Chapter 12 Mike Pagkatapos naming mag-inuman ni Reynald ay napagpasiyahan kong balikan ang asawa ko sa hotel kung saan ko siya iniwan kagabi. Gusto ko rin mag-sorry dahil sa inasal ko sa kaniya. Ayaw ko naman na masaktan siya o ma- offend sa akin. Dali-dali akong bumaba sa aking ferarri at nagmadaling tumungo sa suite namin. Pagpasok ko sa aming suite ay nagtungo ako sa silid namin ni Jasmine. Nakita ko siyang nakahiga, naka-bra at pantie lang ito. Lumabas ulit ako at saka napadako ang tingin ko sa isang pares ng sapatos na panlalaki na hindi ko naman pagmamay-ari. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang isang pantalon na nakasabit sa upuan. Nagulat na lang ako nang bumukas ang banyo at lumabas ang isang lalaking nakatapis ng tuwalya sa pang-ibabang bahagi ng katawan nito. Pamilyar s