"MUKHANG malalim ang iniisip natin, ah." Napukaw ang atensyon ni Matthew nang biglang may nagsalita sa tabi niya. Kagigising niya lang at kasalukuyan siyang nasa balkonahe habang umiinom ng kape. Hindi namalayan ni Matthew ang pagdating ng isa sa kambal dahil okupado ang isip niya. And it's because of her, Thalia Agustin. Ang babaeng ayaw mabura sa kanyang isipan buhat nang kanyang masilayan.
Halos dalawang linggo na ang mabilis na lumipas buhat noong paunlakan nila ang imbitasyon ni Wilfredo Agustin sa mansion. At sa ngayon ay naghahanap na lang sila ng magandang pagkakataon para maisagawa ang plano nilang dukutin ang itinatagong anak nito.
Sa loob ng halos dalawang linggong nagdaan ay walang araw na hindi sumagi sa isip niya ang magandang mukha ni Thalia. Maging sa kanyang pagtulog ay hindi siya tinatantanan ng imahe nito at sa unang pagkakataon ay nagkaroon din siya ng malaswang panaginip dahil sa babae. Naging makasalanan ang inosente niyang kamalayan pagdating sa usaping seksuwal dahil dito.
"I guess... he's thinking about Thalia again, bro. Mukhang na-love at first sight yata siya do'n sa anak ni Mr. Agustin," wika ni Warren na kararating lang habang may dalang dalawang tasa ng kape, ibinigay nito ang isa sa kakambal.
"Ang komplikado naman pala ng magiging lovelife mo 'pag nagkataon, bro. Bawal na pag-ibig dahil umibig sa anak ng kaaway. Ngayon pa lang ay tatanungin na kita dahil alam naman natin na dadating ang araw na kailangan mong mamili at magdesisyon para sa dalawa. Ano ang pipiliin mo... pag-ibig o paghihiganti?" mabilis naman agad na segunda ni Darren sa sinabi ng kakambal nitong si Warren.
"Nice question, bro..." natatawang wika ni Warren. Napailing na lang si Matthew sa kakulitan ng kambal.
"Tigilan n'yo nga ako. Hindi siya ang laman ng isipan ko ngayon. Ang iniisip ko ay kung paano natin maisasagawa ang plano," pagkakaila ni Matthew. Tumango-tango naman ang kambal bago ang mga ito nagkatinginan. At alam ni Matthew na hindi kumbinsido ang kambal sa sinabi niya.
Kahit si Matthew ay hindi rin alam kung ano ang nangyayari sa kanya at hindi rin siya sigurado sa nararamdaman. Bago sa kanya ang lahat lalo na ang emosyong hindi niya mapangalanan buhat nang makita niya si Thalia. Ginulo ng babae ang puso't isipan niya at hindi maitatanggi ni Matthew na excited siyang muling makita ang dalaga. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng babae sa kanya at kung bakit siya nagkakaganoon na para bang ginayuma siya nito, he was bewitched by her beauty.
"Oo na lang, bro. Maniniwala na lang kami kahit na hindi kapani-paniwala ang sinabi mo," tumatawang wika ni Warren. "Hindi naman masiyadong halata buhat sa pagiging madalas mong lutang at tulala mula nang manggaling tayo sa mansion ni Wilfredo. At pupusta rin ako na hindi mabura sa isipan mo ang mukha ni Thalia, na lagi mo siyang naiisip mula nang makita mo siya at kahit sa pagtulog ay dinadalaw ka ng maganda niyang mukha. Masamang senyales 'yan, bro. Tinamaan ka nga kapag ganiyan ang mga nararamdaman mo. Na-love at first sight ka nga sa anak ng kaaway mo," dagdag pa nito na mabilis na ikinaiwas ng tingin ni Matthew dahil tama ang lahat ng sinabi nito.
Pero hindi sang-ayon o kumbinsido si Matthew sa huling sinabi ni Warren na na-love at first sight siya kay Thalia dahil naniniwala siyang may iba pang rason kung bakit ganoon ang mga nararamdaman niya buhat nang makita niya ang dalaga.
Hindi ako puwedeng mahulog sa kanya. I shouldn't fall in love with my enemy's daughter...
Pilit na kinumbinsi ni Matthew ang sarili dahil hindi siya maaaring mahulog sa anak ng kaaway niya. Isang malaking risk 'yon dahil sa bandang huli ay magagamit iyon ni Wilfredo laban sa kanya. Kaya hangga't maaari ay pilit niyang pipigilan ang sariling mahulog kay Thalia dahil baka ang dalaga rin ang maging dahilan ng pagkasira ng plano niyang paghihiganti para sa pagkamatay ng mga magulang niya. Dahil sa ngayon ay mas matimbang sa kanya ang paghihiganti at hindi niya iyon hahayaang mahadlangan ninuman.
"Tama na ang kalokohan ninyong dalawa. I'm just overwhelmed dahil sa wakas ay may alas na ako laban kay Wilfredo kaya tigilan n'yo na ako. I'm not in love with her and I have no plan to fall for her so stop teasing me about that woman," pagputol ni Matthew sa kakulitan ng dalawa.
"Okay, kung 'yan ang gusto mong paniwalaan. Pero huwag kang magsalita ng tapos dahil malay mo isang araw ay matagpuan mo na lang ang sarili mong patay na patay sa isang Thalia Agustin," natatawang wika ni Darren kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Siya nga pala, may good news kami sa 'yo," biglang wika ni Warren kaya bumaling dito ang atensyon niya.
"Ano 'yon?"
"May nakuha kaming impormasyon galing sa source namin na dadalo raw si Mr. Agustin at pamilya niya sa gaganaping piging ng mga bigating negosyante," panimula ni Warren na ikinakunot ng noo ni Matthew. Alam niya ang tungkol sa piging dahil kahit silang tatlo ay nakatanggap ng imbitasyon doon.
"At pagkatapos daw ng pamilyang Agustin na dumalo sa piging ay diretso na ang mga ito para sa isang out of town na bakasyon na tatagal ng halos isang linggo," pagpapatuloy ni Warren na kumuha sa atensyon ni Matthew.
"At 'yon ang magandang pagkakataon para maisagawa natin ang plano..." pagtatapos ni Matthew sa gustong iparating ni Warren.
"Tumpak! Nadali mo!" sabay na wika ng kambal na ikinangiwi ni Matthew. Parang hindi ang mga ito lumaki sa ibang bansa dahil sa mga salitang gamit ng mga ito.
Ilang araw pa ang lumipas hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay ni Matthew, ang pagdukot kay Thalia. Hindi sila dumalo sa piging ng mga bigating negosyante para maisagawa ang plano nila.
Maaga pa lang ay nakabantay na sila sa may gate ng mansion at naghihintay ng magandang tiyempo para makapasok sa loob. Hindi naman iyon mahirap sa kanila dahil may pahintulot sila ni Wilfredo na puwede silang bumalik sa mansion kahit na kailan nila gusto. Ang tanging pinoproblema na lang nila ay kung paano makukuha si Thalia na hindi nalalaman ng ibang katulong. At kung saan ito itinatago ni Wilfredo sa loob ng mansion.
Ibang sasakyan ang ginamit nila para hindi sila ang paghinalaan ni Wilfredo kung sakaling magtagumpay sila sa pagdukot sa anak nito. Alam nila ang lokasyon ng cctv sa may gate at nagawan na ni Darren ang tungkol sa bagay na iyon. Alam din nila ang lokasyon ng cctv sa loob at labas ng mansion dahil isa iyon sa inalam ni Matthew nang naglibot-libot siya roon bukod sa pagbabakasakali na makikita niya ang itinatagong anak ni Wilfredo noong pumunta sila sa mansion.
Pero makalipas ang ilang oras na paghihintay malapit sa gate ay tila umaayon sa kanila ang tadhana dahil nakita ni Matthew na bumukas iyon at lumabas ang babaeng pinoproblema nila kung paano dudukutin. May bitbit itong dalawang itim na trash bag na puno ng basura na dadalhin nito sa tambakan ng basura hindi kalayuan sa may gate at saktong hindi iyon hagip ng cctv.
"Siya ba 'yon, bro?" tanong ni Darren na kasalukuyang nakatingin din sa direksyon ni Thalia.
