Chapter 11

1998 Words
MABILIS na pinaghiwalay ni Matthew ang mga labi nila ni Thalia nang bigla siyang matauhan sa kanyang kapusukan. Kumunot ang noo ng dalaga habang inosenteng nakatingin sa kanya at bakas ang pagtataka nito sa mukha. Tila nagtataka ito kung bakit siya huminto sa pag-angkin sa labi nito. Huminga si Matthew nang malalim bago niya marahang inalalayan si Thalia paalis sa ibabaw niya. Bumangon siya at umupo sa kama katulad ng dalaga. Hindi niya magawang tumingin sa mga mata nito dahil sa kanyang kapangahasang ginawa, sinamantala niya ang pagiging inosente nito. Pinagalitan ni Matthew ang sarili dahil nagpadala siya sa bugso ng damdamin niya para kay Thalia. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila, parehong walang kibo habang nakaupo sa ibabaw ng kama. Hindi na mabilang ni Matthew kung ilang buntong-hininga na ang pinakawalan niya habang pinakikiramdaman si Thalia sa tabi niya. Hanggang sa hindi na siya nakatiis at lakas-loob na nag-angat ng tingin sa dalaga na kasalukuyan palang nakatingin sa kanya dahilan para magkasalubong ang kanilang mga mata. Hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo nito habang inosenteng nakatingin sa kanya. Muli siyang bumuntong-hininga. "Dito ka lang. Kukunin ko lang ang mga gamit mo sa kuwarto sa ibaba," wika ni Matthew bago muling nag-iwas ng tingin kay Thalia. Kita niya ang pagtango nito sa peripheral vision niya. Umalis si Matthew sa kama bago lumabas sa kuwarto na hindi tinatapunan ng tingin ang dalaga. Tila wala sa sariling iniwan niya si Thalia para kuhanin ang gamit nito sa kuwarto sa ibaba. Muntik pa siyang nahulog sa hagdan na ikinamura niya. f**k! Ang bilis talaga ng karma! "Ayos ka lang, bro?" Napalingon si Matthew sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang kambal na kasalukuyang nasa salas habang may kung anong pinagkakaabalahan. Sobrang kapal ng folder ang nakapatas sa harapan ng mga ito. "Ayos lang ako," sagot ni Matthew bago tumikhim. Ipinagsawalang-bahala niya na nakita ng kambal ang kanyang kalutangan at ang muntik pa niyang pagkahulog sa hagdan. "Anong ginawa n'yo?" sa halip ay kunot-noong tanong ni Matthew bago lumapit sa puwesto ng dalawa. Kumuha si Matthew ng isang folder na nasa harapan ng kambal at mas lalong kumunot ang kanyang noo nang mabasa kung ano 'yon. Kumuha pa siya ng ibang folder at isa-isang tiningnan ang dokumentong laman niyon bago siya hindi makapaniwalang tumingin sa kambal. "Saan at paano n'yo nakuha ang mga dokumentong ito?" hindi makapaniwalang tanong ni Matthew dahil confidential ang dokumentong hawak nila ngayon. Naglalaman iyon ng mga impormasyon tungkol sa transaksyon ng kompanya ni Wilfredo Agustin, mga pangalan ng shareholders at investors kasama ang impormasyon ng bawat isa sa mga ito. "Kami pa ba? Wala yatang imposible sa aming dalawa," may pagmamalaking wika ni Darren bago nakipag-fist bump sa kakambal. Hindi itatanggi ni Matthew na humanga siya sa kakayahan ng dalawa at madalas man na isip-bata kapag umiral ang kakulitan ng mga ito pero pagdating sa trabaho ay seryoso at maaasahan naman ang mga ito. Huminga si Matthew nang malalim habang nakatingin sa dalawa. Kinain siya ng kanyang konsensya dahil sa nakalipas na araw ay halos ang kambal na lang ang gumagawa ng hakbang para mapabagsak si Wilfredo, halos nakatutok na lang ang atensyon niya sa dalaga. Laban niya sana ito para sa katarungan ng pagkamatay ng mga magulang niya pero parang ang kambal naman ang lumalaban para sa kanya. Nagiging unfair na siya kina Warren at Darren. "Pasensiya na kung hindi ko masiyadong natututukan si Wilfredo sa mga nakalipas na araw. Halos kayong dalawa na lang ang gumagawa ng paraan para mapabagsak siya. Laban ko sana ito pero ang nangyayari ay kayong dalawa na ang lumalaban para sa akin." "Ayos lang, bro. Naiintindihan ka namin. At isa pa ay laban natin ito, hindi ka nag-iisa. Gagawin namin ang aming makakaya para matulungan ka. Kaibigan ka namin, itinuturing na kapatid at pamilya. Walang iwanan hanggang dulo... haggang sa makamit natin ang hustisya," wika ni Darren. "Sa ngayon ay kami muna ang bahala sa kompanya ni Wilfredo, unti-unti namin siyang pababagsakin hanggang sa malugmok siya. Ang pagtuunan mo ng pansin ay si Thalia," wika naman ni Warren dahilan para mabilis na mag-iwas ng tingin si Matthew sa dalawa. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha dahil biglang bumalik sa isipan niya ang halik na nangyari sa pagitan nila ng dalaga. At hindi iyon nakaligtas sa matalas na mga mata ng dalawa. f**k! Heto na naman sila... "Wait. Why are you blushing, bro? Don't tell me— "W-Wala akong ginawa kay Thalia. Hindi ko siya hinalikan," mabilis na depensa ni Matthew sa sarili dahilan para mapuno ng halakhak ng dalawa ang buong salas. Namilog ang mga mata ni Matthew at ramdam niya ang mas lalong pag-iinit ng kanyang mukha nang mapagtanto ang mga salitang binitawan niya. Damn! He has such a big mouth! "Wala pa naman kaming sinasabi, bro. Nahuli ka tuloy sa sarili mong dila," tumatawang wika ni Darren. "May gagawin pa pala ako. Maiwan ko na kayo ritong dalawa," wika ni Matthew para makaiwas sa dalawa. Mabilis niyang tinalikuran ang kambal. Narinig pa niya ang pagtawa at panunukso ng mga ito na hindi na lang niya pinansin. Dumiretso na lang siya sa dating kuwarto ni Thalia para kuhanin ang mga gamit nito. Iilan lang ang mga gamit ni Thalia kaya inilagay niya lang lahat iyon sa isang kahon. Hindi na lang pinansin ni Matthew ang kambal nang muli niyang madaanan ang mga ito sa sala pero narinig niya ang hagikhikan ng mga ito nang makita siya. Dire-diretso lang siyang umakyat sa hagdan hanggang sa makarating siya sa kanyang kuwarto kung nasaan ang dalaga. Kumunot ang noo ni Matthew nang hindi makita sa loob ng kuwarto si Thalia. Pero hindi nagtagal ay bumukas ang pinto ng banyo at namilog ang kanyang mga mata nang lumabas doon si Thalia na tanging puting tuwalya lang ang nakapulupot sa katawan. Nabitawan ni Matthew ang dala dahil sa hindi inaasahang masasaksihan ng inosente niyang mga mata. "f**k!" mura ni Matthew nang bumagsak ang kahon sa kanyang mga paa. Bigla siyang natauhan kaya mabilis siyang tumalikod para hindi lalong magkasala sa dalaga. Fuck! Wala pang isang araw na nananatili si Thalia sa kuwarto niya pero heto at sinusubok na agad siya. Parang ngayon pa lang ay gusto na niyang magsisi kung bakit sa kuwarto niya naisipang dalhin ang dalaga samantalang marami naming bakanteng kuwarto sa bahay. Ano ba kasing naisipan niya at doon niya dinala si Thalia? "Pasensiya na po. Ang tagal mo po kasing bumalik kaya naglinis na ako ng katawan habang wala ka," dinig niyang wika ni Thalia na ikinahinga ni Matthew nang malalim para pakalmahin ang sarili. "D-Dala ko na ang mga gamit mo. Magbihis ka na," nauutal na wika ni Matthew. "Salamat po," wika ng dalaga bago niya narinig ang yabag ng paa nito palapit sa puwesto niya. Mariing pumikit si Matthew nang malanghap ang mabangong amoy ng sabon niyang ginamit ni Thalia. Sobra ang pagpipigil niyang huwag itong harapin bago buhatin at ibagsak sa ibabaw ng kanyang kama. f**k! Parang anumang oras ay magkakasala siya sa dalaga. Nakahinga lang si Matthew nang maluwag nang marinig niya ang pagsarado ng pinto ng banyo. Lumapit siya sa kama at parang nanghihina ang tuhod na umupo roon. Parang bigla rin siyang naubusan ng lakas kaya ibinagsak niya ang katawan sa ibabaw ng kanyang kama. Hindi nagtagal ay lumabas si Thalia sa banyo. Mabilis na bumangon si Matthew sa kama at agad dumiretso sa banyo habang hindi tinatapunan ng tingin ang dalaga. Pagkasarado niya ng pinto ng banyo ay mabilis niyang inalis ang lahat ng saplot niya sa katawan at agad na tumapat sa ilalim ng shower para pahupain ang init na nararamdaman niya. Hinayaan niyang dumaloy ang malamig na tubig sa kanyang katawan para pahupain ang init na unti-unting tumutupok sa kanya dahil baka kapag nagtagal pa iyon ay tuluyan na siyang magkasala kay Thalia. Pagkalabas ni Matthew sa banyo ay kumuha siya ng ekstrang kumot at unan bago dumiretso sa sofa na tutulugan niya. Ramdam