Chapter 15 Jasmine Nagbihis muna ako bago pumunta sa batis. Mabuti na lang dala ko ang aking pang-swimming na two piece at nagsuot ako ng maluwag na t-shirt na hanggang hita ko. Nagpunta na kami sa batis at si Leny naman ay naka-short lang at si Stephen naman ay naka-boxer short at wala itong suot pang-itaas. Agad ko naman hinubad ang aking damit, kaya nakapag-two piece lang ako. Nakita ko pa na bigla napalunok si Stephen. At si Len naman ay nanlaki pa ang mga mata at napaawang ang labi. Parang ngayon lang nakakita ng naka-two piece na babae. "What's wrong?" tanong ko sa kanila. ''Ah, wala. Ang ganda pala ng katawan mo ang puti pa," sabi ni Leny. Napangiti na lang ako at nagtampisaw sa malinaw na tubig at lumusong sa bandang kabila sa nababagsakang tubig na galing sa itaas. Nakit