"Mukhang siya na nga, bro. Natulala na naman si Matthew, eh," sagot ni Warren sa tanong ng kakambal. Sabay na tumawa ang dalawa kaya pareho niya ang mga itong binatukan dahilan para tumigil ang mga ito sa pagtawa.
"Tumigil muna kayo sa kalokohan n'yong dalawa. Puwede bang kahit ngayon lang ay magseryoso muna kayo?" seryosong wika ni Matthew habang hindi inaalis ang tingin kay Thalia na malapit na sa tambakan ng basura. Hinihintay lang nila itong makarating doon bago sila kumilos para dukutin ang dalaga.
"Ngayon na!" utos ni Matthew kay Darren na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Agad nitong pinatakbo ang sasakyan palapit sa kinaroroonan ng dalaga at nang makalapit sa puwesto nito ay mabilis niyang binuksan ang pinto ng sasakyan bago mabilis na bumaba at agad niyang tinakpan ng panyong may pampatulog ang ilong at bibig ni Thalia. Hindi na ito nakapagpumiglas pa dahil nakatulog agad ito kaya mabilis niyang pinangko ang katawan ng dalaga papasok sa sasakyan. Got ya!
Sobrang bilis ng t***k ng puso ni Matthew habang papalayo ang sasakyan nila sa mansion. Sobra siyang kinabahan sa ginawang pagdukot kay Thalia na ngayon ay nasa mga bisig niya habang nakaupo sa kanyang kandungan. Para itong isang batang natutulog sa mga bisig niya at hindi niya maiwasan ang hindi titigan ang magandang mukha nito. She's really gorgeous...
"Baka matunaw, bro," pang-aasar ni Warren na hindi na lang pinansin ni Matthew.
"Puwede mo naman siyang ihiga na lang sa upuan, bro. Ikaw din, baka mangalay ka," natatawang wika ni Darren nang makitang parang ayaw nang bitawan ni Matthew ang dalaga.
Nasa unahan ng sasakyan ang kambal kaya may sapat na espasyo sa likod ng sasakyan kung sakaling ihihiga ni Matthew si Thalia sa upuan. Napailing na lang ang kambal dahil sa iniaakto ni Matthew na sobra kung makatanggi na hindi na-love at first sight kay Thalia na taliwas naman sa ikinikilos nito ngayon.
"Iniiwasan ko lang na mahulog siya," sagot ni Matthew habang hindi tinatapunan ng tingin ang kambal.
"Wow... napaka-thoughtful naman pala ng aming lover boy," pang-aasar ni Darren na sinundan nito ng pagtawa. "Pero hindi ka namin masisisi kung bakit bigla kang nahulog nang una mo siyang masilayan because she's really beautiful, bro," dagdag pa nito.
"Yeah, she's really beautiful..." tila wala sa sariling wika ni Matthew habang hindi inaalis ang mga mata sa mukha ni Thalia. Narinig niya ang hagikhikan ng kambal at doon lang tila natauhan si Matthew at na-realize kung ano ang sinabi niya. f**k!
Sa sobrang kahihiyan ay hindi na lang nag-angat ng tingin si Matthew sa kambal. At habang titig na titig siya sa magandang mukha ni Thalia ay biglang tumigil ang sasakyan. Hindi iyon inaasahan ni Matthew dahilan para masubsob siya at natagpuan na lang niyang nakalapat ang labi sa labi ng dalaga. Namimilog ang mga matang nag-angat siya ng tingin sa dalawa na nakakalokong nakatingin sa kanya.
"Ayos ba, bro? Masarap ba?"
"Uy, may first kiss na siya. Hindi na virgin ang labi ni Matthew..." Pang-aasar ng dalawa. Sinamaan niya ang mga ito ng tingin.
Ramdam ni Matthew ang pag-iinit ng kanyang mukha dahil sa kagagawan ng kambal. Namumula ang mukhang nag-iwas siya ng tingin sa dalawa at ramdam niya ang mabilis na t***k ng puso niya.
"Kunwari galit pero gusto rin naman," dinig niyang pang-aasar pa ng isa sa kambal bago napuno ng hagikhikan ng mga ito ang loob ng sasakyan dahilan para mas mag-init pa ang kanyang mukha. f**k them!