niya ang mga mata ni Thalia sa kanya na hindi na lang niya binigyang-pansin para makaiwas sa tukso sa katauhan ng dalaga. "Diyan ka po ba talaga matutulog?" dinig niyang tanong ni Thalia. "Oo," sagot ni Matthew habang hindi ito tinitingnan. "Na nakatapis lang po ng tuwalya? Baka po lamigin ka," muling wika ng dalaga at napamura si Matthew nang makitang totoo ang sinabi nito. Sanay siyang hindi nagdadala ng damit sa loob ng banyo kaya lumabas din siyang nakatapis lang ng tuwalya. Isa pang dahilan ay hindi siya sanay na matulog na mayroong saplot sa katawan kaya pagkalabas niya ng banyo ay diretso na siya sa kama para magpahinga. Pero hindi na 'yon puwede simula ngayon dahil hindi na siya nag-iisa sa kuwarto at may iba nang nagmamay-ari sa kama niya. Kumuha si Matthew ng boxer shorts sa closet bago bumalik sa banyo. Iyon na lang ang susuotin niya sa pagtulog. Pagkalabas niya sa banyo ay bumalik siya sa sofa at agad na humiga roon. "Dito ka na lang po kaya matulog sa kama? Tabi na lang po tayong dalawa," dinig niyang wika ni Thalia habang nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi na lang niya ito pinansin at sa halip ay nagtalukbong siya ng kumot para umiwas sa dalaga. Tukso, layuan mo ako! "Sige na po, sanay naman po akong may katabi," pangungulit nito. Inalis ni Matthew ang kumot na nakatalukbong sa kanya bago magkasalubong ang kilay na tiningnan si Thalia dahil hindi niya nagustuhan ang narinig. Tulad niya ay nakahiga na rin ito habang nakatagilid na nakaharap sa kanya. "Sinong lagi mong katabing matulog at nasanay kang may katabi sa kama?" "Si Nanay Betty po. Si Kuya Theo rin po noong mga bata pa kami," sagot ni Thalia na ikinahinga ni Matthew nang maluwag. Ang akala niya ay may ibang taong nanamantala sa kainosentehang mayroon ang dalaga. Tulad niya... "At hahayaan mong makatabi ako sa pagtulog?" kunot-noong muling tanong ni Matthew. "Opo, kuwarto mo naman ito at hindi ko ito kama," inosente nitong sagot na ikinahinga ni Matthew nang malalim. "Hindi ka dapat pumapayag na may katabing matulog lalo na kung lalaki dahil babae ka. Hindi ka ba nangangamba na baka may gawin ako sa 'yong hindi maganda? Malaki ka na, dalaga na... isa kang malaking tukso sa mga mata ng mga kalalakihan. At isa na ako roon," paliwanag ni Matthew na ikinakunot ng noo ni Thalia. "Bakit? May gagawin ka po bang hindi maganda sa akin?" tanong ng dalaga dahilan para matigilan si Matthew. Mayroon nga ba? "W-Wala..." nauutal na sagot ni Matthew bago nag-iwas ng tingin sa dalaga. I'm not sure... "Sige na matulog ka na. Dito na lang ako matutulog," wika ni Matthew na ikinatango ni Thalia. Ipinikit nito ang mga mata habang nanatiling nakaharap sa puwesto niya. Hindi alam ni Matthew kung gaano siya katagal na nakatitig lang sa mukha ng dalaga hanggang sa kusang pumikit ang kanyang mga mata. Kinabukasan, kumunot ang noo ni Matthew nang hindi nakita si Thalia nang magising siya. Wala na ito sa kama at maayos na rin iyon. Bumangon siya sa sofa at itinupi ang kumot na ginamit niya bago siya dumiretso sa banyo. Pagkalabas sa banyo ay lumabas kaagad si Matthew sa kuwarto. Dumiretso siya sa kusina nang walang makitang tao sa salas at doon niya nakita ang kambal na kasalukuyang nagkakape. Pero kumunot ang kanyang noo nang hindi nakita roon si Thalia. Sa hindi malamang dahilan ay biglang binundol ng kaba ang dibdib niya. "Nasaan si Thalia?" tanong ni Matthew na kumuha sa atensyon ng dalawa. "Hindi ba't ikaw ang kasama niya sa kuwarto? Bakit sa amin mo siya hinahanap?" balik-tanong ni Darren. "Wala na siya sa kuwarto nang magising ako kanina. Hindi kaya..." "Tumakas siya at bumalik sa mansion?" pagtatapos ng kambal sa sasabihin niya. Pare-parehong namilog ang kanilang mga mata. "f**k! Ngayon ang balik ni Wilfredo sa mansion galing sa bakasyon," wika ni Warren na ikinamura ni Matthew. Mabilis siyang lumabas sa kusina kasunod ang kambal. "Kailangan nating magmadali bago pa muling mapasakamay ni Wilfredo si Thalia!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD