Chapter 14 Jasmine Pagkatapos kong hugasan ang kaldero ay nilagyan ko iyon nang tubig at isinalang sa apoy. Nilagay ko ang buong karne, repolyo, patatas, sibuyas, bawang at luya, hindi ko hiniwa ang mga iyon. Saka inilagay ko ang isang balot nang bitsin na malaki at isang pack ng asin. Wala akong idea kong paano lutuin ang mga iyon. Kaya, ayon! Excited ko silang pinagsama-sama lahat sa isang kaldero. Gutom na gutom na ako. Wala pa kasi akong kinain simula kagabi. Nagsisi tuloy ako kung bakit nag-inarte pa ako at hindi kumain kagabi. Wala man lang binili si Mike kahit gatas o biscuit. Napagpasayahan ko rin na gumawa pa ng apoy sa tabi ng apoy na nilingas ni Tiya Cora. Maya-maya ay nilagyan ko ng kahoy ang apoy para hindi mamatay at nagpalingas ako sa kabila ng isa pang apoy. Nagtagumpa