawa. Hindi nagtagal ay kusang na lang pumikit ang kanyang mga mata habang dinadama ang bawat galaw ng labi nito kasabay ng mabilis na t***k ng puso niya. Hindi dahil sa takot o kaba, kundi dahil sa hindi pa niya mapangalanang emosyon na una niyang naramdaman nang una niyang masilayan ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD