Chapter 11 Jasmine After 1 month Mabilis lumipas ang mga araw at sumapit ang araw ng graduation namin. Hindi naman nawala sina Mommy at Daddy sa araw ng aking pagtatapos sa kolehiyo. Pagkatapos ng graduation namin ay sumapit naman ang araw ng kasal namin ni Mike. Matapos ang seremonya ng kasal namin ni Mike ay nagtungo kami sa hotel kung idinaos ang reception namin at ngayon ay kasal na kaming dalawa. Isa na akong Mrs. Buenaventura. Napakasaya ko sa araw na ito. Simpleng seremonya lang ang naganap sa aming kasal ni Mike. Nakasuot ako ng wedding dress na hapit sa aking beywang at labas ang aking likuran ng bahagya at lalo pa ako gumanda sa wedding gown kong suot. Malalapit lang na kaibigan nila Mommy at Daddy ang dumalo sa kasal namin ni Mike at malalapit naming mga kamag-anak. Ganoo